Love 16

102 4 0
                                    


Chapter 16

He's Unreasonable

Mabuti na lang at mabilis ang naging paggaling ni Lucas. Hindi muna siya nakapasok ng ilang araw dahil pinayuhan siyang magpahinga muna. That's why I didn't see him in school these past few days and it's fine with me. I'm praying so hard that he'll be fine as soon as possible.

May nakaalam sa nangyari sa kanya at kagaya ng inaasahan ko, kalat na agad iyon. Mabuti na lang at wala namang nakakaalam na dahil iyon sa akin. Baka napatalsik na ako sa school ng mga nagkakagusto sa kanyang babae kapag nagkataon.

"Gusto kong puntahan si Lucas! My gosh! I can't believe it! Ano ba kasing nangyari sa kanya? He's a good driver! Bakit siya nadisgrasya?"

"Kumusta na kaya siya ngayon? I'm so worried! Miss ko na siyang makitang pagala-gala rito sa school!"

Usapan-usapan din iyon nina Vanessa kaya kahit gusto ko ng huwag mabahala, kapag nag-uusap sila'y mas nadadagdagan lang lalo ang guiltiness ko. Sana talaga, magiging maayos na siya sa lalong madaling panahon.

"Shaireen, si Roderick nasa labas," mahinahong imporma ni KC sa akin.

Tumango ako at sinikop na ang aking mga gamit. Vanessa, Audrey and Nicole whistled playfully at me. Kagat-labi akong nagpaalam sa kanila saka ako lumabas ng classroom. Nakita kong nandoon na nga si Roderick, hinihintay ako.

"Let's go?"

Tumango ako.

Niyaya niya akong kumain sa cafeteria ngayon. Hindi ko alam kung bakit ayoko na munang kumain kami sa labas. Gusto kong dito lang muna sa school. Mas malalaman ko kung pumasok na si Lucas kapag nandito ako.

"Do you have any prefer foods? Or you want me to order your foods my own?" He smiled sweetly.

Nag-isip muna ako at saka tumango. "Okay. Order for me..."

"Alright," Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi bago siya pumunta ng counter.

Napatitig ako sa cellphone ko. Gusto kong kumustahin si Lucas pero may pumipigil sa aking huwag na muna. I want him to rest and maybe, hanggang ngayon, nahihiya at nagu-guilty pa rin ako. Tumatawag naman siya sa akin araw-araw pero sinadya kong hindi na sagutin. I don't know why I felt like it's a sin to talk to him.

"Here I come!" usal ni Roderick pagkatapos ng ilang sandali.

Inilapag na niya ang foods namin. We started eating after a while. Inilibot ko ang paningin. Marami-rami ang kumakain sa cafeteria at napansin kong may napapatingin sa amin. Nakita ko pang agtutulakan yung grupo ng mga kalalakihan sa isang banda habang nakangiti at nahihiyang tumingin sa akin.

I smiled at them. Agad silang maingay na naghiyawan. Natawa ako.

"Stop looking at them, Shaireen." mariing suway sa akin ni Rod.

Unti-unting napawi ang ngiti ko.

"Huwag kang tumingin sa kung saan. Ako ang kaharap mo. Don't insult me," aniya.

Tumikhim ako at tahimik na nagpatuloy na sa pagkain. Bigla akong nawalan ng gana kaya uminom na lang ako ng tubig. I was about to drink my juice nang bigla kong mahagilap ang isang lalaking nasa labas ng cafeteria, nakasandal at nakapamulsa habang diretsong nakatitig sa akin. My eyes widen when I recognized it was Lucas!

Oh my God! He's... He's here!

He smiled at me. Mabilis akong napatayo at walang pasubaling tumakbo papalapit sa kanya.

His eyes bulged when he saw I was running fastly near to him. Mukhang hindi niya inaasahang tatakbo agad ako sa kanya. He looked at the cafeteria shockly and then looked at me again.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon