Bangag at Naglalakihang eyebags.
Yan! Yaaaan yung napala ko sa kakaisip buong gabi sa nangyari kahapon
'Putspa naman kasing baliw yun eh! Walang magawa sa buhay!Ba't di nalang siya magbigti para walang nadadamay?! Tsk! Bakit ba di ko agad napansin yung tinig nya!'
Pero malaki din naman yung boses niya!
'Baka lalaki lang na long hair! Tama! Baka rockstar?! HAHAHAH pero bakit di paos?!'
Pero bakit makinis? Kita kasi yung balat niya dahil sa butas butas na pants niya!
Ay ewan! Badtrip na badtrip ako ngayon kasi... WALA AKONG TULOG! parang gusto ko yatang mangsagasa ngayon? Tsk!
Padabog kong sinukbit ang bag ko tsaka lumabas ng kwarto na may di maipintang mukha!
'Bakit ba kasi niya ako ginanoon! Wala naman akong kaaway ah!'
Wala talaga akong makitang rason kung bakit niya ako ginanoon!"Good morning mom" walang gana kong bati sa kanya ng makita ko siya sa sala habang ganoon parin ang mukha.
"Oh! Bakit ganyan yang mukha mo sweetie?!" Naghehysterical aniya. OA masyado si mommy.
"Mom? Wag ka ngang OA dyan, wala lang talaga akong tulog kaya ganito kapanget itsura ko ngayon" sagot ko sa mababang tono.
"AHIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHI" bungisngis niya at nagtaka naman ako
"Oh! Mom! Ba't kayo nagkakaganyan? Wala rin ba kayong tulog?"
" Kompleto tulog ko anak ah! Dapat maayos tulog ng isang chef para maganda yung mood niya pagka magluluto na siya!" Nakasimangot niyang sigaw sakin " Pero kasiiiii AHIHIHIHI wala kang tulog di ba? Hmmmm bakit kaya? AHIHIHI" dagdag niya at nanunuksong tumingin sakin.
"Mom? Di ganoon yun okay? May iniisip lang talaga akong di nakaganda sa tulog ko at-wag na kayong umasa na may ipakilala ako sa inyo ngayong taon mom ! Ayoko ng mga love love na yan! Di yan nakakayaman sakin at saka na siguro yan pag may ipagmamalaki na ako sa kanya" nakangiti kong sagot.
"Matanda na talaga ang anak ko." Malungkot niyang tugon
"Mom naman?!"
"Kasi ang matured mo ng mag isip eh! Naninibago ako! Huhuhu pero kasi sweetie, wag namang seryoso masyado ah! Minsan ka lang maging teenager kaya dapat sulitin mo na! Pero dapat in a nice way din!" Nakangusong sabi niya"Wag kang mag alala mom makakaasa ka sakin hehe" nakangiting tugon ko habang tumingin sa watch ko. " Ah mom una po ako! Baka malate ako, sa school nalang po ako kakain mom! bye mom!" Dagdag na sabi ko sabay kiss sa pisngi niya
"Sige sweetie! Ingat sa pagdadrive ah! Wala ka pa naman sa mood! " Sigaw niya sakin kasi nagtatakbo nako papuntang parking kasi 7:56 na tsaka 8:00 yung klase namin!
Dali dali kong sinuksok ang headset sa phone ko tsaka sinalampak sa tenga bago nagsuot ng helmet.
Di ako masyadong mabilis na nagdrive ngayon baka kasi may sumulpot na namang tanga sa gitna ng daan tsk!. After 8 minutes nasa school na ako. Tumakbo ako papuntang main building kasi nasa 4th floor pa yung room ko! At kung tansyahin ko yun, mga 5 minutes na akong late! Tapos maghahagdan lang! Tsk tsk kabadtrip!
'Sakit sa tuhod 'tong ginagawa ko! May pa 4th floor-4th floor pa kasi! Akala mo napakasarap akyatin! Di nalang nilagyan ng elevator hayyy'
Pagkarating ko sa room, dalidali kong binuksan yung pinto tsaka pumasok.
"Good morning madam! Sorry I'm late! Na flattan po kasi ako sorry talaga!" Pagsisinungaling kong sabi habang nakatayo malapit sa pinto.