Pahina 29

3.7K 94 9
                                    

Pahina 29

Kanina pa ko paikot ikot dito sa kwarto ko. I don't know, kinakabahan ako. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko. Grabe para akong mababaliw dito!

Kagabi, as i was about to go to sleep, i got a random text from, guess who?, Javier. Agad agad ay napabalikwas ako at binuksan iyon. He was asking kung pwede raw ba kaming magkita. Agad ay bumilis ang tibok ng puso ko habang maraming tanong na pumapasok sa isip ko.

Kanino nya nakuha ang number ko? Bakit nya gustong makipag kita? Anong sasabihin nya? Good news or bad news? Bababa na ba ako para magluto ng pancit canton? Makikipagkita ba ako? Kaya ko ba? Ready na ba ako?

And after ilang minutes ay nagtext sya muli. Pupunta raw sya dito sa bahay mga bandang tanghali para di na raw ako maabala na umalis pa.

At ngayon, heto ako at nagdadalawang isip na lumabas ng kwarto ko. I know he's down there. Nagtext na sya na nandito na sya eh. Di pa rin ako nagrereply sa mga texts nya. Kumakabog ang dibdib ko dahil the worst thing na gusto kong sabihin nya kung magusap man kami, ay yung may nahanap na syang ibang babae. May girlfriend na sya or asawa. Ikakasal na sya or kasal na.

Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin ng biglang may kumatok. Di ako nagsasalita at nung malaman kong si Coreen iyon ay tsaka ko lang binuksan. Agad ko syang pinapasok para maisara rin agad ang pinto.

"Oh? Anong problema ate?"

"Huh? Wala! Bakit?"

"Ok ka lang? You look so tense."

"No, uhm.. Ok lang ako. May kailangan ka ba?"

Napahalukipkip ang kapatid ko habang patuloy akong pinagmamasdan. Umiiwas naman ako ng tingin sakanya.

"Anyway, kanina ka pa kasi namin hinihintay sa baba--"

"Bakit nya ko hinihintay?"

"Huh? Sabi ko kami! Kanina ka pa namin hinihintay."

Napapikit ako at napakagat lang sa ibaba kong labi. Alam kong halatang halata na ako pero ninenerbyos lang talaga ako. Dapat naman kasi hindi. Ewan ko ba at pagkatapos kong makausap ang mga kaibigan ko kahapon ay di na ako mapakali.

"Uhm.. Sorry. Bakit? Anong meron? May papasuyo kayo sakin?"

"Actually oo, ngayon kasi ang appointment ko sa doctor. Check up lang. Di na sana namin isasama si Daren kaya baka pwedeng patignan lang habang wala kami ni Dave."

"Yeah! Sure! Walang problema."

"Ok! So tara na?"

"Tara saan?"

"Uhh sa baba? Kasi nandun si Daren? Teka nga ate, ano ba talagang problema?"

Inaya kong maupo sa kama ang kapatid ko. Huminga ako ng malalim habang inaayos ang sarili ko. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Coreen. Di ko rin naman sya masisi kasi alam kong kanina pang parang ewan ang kinikilos ko.

"Coreen, bakit nandito si Javier?"

"Ahhh.. kaya ka ba nagkakaganyan?" Natatawang ayon ng magaling kong kapatid.

"Sagot nalang kasi agad!"

"Well, tinawagan nya kasi si Dave kagabi kung pwede raw ba silang mag hang out kahit dito lang sa bahay eh kaso nga may schedule ako sa doctor diba? Eh nagpumilit pa rin sya kaya ayan, nandyan sya ngayon. Tutulungan ka nalang daw nya kay Daren."

"Kaya ko na si Daren mag isa."

"Ate, may problema ka ba kay Javier? It's been years. Di pa ba kayo ok? May gusto ka bang itanong sakin?"

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon