Aurelis's POV
"Ano? Ganito na lang ba palagi, Aure?"galit na tanong ni Mama sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, hindi sumasagot dahil mas lalo pa itong magagalit sa akin kung sakali.
"Kung hindi ko pa pinakiusapan 'yong teacher niyo, mananatili pa ring blangko itong grado mo!"nanggagalaiti na ito sa galit sa akin.
"Ma, relax ka lang,"sabi ni Ate kay Mama. Tahimik lang naman kaming parehas ni Archer.
"Tigil tigilan mo ako sa relax relax na 'yan, Haisley!"galit niyang sambit.
"Wala ka kasing inatupag kung hindi 'yang sport sport mo!"galit niyang sambit. Pinigilan ko ang sarili ko na magsalita.
"Hindi ka ba nagsasawa, Aurelis? Palagi na lang ikaw itong problema sa bahay na 'to!"malakas na sigaw niya pa. Walang pakialam kahit na kumakain pa ako. Nanggagalaiti na sa inis dahil sa grado ko.
"Hindi mo gayahin si Archer!"malakas pa na sigaw niya. Napangisi naman ako doon at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Tignan mo 'yong grado mo sa grado ni Archer!"malakas na saad niya at padabog pang binalibag ang card ko sa tabi.
"Si Archer nanaman ang magaling."natatawang saad ko at napatayo sa kinauupuan ko. Akala ko kaya kong intindihin bawat salita nito dahil lagi naman na ako itong mali pero darating din pala 'yong pagkakataon na sasabog ka na lang.
"Si Archer na paborito ng lahat."natatawa ko pang saad ngunit mas lalo pa atang nagalit si Mama dahil doon.
"Paanong hindi magiging paborito si Archer? Alangan naman ikaw?"malakas na tanong ni Mama sa akin.
"Sabagay, kailan mo nga ba ako naging paborito, Ma?"sarkastiko akong natawa.
"Aure, huwag ka nang sumagot."sabi ni Archer.
"Huwag kang makialam dito, Archer."sambit ko sa kanya.
"Sumasagot ka pa? Ikaw na nga lang itong mali!"sabi pa ni Mama sa akin.
"Lis, tama na."sabi ni Ate Haisley sa akin. Umiling ako at hindi nakinig.
"Kailan nga ba ako naging tama?"tanong ko pa na konting konti na lang ay papatak na ang mga luha.
"Ako na 'tong bobo! Walang alam, wala ng nagawang mabuti, Mangmang! Ano pa, Ma?! Ipamukha mo na sa akin lahat para minsanan, para hindi tayo paulit ulit--"bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay agad na ako nitong nasampal.
"Alam mong hindi totoo 'yan!"galit niyang sambit.
"Anong hindi totoo? 'Yong bobo ako? Ano? Totoo naman, diba? Archer dito, Archer diyan! Si Archer na mas magaling kay Aurelis, Si Archer na matalino, si Aurelis na bobo. Si Archer na mabait na anak, si Aure na pasaway."sabi ko ng natatawa ngunit bumabagsak na ang mga luha.
"Ano masarap bang makumpara sa akin? Masaya bang ikaw itong palaging lamang?"tanong ko naman kay Archer na napatayo na rin dahil ss akin.
"Sa ating dalawa, alam mong ikaw itong palaging lamang, Aure."galit na niyang sambit.
"Totoo naman diba?! Ikaw itong paboritong paborito ni Mama! Sabihin mong hindi, Ma! Huwag mong subukang itanggi dahil alam na alam mg lahat 'yon."sabi ko na pumapatak na ang luha. Naalala 'yong mga pagkakataon na lagi akong nakukumpara kay Archer, mga pagkakataon na mas pinili niyang puntahan si Archer kaysa sa akin.
"Alam mong pantay pantay lang ang tingin ko sa inyo, Aure."sabi ni Mama na mahinahon na ngayon.
"Pantay pantay? Hah!"napatawa ako ng sarkastiko.
"Gusto mo isa-isahin ko lahat, Ma?"tanong ko ng nakangiti ngunit patuloy na ang pagtulo ng mga luha.
"Naalala mo 'yong mga bagong damit na pinamili mo kay Archer tapos binigyan mo lang ako ng mga lumang damit ni Ate?"natatawa kong tanong.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Roman pour AdolescentsBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...