Chapter 14My Plan
Hindi ko inaasahang pagkahapon ding iyon ay isinauli agad sa akin ni Lucas ang activity na pinagawa ko. It was really so easy for him. Kompletong nasagutan lahat. Walang naiwang patlang.
But what disappoint me the most of him is that... he didn't give my activity personally. Inutos niya lang sa isang babaeng nagpakilalang kaibigan niya raw.
"Pinapaabot sa'yo ni Lucas," anang babaeng nag-abot ng activity sa akin na noo'y tinataasan pa ako ng kilay.
"Bakit ikaw ang nagbigay? Nasaan siya?"
"Ayaw ka raw niyang makita,"
What?!
"And anyway, huwag ka ng lumapit pa sa kanya. Huwag mo na siyang lapitan. May Roderick ka na, hindi ba? Huwag ka ng makipag-usap pa sa ibang lalaki, lalo na kay Lucas!"
Sa iritasyon ko'y tinaasan ko rin siya ng kilay. Ang yabang ng babaeng ito, akala mo kung sino!
"Sino ka ba?" sabay tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.
She's beautiful and sexy, alright. Pero aminado akong mas lamang talaga ako ng maraming paligo sa kanya!
"I'm Maica, Lucas' friend. Layuan mo na siya, huh? Tutal, pinatunayan na naman niya ngayon na ayaw ka na talaga niyang makita. And aren't you embrassed? Napakaganda mo nga't napakahabulin, pero simpleng activity lang ng "personal development", nagpapaturo ka pa? At sa lahat-lahat, kay Lucas talaga? Ang pinakamatalino rito? Really?"
Sinamaan ko siya ng tingin. May diin ang pagbigkas niya sa personal development kaya alam kong nang-iinsulto siya. She smirked evilly, nang-aasar at nang-iinis.
"Do you think Lucas will be enchanted by your charm? Gising! He has a very unique standard of woman and you're far different from being unique! Masyado lang talaga siyang mabait at matulungin kaya hindi ka niya matanggihan. But it doesn't mean it is because of your charm! Lahat ng lumalapit sa kanya para magpatulong, itinutulungan niya kagaya ng pagtulong sa'yo. You're not special! Understood?"
Ano bang problema ng punyetang 'to? Ang laki ng galit! Inano ko ba ang "friend" niya?
Tumayo ako at hinarap siya sa sobrang iritasyon. Painsulto ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa at sinadya kong ipakita sa kanya ang pandidiri ko. She glared at me angrily.
"Naiinggit ka ba sa akin?" I asked confidently and crossed my arms.
Painsulto siyang humalakhak. "Excuse me? Napakakapal mo naman! Ako? Maiinggit sa'yo? Ano namang meron sa'yo para kainggitan?"
"Are you sure? Kung isumbat mo kasi sa pagmumukha kong layuan ko si Lucas, e, parang isa akong napakalaking threat para sa'yo? Sino ka nga ulit?"
"Bingi ka ba? I said I'm his friend-"
"Friend ka lang naman pala pero kung makaasta ka, para kang girlfriend! Ikaw? Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?"
Hindi siya nagsalita pero masamang-masama ang tingin niya sa akin. Akala niya uurungan ko siya? Hinding-hindi ngayon lalo pa't iritadong-iritado ako!
"Tabi nga. Magsasauli ka na nga lang, ang dami-dami mo pang satsat! Alis!"
Nang nanatili siyang nakaharang ay binangga ko siya. Malakas siyang nagalaw pero hindi ko na siya nilingon at nagmartsa agad papalayo roon. Halos gusto kong itapon ang activity sheets ko sa sobrang inis!
Nasaan na ba kasi iyong Lucas na 'yon? Kasalanan niya kaya nangyayari 'to! Kung hindi niya pala ako gustong makita, edi, sana tinanggihan niya na lang ang mga pinapaggawa ko. Bwesit 'yan!
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomantikBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...