Gabi na pero nananatiling dilat ang aking mga mata. Hindi ko maiwasang isipin ang kinabukasan, kung saan makakapag-aral nako sa totoong school at hindi dito sa bahay lang.Nababakas ang saya sa aking mga labi. Sa wakas after 11 years papasok na ako sa school.
Earlier:
Ngayong natapos ko na ang dalawang taon sa Junior High ng Home schooling siguro naman papayagan na ako ni mama mag-aral sa totoong school.
Kaya ko naman na Kontrolin ang sarili ko. Hindi naman ganoon kalala ang sakit ko.
Di maiwasang pumikit ng walang humpay ang mga mata ko, kaya sinampal ko ang pisngi ko para huminto ito.
Lumapit ako kay mama na relax lang na naka-upo sa hapag-kainan habang nagbabasa ng diyaryo.
"Uhm m-ma?"
"Hmm?" Tugon niyang nakatuon parin sa binabasa ang atensyon, Sabay higop sa kape niya.
Isang tahimik na sandali at binitiwan niya ang binabasa at tsaka tumingin sakin.
Dali-dali naman akong umupo sa katapat na upuan niya upang masabi ko ang nais ipaalam.
Hinawakan ko ang aking kamay ng sobrang higpit takot na biglang sumumpong ang sakit ko.
"Ah-eh bali ganto kase..Uhm.." Di ako makatingin ng deretso kay mama.
"Iha sabihin mo na, ayoko ng paligoy-ligoy ka" Tinanggal niya ang kanyang reading glass.
"Napag-isip ko po kase...na.." Lumunok ako at matapang na tumingin sa kanya.
"Ma gusto kong mag-aral sa school" Tinignan ko ang reaksyon niya.
Tumingin siya sa baba saka bumuntong hininga.
"Anak..alam ko natatandaan mo pa ang nangyari sayo noong sinubukan mong pumasok sa school" May pag-aalala na bumabakas sa mukha niya.
"Masyado pa kong bata noon ma, Sure ako na maipagtatanggol ko ang sarili ko" Pagkukumbinsi ko pangpilit.
Sige na ma, pumayag kana..
Sabi ko sa isip ko.Humugot siya ng malalim na hininga
"Sigurado ka ba? Hindi mo alam ang ugali ng mga tao ngayon. Mapanghusga ang mga tao anak. Ayoko lang na masaktan ka".
"Mama alam ko pong nag-aalala ka..pero kaya ko na.. matagal ko na tong pinag-iisipan. Kung nag-aalala kayo sa sakit ko, kaya ko siyang kontrolin"
"Saang school ba gusto mo?" Bigla siyang ngumiti.
Napalaki ang mata ko
"You mean.. Ma! Pinapayagan niyo na po ako?" Napatayo na ako.
"Uh-huh"
Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit
"Thankyou ma! I Love you sobra sobra"
"Pero.." Napakalas ako ng yakap sa kanya at humarap ulit.
"Kapag nasaktan ka ulit, hindi ka na mag-aaral sa school.. kahit kailan."
"Yes mama" Ngumiti ako ng sobrang tamis.
Bigla akong bumahin at para mapigilan itong umulit sinamapal ko ang aking pisngi. Mamaya baka mag-bago pa ang isip ni mama.
"Sige na, isipin mo na kung saang school basta hindi malayo dito."
Hindi naman kami mayaman at hindi rin naghihirap. Ganoon pa man kaya naman ni mama na paaralin ako sa magandang school
Umakyat ako sa kwarto ko at mabilis na humarap sa computer at hinanap ang school niya.
Sa wakas magkikita na rin tayo. Halos mawala ang mata ko at bumakat ang dalawang dimple sa sobrang saya ko.
Nasisiguro kong malapit lang ang school niya dito. Palagi ko siyang natatanaw mula sa bintana ng kwarto ko.
Dumadaan siya kapag-stress ako, naistress kung paano ako magiging normal.
Natatandaan ko pa noong una ko siyang nakita. Gusto ko ng tapusin ang lahat. Para hindi na mahirapan sakin si mama.
Nakaupo ako malapit sa bintana habang nakapikit. damang-dama ko ang ihip ng malamig na hangin sa aking mukha.
Habang nakatapat ang matalas na blade sa aking pala-pulsuhan. Huminga ako ng malalim.
"HOY! ALAM MO BANG MAGAGALIT SI MAMA?!" Napamulat ang mata ko non. Tama..hindi ko naisip ang mararamdaman ni mama pag ginawa ko ito.
"WALA AKONG PAKEALAM! GAGAWIN KO ANG GUSTO KO!" Pasigaw na tugon din ng babae na sa tingin koy nasa edad ko lang din. Tingin ko'y magkapatid sila.
Nawala na sa paningin ko ang babae at nakatulala parin yung lalaki kung saan nandoon yung babae kanina.
Nagpapasalamat ako sayo noong
sumigaw ka mismo sa tapat ng bahay namin dahilan para matauhan ako. Ang babaw ko ba? Ang alam ko lang siya ang naging dahilan para matauhan ako sa katangahang na gagawin ko sana, at magmula din noon lagi nakong tumitingin sa bintana para abangan ka.Hindi ko alam na nagkakaroon na ko ng paghanga sayo... Doon nagsimula haha
2 years ko na siyang crush. Sana maging close kami. Hindi niya ako kilala at hindi ko pa alam ang pangalan niya.
Pero this time makikilala niya na ako. Hindi na palaging nakatanaw sa kanya mula sa bintana at naghihintay na tumingin.
Agad akong bumaba para ipaalam kung saang school ko gustong pumasok.
Muntik pa akong madapa sa hagdan sa pagmamadali ko.
"Ma! Alam ko na kung saang school siya.. I mean kung saang school ko gusto."
"Ang bilis mo namang nakapag-isip? O sige saang school?"
"Sa University of San Carlos po ma"
"Magandang school nga yan, bukas na bukas din aasikasuhin ko na ang mga papel mo"
"Thankyou ma!" Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.
Bagong simula na ito. Pagpasok ko nextweek, babaguhin ko ang simula. Walang nakakakilala sakin..itatago ko sa lahat ang sakit ko.
Pagkatapos ng pag-iisip ko diko namalayang nakatulog na ako.