Chapter 7

41 17 0
                                    

Elijah

Papunta kami ngayon ni Adi sa restaurant na pagkikitaan namin ni Theo. Hindi namin alam kung bakit siya nang-iimbita pero masaya ako dahil magkikita na naman kami.

Tahimik naming dinadako ang daan ng mapansin kong habang nagda-drive ay madalas ang pagsulyap sa'kin ni Adi "Anong trip mo?"

Sumulyap lang siya sa'kin at hindi ako pinansin kaya nanahimik na lang din ako. Ewan ko, kanina pa 'yan parang wala sa mood.

Pagkarating namin sa restaurant ay agad kong nakita si Theo. May kasama siyang dalawang tao sa table. Isang lalaki at isang babae.

Napako ang paningin ko sa babae, napakaganda niya. Morena, singkit ang mga mata, at matangos ang ilong. Ilan lang 'yan sa mga natatanging characteristics na nakikita ko sa kaniya ngayon.

Tumayo si Theo sa pagkakaupo ng makita kaming dalawa ni Adi "Hello Adi and Eli!" bati niya sa'min.

"Hello." nakangiting bati ko habang si Adi naman ay ngumiti't kumaway lang.

"Have a seat." paanyaya niya kaya magkatabi kaming umupo ni Adi sa dalawang bakanteng silya.

"Guys, I would like you to meet Michael and Hera." pagpapakilala sa'min ni Theo ng dalawa niyang kasama. Ngumiti ito sa'min at kumaway.

"This is Adrian and Elijah." pagpapakilala niya naman sa'min "They are my childhood friends and bff's."

Ouch! Ang sakit. Bff daw ako.

Tumingin si Theo sa'ming dalawa "Since you all are here, I'd like to share some very significant news with you." then lumingon siya kay Hera at hinawakan ang kamay nito.

Anong meron? Bakit may paghawak ng kamay?

Nakatutok lang ako sa kamay nilang dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa isa't isa.

Huli na ba ako?

"I am dating Hera."

Para akong nabingi sa narinig ko. Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Theo. Unti-unti kong naramdaman ang kirot at bigat sa aking dibdib. Pakiramdam ko'y gusto kong umiyak ng umiyak.

Pilit kong pinipigilan ang luha ko habang tinitingnan kung paano sila tumingin at ngumiti sa isa't isa.

Ang sakit.

Wala ako sa sariling tumayo at yumuko "R-rest room m-muna ako."

Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa. Mabilis akong naglakad paalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ayokong bumalik doon.

Kahit na alam kong wala akong karapatan na masaktan pero hindi ko maiwasan, eh. Ilang taon ko siyang gusto at ni minsan hindi ko siya pinalitan. Wala siyang kasalanan sa'kin at alam ko 'yon.

Nakalabas na ako ng restaurant pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko at yakapin ako. Hindi ko na siya tiningnan dahil sa pabango niya pa lang ay kilalang-kilala ko na siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at doon nagsimulang bumuhos ang aking mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at napakabigat ng loob ko. Diniin ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak.

Our Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon