Franki's POV
" Gurl! Bakit ba galit na galit ka kay Diana? Napakabait nga nong tao na yun sayo! " rinig kong sabi ni Jodie. Napatirik yung mata ko sa inis. Pangalan palang nakakasira na ng mood.
" Pwede ba, Jods! ayoko marinig pangalan ng babaeng yun. Sobrang nandidiri ako. Imagine? Sinasabi niya sakin I'm her wife? Nababaliw na ba sya? " sabi ko. Pero I don't know parang may something na humaplos sa puso ko. Hindi ko yun talaga magets.
" Asus! The more you hate is the more you love, gurl! " asar na tiningnan ko si Maza.
" oh kalma ito naman. Pero what if! What if totoo nga sinasabi ni Diana na ikaw yung asawa niya bibigyan mo ba siya ng chance? " dagdag na sabi ni Maza.
Pagak akong tumawa sa sinabi ni Maza sakin. Again may something na naman akong naramdaman.
" Ok! Times up! We need to go! May klase pa kami eh. " Paalam ni Julia sakin. Tumango naman ako saka ngumiti. Siguro kung di lang ako naaksidente? Baka this year matapos na semister ko.
" You guys take care, ok? Thank you sa pag visit nyo sakin. " sabi ko sakanila.
" No problem! Bye gurl! Ingat ka din ok? " sabay beso beso namin at tuluyan na silang nagpaalam.
Ilang oras ang lumipas naalala ko na naman ang mukha ni Diana. Ewan ko ba talaga simula nong nasa Hospital parang may iba sakanya.
Nakikita ko sa mga mata niya she's longing for someone. Nong sinabi niya sakin na I'm her wife sobrang nagulat ako kasi never naman talaga ako nagpakasal sa babae.
Sobrang bored na ako sa bahay kaya naisipan kong maglakad lakad na muna sa paligid ng aming bahay medyo malawak din kasi tong lugar namin. At mabuti nalang talaga hindi masyadong mainit.
" Hey Franki! " Rinig kong tawag sakin. Napalingon ako sakanya. Yung pinsan ko pala si Marlon. Ang gwapo niya sa suot na white V-neck na pinarisan niya ng khaki shorts.
" Lonlon? What are you doing here? " takang tanong ko sakanya.
" To visit you? Come on, it's been a month since uli tayo nagkita. " parang may tampo pa sa boses niya.
" Fine! You bored din ba kaya ka naparito? No work? " sabay halukipkip ko.
" No work. I'm the boss remember? " May yabang pa na sabi niya.
" Hahaha. Yeah! You're the boss pero satin I'm your boss my cousin! " sabay smirk pa.
" Yeah! Yeah! Cous, wala ka bang gagawin? Punta tayo mamaya sa friend ko, mamayang gabi kasi opening ng new bar niya eh. So baka bored ka? Pinaalam na din pala kita kanina nina Tito and Tita. "
" May choice ba ako? " Napailing ako sa pinsan ko.
Tumawa naman siya ng mahina sa sinabi ko sakanya.
" Frank! Nga pala sunduin nalang kita mamaya ha. Wear something na matutuwa ako. " and he runs. Siraulo talaga tong pinsan ko na to.
Himala nga na nag pirme na siya dito sa Pilipinas. Palagi kasi yang nasa London. Anyway, napag isipan ko na muna na mag mall nalang ako saglit.
Mabuti nalang talaga may tumanggap sakin ng trabaho kahit college level ako. Kahit papano nakatulong ako sa gastusin dito sa bahay.
After ko magbihis nag wear lang ako ng light make up. Ayoko kasi na kapalan make up ko.
Mukhang traffic ngayon mahirap makasakay ng jeep. Kinuha ko nalang phone ko at nag decide na mag grab nalang. Ilang minuto pa dumating na din yung driver na kinontak ko.
BINABASA MO ANG
A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC)
Random"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat sh...