Diego's POV
Mula nung unang araw na nagkita kami ni Brie marami akong mga bagay na gusto kong makumpirma sa kaniya ngunit hindi ko maisip na wala siyang alam sa mga nangyayari sa buhay niya. Paano nagawang itago nang magulang niya yun sa kaniya. Hindi na sila nakuntento sa pamilya namin.
"Siguradong itinatago sa kaniya ang tunay na dahilan ng kaniyang mga magulang to. Pero bakit?" naiinis kong bulong palabas nang bahay nila.
Nang makalabas ako nang bahay, wala akong lingon - lingon na ginawa para makapag - isip siya sa mga nasabi ko. Kahit na inililihis ko ang usapin sa pamilya, nararamdaman kong gagawa na siya nang paraan upang gumawa ng mga hakbang sa tanong niya.
Ang pamilya ni Brie ang dahilan kung bakit ayaw ko sakanila pero sa tingin ko babagsak lang rin lang ako sa anak nila. Kailangan kong mapigilan ang nararamdaman ko sa babaeng yun bago pa mahuli ang lahat.
*** Flashback***
"Anak, halika na! Nang makapaghapunan na tayo" tawag ni mama sakin sa gitna nang paglalaro ko mag - isa ng baril-barilan. Dinaluhan ko sila ni papa sa hapag-kainan
"Anak, gusto sana naming mag - aaral ka nang mabuti ngayong darating na pasukan. Alam mo namang yan na lamang ang maipapamana namin saiyo nang mama mo. Kaya pagbutihan mo. Huwag magpapaimpluwensiya sa mga barkada mo." Paalala ni papa sakin
" Opo pa." Saka nagpatuloy sa pagkain namin.
Si papa ay isang kapitan sa baranggay namin. Samantalang sa bahay lang si mama. Naiintindihan ko ang mga paalala ni papa sapagkat sa mura kong edad na pitong taong gulang mulat na ako sa karahasan ng aking bayan sinilangan. Bagaman maraming trabaho ang aking magulang ay hindi naman sila nagkukulang nang pag - aaruga sakin at pangangaral na labis kong kinahahangaan sakanila.
Natapos ang agahan namin ng dumating ang mga tanod nang aming baranggay.
"Kap, may nag - aaway na naman sa covered court natin. Grupo na naman nina badong dahil daw sa pustahan nila sa paglalaro ng basketball." Sumbong nang isang kapitan na si Mang Estong. Na ikinatango naman ni papa at daling nag - ayos sa kaniyang kuwarto at hinarap kami ni mama na kasalukuyang nasa sala na.
"Mahal, alis na ako. Ikaw anak mag - aral ka lang diyan. Sige alis na ako." Halik niya pa samin bago bumaling sa mga tanod ng baranggay. "Mga pasaway talagang yun" sabay sibat palabas ng bahay namin.
Dinaluhan naman ko si mama na kasalukuyang natapos na sa kaniyang ginagawa. Hindi ko na lamang inintindi pa ang mga nangyari at nag - aral na lamang gaya nang sinabi ni papa sakin.
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...