A/N: waw may pa authors note hahaha, so ayon gaiz piniga ko utak ko para lang maayos ko yung story na 'to. Madami akong pinalitan kaya please pakisamahan nyo ko:(( Dipo ako magaling na writer pero gagaling din naman kung susuportahan nyo ko. thank u for reading and supporting me! Luvlots.
— Phoebe Viviana Fernandez
"Phoebe? Bakit hindi ka muna bumawi ng tulog kahit sandali lang? wala naman din si sir ngayon." Bumalik ako sa wisyo nang magsalita si Leezy.
"H-ha? Ah, hindi na. ayos lang ako." kahit hindi naman talaga, ganon naman lagi diba? kailangang mag panggap dahil ayaw mong madagdag sa problema nila? sus. Sanay na'ko.
"Phoebe, sinong niloko mo? hello. Kung ikaw sanay ka na hindi magsabi ng mga problema, ako sanay na. Sanay na sanay na pilitin kang magsabi ng problema sa'kin." sabay irap.
ito lang talaga ang problema sa pagkakaibigan namin, ayaw ko pero pinipilit niya. Buti nga nakayanan niyang magtagal sa'kin. Lahat kasi ng mga naging kaibigan ko simula Junior HighSchool pilit na pilit lang silang pakisamahan ako, pero si Leezy? Nasa tabi ko lang lagi. Attitude nga lang.
Alam ko namang mapapagod din yang mangulit kaya hinayaan ko nalang.
pero yun ang akala ko. Hindi siya tumigil hanggang sa—"Simula kasi noong 1st day natin dito sa school nagsimula akong managinip." halata sa itsura niya na malapit na siyang matawa, para bang hindi sineseryoso ang sinabi ko.
"Hoy pibi! Lahat tayo nananaginip wag kang feeling special dyan." sabi na eh. Kaya ayaw kong mag kwento dahil alam kong hindi kapanipaniwala.
"Nagsimula lahat nung 1st day, dahil siguro sa pagod galing School nakatulog agad ako. Pero hindi naman nagtagal nagising ako dahil sa isang panaginip." Pagpapatuloy ko sa storya.
"Noong una hinayaan ko lang dahil sanay naman na ako na nananaginip ako kapag pagod, pero hindi siya huminto." unti unting sumeryoso ang ekspresyon ni Leezy.
"I don't know what to do this time, should I tell it to my parents or what?" tanong ko.
Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit malabo? oo, malabo. Hindi ko talaga binigyang pansin noong una 'to dahil nga akala ko ay sandali lang o isang beses ko lang mapapanaginipan, hinayaan ko lang din dahil hindi naman 'to nakakatakot. Pero tuloy tuloy parin siya, sa dalawang linggong pagpasok ko sa stanford ay siya ding pangalawang linggong pananaginip ko tungkol sa isang lalaki.
Yumuko ako sa desk ko at hinayaang mag layag ang isip ko.
"VIVIANA!" huh? siya nanaman ba?
"VIVIANAAAAA!" wth.
Lumingon ako para hanapin kung saan nang galing ang boses niya, at ayun! t-teka? may kasama ba siyang babae?
"Phoebe? Phoebe gising." dahan dahan kong iminulat ang mata ko para tignan kung sino bang tumatawag sa'kin.
nakatulog nanaman ako, eto nanaman ang panaginip ko. Nananaginip din ba siya katulad ng nangyayari sakin ngayon? Na kapag gabi na ay hindi siya makatulog ng maayos dahil natatakot siyang managinip ulit? kung nararanasan niya man ang mga nangyayari sakin sana naman hindi siya nahihirapan, ayos lang sakin na ako lang.
"Ayos ka lang ba? bigla ka nalang kasing yumuko at nakatulog habang nag k-kwento sa'kin tapos may binubulong ka." galing siguro sa panaginip? natatakot na'ko kung saan ba 'to mapupunta.
"Hi everyone! My name is Ralph Gonzales, just call me Sir Ralph." hala! bumalik na'ko sa mood. Ang gwapo ni sir.
"Today I will encourage y'all to join S.P.A, you can join in Theatre arts, Visual arts, Creative Writing, Dancing, Singing, and lastly, Instruments. S.P.A is "Special Program in the Arts where you can show your talent." Theatre arts? Acting 'yon diba? eh kung subukan kong sumali? malay ko ba kung mabaling ang atensyon ko doon at matigil ang mga nangyayari sa'kin?
"Sir! I want to join in Theatre arts." nagtaas ako ng kamay para mapansin agad ni sir.
"Okaayy! What's your name? you're beautiful. Bagay na bagay sa Theatre!" ay sayang, akala ko naman straight si sir.
Sana matigil na 'tong pananaginip ko sa lalaking 'yon. Sayang naman ganda ko kung lalaki pa ang eye bags ko. Hays.
—everytime I sleep.