Chapter 18
Is this Love?
Lumipas na ng ilang buwan, at lalong naging malapit kami ni Donny sa isa't isa. Hindi ko alam, pero patagal nang patagal, palalim nang palalim yung pagsasama namin ni Donny. Hindi ko alam kung bakit sa bawat ikot ng mundo, at agos ng tubig, kasama na siya. Hindi ko alam kung bakit, lagi siya nasa isip ko..
Nakakatakot lang magmahal ulit. Walang kasiguraduhan lahat ng pagmamahal. Minsan mahal ka niya, at mararamdaman mo yon, pero madalas masasaktan ka, at mas mararamdaman mo yon.
Gustong gusto ko bigyan ng pagkakataon yung sarili ko na magmahal ulit, pero nagdadalawang isip ako sa mga pwedeng mangyari. Iniisip ko kung isusugal ko na ba 'to? Isusugal ko na ba lahat ng doubts ko para sa feelings ko kay Donny?
"Hoy, bes! Tulala ka nanaman dyan." Pasigaw na tawag sa akin ni Miles. Sabado ngayon, at parepareho kaming walang pasok.
"Bakit ba? Trip ko tumulala eh." Paasar kong sagot. Nag-asaran pa kami ng kaonti, habang hinahanap ng mata ko si Sunny. Kanina pa 'yon wala eh, mag 12pm pa lang naman.
"Wag mo na hanapin si Sunny, bumili 'yon ng lunch natin." Tumango na lang ako. At least hindi na ako magiisip kung ano ang lunch ko.
Habang inaantay namin ni Miles si Sunny nagsaing na ako para naman pagdating niya kakain na lang kami.
"Bes! Kanina pa tunog nang tunog phone mo. Kapag ako nainis ibabato ko na 'yan!" Sigaw sa akin ni Miles.
"Oo na! Tinatapos ko lang yung sa lamesa!" Sigaw ko pabalik habang nilalapag yung mga plato sa lamesa, tapos dumerecho na ako sa sala para tignan kung anong kaganapan ng phone ko.
Pagsilip ko ang dami ng text ni Donny. Anong bago? Miss na ako neto. Matagal tagal na din kami hindi nagkikita kasi focus sila ngayon sa training nila gawa ng malapit na ang final four, at shempre pasok sila don. Huling pagsasama pa namin yung may pa eksena pa si Jai, matapos non puro na lang kami text, at video call. Naiintindihan ko naman kasi alam naman namin yung priorities ng isa't isa.
From: Panget
Good morning Pangs! Kakatapos lang ng morning training namin. Meron ulit kami mamayang hapon. Grabe! Pagod na pagod na ako. :((
From: Panget
Gusto ko sana bisitahin ka para mawala pagod ko, kaso hindi pa pwede kasi mahigpit pa si Coach. Need talaga magfocus ngayon.
Sorry pangs ha, if nawawalan ako ng time sayo. Bawi ako after ng liga. :*
May tatlo pa siyang text na puro patweetams! Pero aaminin ko effective siya. Nag good morning message naman ako sa kanya kaninang umaga paggising ko.
To: Panget
Bakit ka nagsosorry? Baliw ka! Naiintindihan ko naman lahat eh, and support ako sayo lagi. Alamoyan! :) Pahinga ka lang dyan, habang may oras pa magpahinga kasi mamaya sasabak nanaman kayo sa matinding training. Go hard lagi!!Pero iwas injury, okay?
Hindi pa siya nagrereply siguro nagpapahinga pa 'to, kasi mamaya go hard nanaman sila sa training nila.
"Dito na ako mga bes!" Sigaw ni Sunny na kakadating lang, at nilapag na niya yung pagkain sa lamesa.
"Sa wakas! Gutom na gutom na ako." Sabi naman ni Miles habang pumunta na sa may lamesa para ihanda yung pagkain.
"Anong bago?" Pang-asar ni Sunny kay Miles. Inirapan lang siya ni Miles, halatang gutom na gutom na kasi hindi na siya sumagot kay Sunny.
YOU ARE READING
Right Timing
Novela JuvenilAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?