Along Bolton St.

10 0 0
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Xx


Along Bolton St.


Palabas na akong sa school. Katatapos lang ng klase ko sa ika-huli kong subject. Dahil morning schedule ang pinili ko ngayong semester, mukhang hindi ko ata maaabutan ang suki kong nagtitinda ng nilagang mani sa labas ng school. Madalas kasing hapon pa nagtitinda si Kuya, mga eksaktong alas-kwatro siya pumupwesto. Ala-una y media pa lang ay awasan ko na.

Dahil talagang ako'y nagc-crave ng nilagang mani, napagdesisyonan kong maglakad mula sa school ko patungo sa pinaka-kanto nitong Bolton Street, sa may simbahan. Sa tabi kasi ng church ay may mga nagtitinda ring samu't-saring peanuts! Parang gusto ko ring kumain ng adobong mani. Ah, makapunta na nga.

Habang naglalakad, sa sobrang init ng panahon, wala akong choice kung hindi dumaan muna sa take-out counter ng McDonald's na nilalakad lang mula sa school. Napagastos ako nang wala sa oras. Naku naman. Nang makabili na ako ng inaasam-asam kong oreo McFlurry, nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang simbahan at nang makarating ako sa kanto ng street, tumawid ako sa lane, saglit na pumasok sa loob ng simbahan para magdasal, lumabas muli at dumiretso sa bilihan ng nilagang mani. Sakto bagong luto 'yong peanuts!

"Bale forty pesos po nitong nilaga tas bente naman po sa adobo." Saad ko sa aleng nagtitinda.

Nang matapos balutin ang mga binili ko ay tumawid ako sa kabilang side ng street para maghintay ng masasakyang jeep. Habang naghihintay, may lalaking kalalabas lang ng simbahan. Hindi mo maikakaila na good-looking siya. Medyo kulot ang kanyang buhok, simpleng white shirt, medyo oversized na may minimal print, denim jeans, black vans, at bagpack. Matangkad rin siya at well-defined ang katawan. Habang ngumunguya ako ay sinusundan ko rin ng tingin ang lalaki. Napataas ang kilay ko nang makita ang babaeng nasa tabi niya.


"Ah, jowa." Bulong ko habang lowkey na tinatango-tango ang aking ulo. Sabay kain ng mcflurry.

Cute yung babae. Short hair, may bangs, naka-dress. Mukhang magkasabay silang nagsimba. Nang makatawid sila papunta sa kung saan ako nakatayo't naghihintay ng jeep ay dito rin sila tumigil. Bale katabi ko na 'yung babae. Nasa right side ko siya, habang nasa right side niya 'yung lalaking cute.

Ilang minuto na akong naghihintay ng jeep. Kung hindi naman puno, ay talagang walang jeep papunta sa ruta kung saan ako nakatira, ang dumadaan. Maya-maya ay pumara ng jeep 'yung katabi kong babae habang papatigil ang jeep ay nagpaalam siya sa kasama niyang lalaki. Inggit ako sa jeep na pinara niya, hindi puno kaso malayo naman sa ruta kung saan ako nakatira. "Una na 'ko." Sabi ng babae. Nag-ngitian lang ang dalawa sabay iniwan na nga ng babae ang lalaki. Walang beso? O kiss sa forehead? 

Ay ba't ka nangingialam, 'te?


"Ah, baka hindi pa sila mag-jowa." Ani ng isip ko.

Minasdan ko ang lalaki gamit ang peripheral vision ko, may tinetext siya. Nilingon ko siya nang hindi nagpapahalata at sakto namang inangat niya ang kanyang ulo mula sa pagtetext at napatingin sa akin.

"Mahabag! Ang cute niya! Grrr." Bulalas na naman ng isipan ko.

Agad namang umalis ang tingin niya sa akin at lumakad papunta sa direksyon kung saan ako nanggaling kanina. Nang malagpasan niya ako, hindi ko mapigilang hindi maamoy ang perfume niya. Attractive na nga, mabango pa. Sana all.

Along Bolton St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon