Love 12

106 5 0
                                    


Chapter 12

Come On

Starting from that day on, wala akong ginawa kundi ang mairita sa kanya. Lalo na kapag nakikita ko siya palaging nakikipagtawanan sa mga lalaki. Bakit kaya hindi niya ako binalikan no'n?

Tss... Bakit ka pa ba nagtatanong, Lucas? Of course it's because she didn't know you. You're nothing to her! Fuck! Nakakairita talagang isipin 'yon!

Gayunpaman, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya sa malayo. She's always the center of attraction. Naglalakad pa lang siya, napapatingin ka na. Kinuntento ko ang sarili ko sa ganoon lalo na noong nalaman kong may progress na sa kanilang dalawa ni Roderick.

"Ang laki-laki ng ngiti ng tanginang 'to, Lucas, oh. Nakajackpot ba 'to o nakashabu?" sabay turo ni Jheyk sa noo'y ngiting-ngiting si Rod.

Roderick's smile gets wider. Humalakhak sina Charles at hinampas siya.

"Nauulol ka na, dude? Third base o homerun?"

"Gago, hindi!" Humalakhak si Roderick at inambagan ng suntok si Charles.

"Eh, bakit mukha kang asong ulol diyan?"

Lalong ngumisi si Rod. "Si Shaireen..."

"Oh fuck? Seriously?"

"Mali ang iniisip mo, gago!" Humalakhak ulit si Rod. "Walang nangyari. Malaki ang respeto ko kay Shaireen. It's just that we have improvements..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Pakiramdam ko'y hindi na ako makapagpokus sa sinasagutan ko.

"Anong improvements?"

"We kissed..."

The fuck?!

Napaawang ang bibig ng tatlo habang nagsisimula ng umigting ang aking bagang. Naghahalakhakan na sina Charles pero ako'y nanatiling tahimik, halos mag-apoy na sa iritasyon.

"Fuck! Bilis, ah! Kaya pala mukha kang asong ulol!"

"Paano nangyari? Ikaw ang humalik o siya?"

Roderick smirked. "Ako."

"Torrid? French? Smack?"

"Smack lang. Ilang beses nga lang,"

"Woah! Woah!" They cheered and laughed again.

Hindi ako makangiti. Wala rin akong plano. Wala namang nakakatuwa roon sa sinabi niya!

I gritted my teeth. They were already cheering at him and I cut them off to ask question.

"Kayo na ba?"

Natahimik silang lahat at inabangan din ang sagot ni Rod. Ngumisi siya ulit at mas lalo akong nairita.

"Hindi pa. Dumidiskarte pa lang ako," aniya.

Dumidiskarte? Sa ano? Sa paghalik ng maraming beses?

"Woah! Tapos hinalikan mo na? 'Buti pumayag?"

"Ginulat ko. Bago pa siya makabawi'y umalis na agad ako papalayo,"

Humagalpak ng tawa ang lahat. Humigpit ang hawak ko sa mga papel na sinimulan ko ng sikupin. Gusto kong baliktarin ang table namin kaya mabuting umalis na lang ako rito.

"Congratulations, dude! Grabe! Pumapangalawa ka na sa bilis ni Lucas pumick-up ng mga babae, ah?"

We're not fucking the same! Kung ako siya, hindi ko dinadaan sa halik ang pangdidiskarte. Lalo na kay Shaireen!

Tumayo ako at sinukbit na ang aking bag. "Aalis na ako,"

"Huh? Saan ka pupunta, Lucas?" Micmac asked.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon