11:10 pm'
Agad kong inilabas ang notebook at ballpen ko. Malapit na mag 11:11,umaasa padin ako na matutupad ang mga hiling ko.
Saktong pagpatak ng hinihintay kong oras, ay saktong pagsulat ko.
Napabalikwas ako ng tayong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Agad ko namang pinatay ang ilaw sa kwarto at nagpanggap na tulog.Naramdaman kong bumukas ang pinto,sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
'si k-kuya'
Hinwakan nanaman niya ang hinaharap ko,at pinaglaruan ito.
'k-kuya t-tama n-na p-po" naiiyak kong pakiusap sa kanya."tumahimik ka! " galit niyang sambit.
*********
Maaga akong bumangon para hindi ko makasabay si kuya,pero kung ano nga naman yung iniiwasan mo yun pa yung mangyayari.
"lorraine, sumabay ka na sa kuya mo sa pagpasok para hindi ka na mahirapan mag comyut" mahinahong sabi ni mama.
Wala akong ibang magawa kundi ang tumango.
Pagkadating ko sa classroom,sinalubong ako ng mga kaibigan kong may gusto kay kuya.
'ang swerte mo sa kuya mo'
'sana may kuya din akong ganyan'
'ang bait at gwapo pa niya'
'ideal man ko yan! '
Sa kabila ng paghanga nila sa kuya ko ay ang pagkayamot ko sa kanila.
Natapos ang maghapon ng walang gaanong nangyari. Heto si kuya sinusundo ako.
Nagulat ako dahil maling daan ang tinatahak namin. Hindi ito ang papunta sa bahay.
Nang bumama si kuya ay bumaba na din ako. Napakalaking bahay.Sinalubong kami ng isa sa classmate ni kuya at pinapasok.
"pre siya na ba yon? Maganda ha! Andun na yung kotse at pera na pinangako ko sa iyo, balikan mo nalang siya mamaya. "
Ilang beses akong kumawala at hiniyaw ang pangalan ni kuya nagbabakasakaling babalikan niya ako at babawiin sa mga nilalang na ito. Pero nabigo lang ako.
Binalikan ako ni kuya ng may ngiti sa labi. Wala akong magawa. Pakiramdam ko'y napakadumi kong babae. Pagdating namin sa bahay ay si mama ang nadatnan namin.
"bakit ngayon lang kayo umuwi?! Anong oras na mga bata kayo! " galit na usal ni mama
"si lorraine kasi mama, nag aya pa maglibot,wala naman akong magawa mahal ko tong si bunso" nakangiting sabi ni kuya.
"sa susunod lorraine wag mo na aayain ang
kuya mo! Pati siya naaabala mo sa mga kalokohan mo! " galit na sabi ni mama sa akin."sorry ma, sorry kuya. Matutulog na po ako"
Buong gabi akong umiiyak dahil sa kagagawan ng kuya ko.
11:11 humiling ako ulit. Sana matupad.
Tinanghali ako ng gising dahil sa sakit ng katawan.
Pagpasok na pagpasok ko sa classroom ay isang malakas na sampal ang natanggap ko.
"malandi kang babae ka! Pano mo nagawa na pagtaksilan ang kapatid ko?! At talagang wala kang hiya?! "
Ilang sampal at sabunot ang natanggap ko sa ate ni clark. Pero ayoko lumaban. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko nga lang ginusto yun.
Tumakbo ako papunta sa rooftop ng school at duon umiyak.
Tnry ko itext si clark,gusto ko siyang makita at makausap para makapagpaliwanag.'11:00 am'
Saktong pagpasok ni clark .
"Pumunta ako dito para marinig ang paliwanag mo.Pero wag mo aasahan na babalik pa tayo sa dati pagkatapos nito"
Tumango nalang ako habang umiiyak.
'11:05 am'
"gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita clark. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Alam kong kinamumuhian mo ako sa ngayon clark. Pero sana mapatawad mo ako, hindi ko ginusto yun, hindi ko gustong saktan ka. Mahal na mahal kita. "
'11:11 am'
Kinuha ko ang notebook ko at sinulat ang huli kong hiling. Kinuha ko ang blade na nakatago sa notebook ko at walang pag aalinlangang hiniwa ang palapulsuhan ko.
Naramdaman ko ang pagsalo sa akin ni clark. Umiiyak siya, hindi ko na siya marinig.
Today is November 11, 11:11 am
"mahal na mahal kita clark"
Natupad na ang isa sa hiling ko.
Tuluyan ng nawala sa paningin ko si clark.