Chapter 1
Tin's POV
KANINA pa ako nakatambay dito sa may Home Economics building, kung saan katapat lang ng building nang information and Communication Technology, kung saan kabilang si Xander.
It's been 2 years simula nang makilala ko si Xander—or in complete name—Alexander Greek Velasquez, kasalukuyan na akong 3rd year College Student, at inaamin ko na isa ako sa mga maituturing na stalker ng binata. Biruin mo 'yon, dalawang taon na pala akong may gusto sa kanya, pero hanggang ngayon, hanggang tingin lang ako sa malayo.
Tamang stalk lang palagi sa kanya. Ni hindi niya nga ata ako kilala. And it really hurts me. Hindi ako sanay na tinatago ang nararamdaman ko, lalo na't simula nung bata ako, halos ako ang palaging umaamin sa mga taong nagugustuhan ko.
First time 'kong naglakas loob 'nung grade six ako, last graduation practice namin 'yon, at halos anim na taon 'ko ding naging crush ang classmate 'kong sobrang talino at bait na si Joshua. Umamin din naman ito na naku-kyutan ito sakin, pero mas malinaw pa sa sikat ng araw na alam ko sa sarili ko na bawal pa akong mag-boyfriend that time. Wala naman akong balak suwayin 'yon, umamin lang ako para atleast, pag hindi man kami naging magkaklase pagdating ng highschool, wala akong regrets dahil nasabi ko ang true feelings ko kay Joshua.
The second time is nung 4th year high school naman ako, which is si Kevin, this time, hindi ko sya kaklase. Kasamahan ko lang siya sa isang chorale na sinalihan ko. Nagustuhan ko sya dahil napakabait nya, at talagang napakaganda ng boses. Graduation na din namin 'yon, at mismong graduation day ako umamin, kaso plakda ang pag amin ko. Sinabi kasi nito na may girlfriend daw ito na mahal na mahal nito ng sobra.
Well, okay lang din naman since wala naman akong balak na jowain sya, dahil that time, stressed ako sa course na kukunin ko. Medyo nalilito kasi ako kung mage-education ako or magto-tourism. Well, maganda naman ako kaya pwede sa tourism, ang kaso lang, kinulang ako sa tangkad.
Kaya, mas pinaburan ko na lang ang education. Atleast duon, okay lang kahit mag-high heels ako habang nagtuturo, atsaka walang height requirement, as long as mataas ka sa academics, ayos na.
Okay, back na tayo sa kasalukuyang nangyayari sa buhay ko. So ayon nga, nasa stalker mode na naman ako ngayon, at pilit na hinahanap ng mata ko si Xander. Hindi ko pa kasi ito nasasaksihan ngayong araw, dahil na-late ako nang pasok kanina, kaya hindi ko nasubaybayan ang wild grand entrance nya. Wild kasi ang daming wild animals sa paligid nya. At isa na ako duon kung andun ako kanina.
Dahil hindi pa rin mahagilap ng mata ko ang gwapong si Xander, napahinga ako nang malalim, at tinignan ang suot 'kong relong pambisig.
3:00 pm.
Sakto naman ang punta ko, dapat ganitong oras dismissal na nila ah, eh bakit di pa rin sya lumalabas. Napatalikod na lang ako, habang may malungkot na emosyon sa mukha. Hindi kaya wala silang klase sa last subject kaya napaaga ang uwi nya?
Dahil sa naisip, tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad pababa sa first floor ng Home Economics Building. 4th floor kasi ng ICT building located ang room ni Xander, kaya sa fourth floor din ako ng HE naglalagi pag ganitong oras dahil dito masisilayan ko sya agad, tapos pag nakababa na sya mula sa fourth floor, duon ako tatakbo pababa ng mabilis, para naman makasalubong ko sya sa hallway.
Ilang beses na din kaming nagkasalubong sa loob ng dalawang taon, pero hindi ko man lang magawang mag-wave or ngumiti man lang sa kanya. Paano ba naman, kada magkakasalubong kami, at kung kailan ako magbabalak na mag wave, tsaka naman may isang fangirl na epal na biglang susulpot at mag-aabot ng love letter kay Xander.
Ilang beses ko nang nasaksihan ang ganoon, at minsan naiinis na talaga ako, at the same time naiinggit dahil ang tapang tapang nila. Pero syempre, natutuwa at nalulungkot din ako kapag hindi man lang pinapansin ni Xander ang mga nagbibigay ng love letter sa kanya. Natutuwa kasi atleast wala syang ipinapakitang interes sa iba, at nalulungkot para naman duon sa mga babaeng nagtatapat at umuuwing luhaan. Masakit kayang mabasted.
BINABASA MO ANG
You are Exclusively Mine (Available On Dreame/Yugto)
Teen Fiction[Completed ☑] Matagal ko na siyang gusto, at matagal tagal na rin akong hanggang tanaw lang sa kanya. Paano ba naman hindi? Sa oras na makikita ko siya, lagi siyang napapalibutan ng mga fangirls niya. Kapag naman makakasalubong ko siya, imbes na gum...