Makalipas ang anim na taon, naging mas malakas at matapang na ang mga dating walang ka muwang-muwang na mga batang babae. Sila ngayon ang pinaka kinatatakutan sa lugar nila!Habang nag lalakad si Reg papauwi may na datnan siyang grupo ng mga lalaki na nag iinuman sa tapat ng may tindahan.
"Cheers!", sigaw ng mga lalaking nag iinuman.
Tuloy lang sa pag lalakad si Reg habang nakayuko upang hindi siya mapansin ng mga lalaking nag iinuman. Ngunit bigla siyang tinawag ng mga ito upang yayaing sumali sa kanilang paglalasing.
"Inom ka muna Ms. Beautiful!", sambit ng isang lalaki kay Reg.
" Ay, sorry po! Pero 'di ako umiinom eh, pasensya na po!", sagot ni Reg sa nag aayang lalaki.
"Sige na miss! Konti lang naman.", pangungulit pa nito.
Umalis si Reg pagka tapos nyang tumanggi sa alok nila, subalit biglang hinawakan ng isang lalaki ang kanyang puwet na sakto namang nakita ni Aliana na kakagaling lang sa computer shop. Agad siyang napasigaw.
" Hoy, bastos kang an*mal ka!", sigaw ni Aliana sa lalaking humawak sa puwet ni Reg.
Nabigla si Reg sa nangyari at sa kanyang paglingon ay nakita nya si Aliana na tumatakbo papunta sa kanya.
"Tang*na!", napamura si Reg sa nangyari.
At agad niyang sinapak sa mukha ang lalaking humawak sa kaniyang puwet na siyang ikinagalit ng buong grupo ng mga lasenggo. Agad na sumabak ang dalawang babae sa gulo, na agad naman nilang natapos nang wala sa oras.
"'Iyon lang ba ang kaya n'yo? Ang lalaki ng mga katawan ninyo, pero talo kayong lahat ng dalawang babae!", sabi ni Aliana na may halong tawa.
"Halika na Aliana, at baka nagugutom na si Kyemi.", sabi ni Reg kay Aliana.
Nag tungo agad sila sa kanilang maliit na bahay. At nang dumating sila, nagulat na lamang sila sa kanilang nakita sa hapag. May nakahilerang iba't ibang klase ng pagkain: lechon manok, kare-kare, adobo at iba pa.
"Saan mo ito galing Kyemi?", bulalas ni Reg.
"Oo nga. Saan mo ba 'to galing?", pag-uulit lamang ni Aliana na tuliro na dahil sa gutom at pagod.
" Sa racket ko kaninang hapon.", pangiting sagot ni Kyemi na tila may tinatago.
"Hala sige, magsikain na kayo at kailangan ko pang maligo.", utos ni Reg sa dalawa.
"Magpupunta ka na naman ba sa Casino, Reg?", tanong ni Aliana.
"Oo, kailangan e. Baka maka-jackpot ako ng turistang mayaman.", nangangarap na naman si Reg.
Ito na ang madalas na pinagkukunan niya ng pera upang maitaguyod ang araw-araw nilang gastusin. Hindi na nga sila nakapag-aral, at ang tanging alam nila ay kung paano magsulat at magbasa, magbilang at makipagbakbakan.
"Mag-iingat ka. Naalala mo 'nung isang araw? Muntikan ka nang ma-tsugi diyan sa mga pinaggagawa mo, e.", paalala ni Aliana habang nagsisimula nang kumain.
"Kaya nga dapat tinutulungan mo na ako maghanapbuhay. Marunong ka na mag computer, 'di ba? Baka naman pwedeng matuto ka na maghack ng mga bank account nitong mga turistang naaakit ko.", sagot ni Reg at pinanood si Kyemi na kumain.
"Mga ate, kaya ko rin naman tumulong e. May mga racket na din naman ako.", pagsasalita ni Kyemi kahit puno ang bunganga nito ng pagkain.
"Teka, ano nga ba 'yang racket mo na 'yan? Bakit wala kaming kaalam-alam na rumaraket ka na pala?", nagtatakang tanong ni Aliana.
Nagpatuloy sa pag-uusap si Aliana at Kyemi habang kumakain. Si Reg naman ay tumuloy na sa silid upang maghanda sa kanyang pagpunta sa isang sikat na casino.
Pagkatapos niyang mag half bath ay isinuot niya ang isang puting bestida na hapit sa kanyang napaka-sexy na katawan. Dise otso pa lamang siya at gayundin si Aliana. Dise Sais pa lamang si Kyemi. Ngunit kaya na nilang mabuhay nang walang nag-aalaga sa kanila.
Naglagay ng kolorete sa mukha si Reg na nagpatingkad ng kaniyang angking kagandahan. Napakahusay na niyang mag-ayos ng sarili. Nang makita niya ang magandang dilag na nakatingin pabalik sa kaniyang salamin, hindi niya maiwasang mangarap muli.
"Balang araw, yayaman din kami."
BINABASA MO ANG
Transforming Angels Into Demons
Fiction généralePaano kung ang babaeng sa unang tingin ay tila mala anghel ay may tinatago palang dilim sa kanyang pagkatao? Matatanggap mo kaya ang isang babaeng natatangi sa ganda, ngunit nakakasindak sa sama? Subaybayan ang limang maririkit ngunit mababagsik na...