PICKY 43: Stop Controlling Me

111 4 0
                                    

KAITEY

     

           PINAGBUKSAN ako ng mga naghihilerang katulong at kinuha ang maleta ko. Wala sa sariling naglakad ako papasok ng bahay. Mom and Dad stood up from thier sits ng makita nila ako. Naiiyak na sinalubong ako ng yakap ni Mommy habang si Daddy naman ay nanatili sa kanyang kinatatayuan at salubong ang kilay, mukhang galit ito.

"Oh my God, Sweetie! You made us worried! Thank God you're okay! Saan ka'ba nanggaling? Sinaktan ka'ba nila? Alam mo ba na nagfile rin kami report sa mga pulis sa pagkawala mo?!"
Sunod-sunod na sabi ni Mommy habang iniinspeksyon ang katawan ko.

"Calm down Mom, im perfectly fine. Walang may kumuha sa'kin, kusa akong nag-layas" walang buhay na sabi ko at nilampasan na sila para makapunta na sa'king kwarto.

"Kaitey?! Where are you going?! We need to talk!" Sigaw ni Mommy. I just ignored her and went upstairs. Padabog kung isinara ang pinto at inilock iyon. I changed into my comfortable clothes, a shirt and shorts at sumalampak na sa kama para matulog.

I don't feel like talking to anyone at ba'ka mapagbuntungan ko 'pa ito ng init ng ulo.
I know my room is much better at Kevin's room pero mas gusto ko'paring matulog dun because he is there beside me, kahit na manipis ang mattress ng kama niya kesa sa kamang kinahihigaan ko ngayon.
I can endure it as long as I'm with him.





I woke up and it's already 8 pm. I can hear my stomach growling kaya i go downstairs.
Pagkarating ko sa kitchen ay gusto ko nalang bumalik ulit sa room ko at magkulong. Mom and Dad is in the dining area at nahinto ang kanilang pag-uusap ng makita ako.

"Sweetie, come here join us"
Mom said at tinapik ang katabi niyang upuan. Napatingin ako kay Daddy na hindi manlang ako sinulyapan. I sighed. Naupo ako sa tabi ni Mommy and she put some food in my plate. Napalunok ako at naisip  kung ano kaya ang ulam ngayon nila Kevin.

"Ayaw mo 'ba diyan sa linuto ko? I thought that's your favorite? Hindi kana 'rin namin ginising kanina kasi mukhang mahimbing ang tulog mo" i stared at Mom na nakangiti sa'kin. Alam kong marami siyang tanong sa'kin but she choose to close her mouth.
Ginalaw ko na ang pagkain ko at walang ganang nginuya ito kahit na nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom. We're silent until we finish our food. Hindi pa'rin ako kinikibo ni Daddy. Halos si Mommy lang parati ang nagsasalita.

Hinila ako ni Mommy pa upo sa living room kung saan nandun si Daddy at nagbabasa ng isang magazine.

"Honey, hindi mo ba kakausapin ang anak natin?" Napatigil naman sa pagbabasa si Daddy at madilim ang mukha ni ibinaba ang binabasang magazine at tumingin kay Mommy.

"Wala akong anak na suwail at kayang makipag-tanan sa isang lalaki na hindi manlang iniisip ang kanyang mga magulang" napayuko naman ako at napatitig nalang sa'king kamay na na'sa kandungan ko. Narinig ko ang padabog na pagtayo ni Daddy. Sinenyasan naman ako ni Mommy na kausapin si Daddy at mukhang wala na siyang may maitutulong sa'kin.

"I-im sorry Dad"
Piyok ang boses na sabi ko at pinigilan siya sa braso. Huminto naman ito at galit na napatingin sa'kin.

"Oh bakit ka'pa umuwi? Hindi mo ba nakaya ang kahirapan dun sa bahay ng lalaki mo? Wala na ba siyang mapakain sa'yo kaya naisipan mo nang umuwi dito?!" Mabilis akong umiling at pinalis ang luha sa mata ko.

"No...no Dad. They treat me very well-"

"Ganon naman pala? Edi sana hindi ka nalang umuwi dito at doon nalang tumira!" Mas lalo akong napahagul-gul. Yinakap naman ako sa likuran ni Mommy at hinimas ang aking likuran.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon