Chapter 27

64 2 0
                                    

Reese's POV

"Reese, sama ka?"tanong ni Daddy habang nanonood ako ng tv sa sala.

"Saan po?"tanong ko naman pabalik.

"I crave burger, honey."sabi niya sa akin at tumayo. Late night cravings ha? Halos kakatapos lang din kaya naming magdinner, sabagay, hindi gaanong kumain si Daddy.

"No, Dad, Ikaw na lang po."sabi ko  maganda 'tong pinapanood.

Umalis naman na siya. Naisang episode na ako sa k-drama'ng pinapanood ko nang bumalik ito. May dala dala siyang burger. Binigyan niya lang ako ng isa at pinabigay na sa kasambahay 'yong iba.

"'Yong kapitbahay pala natin diyan, nagtatrabaho ng part time doon."sabi niya sa akin. Hindi ko naman pinansin dahil hindi ko kilala.

"Ayon natatandaan ko na ang pangalan, Si Khalid, 'yong nagpunta dito noong birthday mo."sabi niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya at nanlalaki ang matang tinignan siya.

"Si Khalid, Daddy? Baka nagkakamali ka lang!"hindi ko maiwasang sambitin.

"No, it's Khalid, nakausap ko pa nga saglit e, hindi ako pwedeng magkamali."sabi niya sa akin at napailing.

"Nagcrave ako bigla ng burger."sabi ko at napatayo. Pinagkunutan naman ako ng noo ni Daddy.

"May kinakain ka pa lang, Anak."sabi niya sa akin.

"Kaya nga ako bigla nagcrave, kulang ito, Dad, pahiram po ng susi, bibili ako ulit."sabi ko sa kanya.

"Marami 'yong na kina Linda, Humingi ka na lang."sabi niya sa akin at napailing.

"Babawiin mo 'yong binigay mo, Dad? That's rude!"hindi ko mapigilang sambitin. Tinignan niya muna ako na tila hindi makapaniwala sa akin bago binigay ang susi.

"Awwe, Thanks, Dad!"sabi ko ng nakangiti at mabilis na lumabas dahil baka mang-usisa pa ito.

Nagdrive naman na ako sa burger shop na pinagbilhan ni Daddy. Maliit lang 'yon ngunit marami rin atang customer. Umupo naman ako sa medyo malapit na table at luminga linga.

"Hinahanap mo rin 'yong poging part timer nila dito no?"tanong sa akin ng isang babae. Nagulat naman ako dooom ngunit agad ding umiling.

"Pogi, saan ka nag-aaral?"tanong ng isang babae kay Cain na ngayon ko lang nakita. Kinukuha niya 'yong order no'ng mga babae. Pinagmasdan ko lang naman siya.

"Ma'am, sainyo po? Anong order niyo?"tanong sa akin ng isang lalaki.

"Mamaya na lang ako oorder."sabi ko na hindi pa rin inaalis ang mata kay Cain. Hindi ko alam na nagpapart time pala ito ata mas lalong hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito na todo tingin pa kay Cain. He looks hot kahit na mukhang pagod na rin.

Friendly lang itong ngumingiti sa mga nagtatanong sa kanya ng kung ano, nang mapalingon sa gawi ko ay agad na nanlaki ang mga mata niya ngunit agad din akong dinaluhan.

"Hey, what are you doing here?"gulat niyang tanong.

"Late night cravings, I think?"hindi ko maiwasang sambitin.

"Hindi ko alam na nagpapart time ka pala."sambit ko pa sa kanya. Ngumiti naman siya at napakamot sa ulo.

"Uhmm, yeah? Malapit na akong matapos, I'll treat you."sabi niya sa akin. Sasabihin ko pa lang sana na huwag na kaya lang ay may tumatawag nanaman dito na grupo ng kababaihan. Hindi ko alam kung burger ba ang pinunta ng mga 'yan dito o ano.

Wow, Reese, galing talaga sayo 'yan ahh?

Maya-maya lang ay pumasok na sa loob si Cain, mukhang tapos na nga ang time nito, napanguso naman ako ng bumalik nanaman 'yong isang lalaki kanina para itanong ang order ko.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon