Love 10

124 4 0
                                    


Chapter 10

Her Decision

Kalat agad sa buong campus ang naging eksena namin kahapon ni Roderick. Nga lang, iba't ibang balita ang kumalat. May nagsasabing sinagot ko na si Rod at girlfriend na niya ako ngayon at meron ding nagsasabing nanliligaw pa nga. But the news about me being his girlfriend spreaded the most than the other one.

"Is it true, bruha? Sinagot mo na kahapon si Rod?" usisa kaagad sa akin ni Vanessa nang maabutan nila ako sa classroom.

Nahuli kasi akong lumabas dahil kinausap pa ako ng teacher namin sa contemporary. She gave me my advance projects and summative's preview dahil mukhang nabanggit na yata sa kanya ni Ma'am Boron na magiging busy na kami sa theater.

"Finally naman, ano? For almost a year, sinagot mo na rin!" Audrey exclaimed.

"That's a good decision of yours, Shaireen. Ngayon ko lang nagustuhan ang desisyon mo sa buhay. Siguro naman ay titigil na iyong mga lalaking nagkakagusto sa'yo dahil you have Roderick na." segunda pa ni Nicole.

I smiled at them. Mukhang unang nakaabot sa kanila ang tsismis na kami na ni Roderick, ah. Well...

"Hindi ko sinagot si Rod. Hinayaan ko pang manligaw," sabi ko.

"What?!"

"Ano?!"

"What the hell? Are you crazy, Shaireen?!" Halos sabay silang nagwilga tatlo.

I laughed at them. "Uh, no."

"Bullshit! Bakit hindi mo pa sinagot? Ano pa bang inaarte-arte mo? And you let him court? What the fuck?! Hindi pa ba sapat ang panahon na nagkasama kayo?" halos umusok ang tenga ni Vanessa sa akin.

Tinawanan ko lang sila.

"Huwag ka ngang tumawa! Make a good decision for once, my goodness! Tinali mo na ang sarili mo kay Rod! Bakit ka pa ba nag-aalinlangan? Huwag mo ng pag-isipan! Sagutin mo na, bruha ka!" singhal pa ni Audrey, inis na inis na.

I smirked. "You think it's a good idea?"

"Of course, you witch! Paaasahain mo pa ba si Rod?! At saka, ano pa bang pumipigil sa'yo na hindi siya sagutin? Isn't it enough na ilang buwan na ninyong kilala ang isa't isa?"

Nagkibit balikat ako at isinukbit ang aking bag. Nagsimula na akong maglakad papalabas at nakangiting kumaway sa kanila.

"I'll go now. May pupuntahan pa ako. See you around, girls!" sabi ko.

"Shaireeeen! You witch!" gigil at inis na inis na sigaw sa akin ni Vanessa. "Huwag mo kaming talikuran. Kinakausap ka pa namin! Huwag kang bastos!"

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Kitain mo ngayon si Rod at sabihin mong sinasagot mo na siya! My god! Kami ang nafu-frustrate sa kabobohan mo!" Vanessa uttered harshly.

Ngumiwi ako at bahagyang napairap. "Fine. I'll consider your suggestions. Bye!"

I waved at them again before leaving the classroom.

May mga estudyanteng nakatingin sa akin habang naglalakad ako papuntang library bitbit ang isang folder. Rod's surprise yesterday seems like impacted a lot. Hinaharang pa nga ako ng mga kakilala kong boys sa daan at kinakausap ako ukol doon.

"Hi, Shaireen! Issue na issue 'yong ginawang surpresa ni Rod sa'yo kahapon, ah! Alin ang totoo talaga? Sinagot mo o nanliligaw pa lang?" tanong sa akin ng isa sa barkada ni Rod. He's Charles, if I'm not mistaken.

Andaming itsusero sa lovelife ko, ah?

"Nanliligaw pa lang, Charles." I smiled.

"Oh hell... Seriously? Ang tagal na ninyo, nagpapaligaw ka pa? Akala ko sinagot mo na, Shaireen!"

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon