1

354 5 0
                                    

SA MGA HINDI PO NAKABASA NG SERIES 1 SA MISTRESS... PAKI CLICK PO NG PROFILE KO AND DUON NIYO PO MAKIKITA... PLEASE VOTE AND COMMENT'S.... THANK YOU....

**********************************
"MULING PAGKIKITA"


nang makarating kami ng Pasay kong saan ang dating tinitirahan ng mga magulang ko sinubukan naming magtanong kong hanggang ngayon ay dito pa din naninirahan sila nanay at tatay..

ahh Ally, bababa lang ako, susubukan kong magtanong kong dito pa din nakatira sila inay at itay.,

sige... ikaw bahala.

ahh magandang umaga po...!!

magandang umaga din sayo iha..,

magtatanong lang po sana ako kong dito pa din nakatira ang mag- asawang Suarez.?

ah kilala po sila dito sa barangay na ito.

wala akong kilalang Suarez na naninirahan dito iha., 3 taon na akong nakatira dito pero yung mag- asawang hinahanap mo hindi ko sila kilala., ipagtanong mo sila duon banda sa unahan sa gawi duon.

ah sige po salamat..
-muli akong sumakay sa owner na dala namin ni ally, at malungkot dahil sa my ilan na ding naninirahan dito na hindi nakaka kilala ky inay at itay.

ohh anong nangyari??

wala ally., hindi nila kilala ang itay at inay.

pero bakit? gano na ba kayo katagal na nakatira dito?

bata pa lang ako dito na kami nakatira, at sa pagkakatanda ko dito na din ipinanganak nina itay at inay si donna.
ako kasi ay sa ibang lugar ipinanganak.

ganon ba? saan tayo ngayon pupunta?

duon sa my bandang unahan duon tayo magtanong., marami na ding nagbago dito sa pasay maraming nawala at marami na ding mga bahay na bagong tayo lang.

huwag ka mag- alala dianne siguradong makikita din natin ang mga magulang mo at ang mga anak mo.

sana nga ally.. ayon duon tayo sa my gawi duon, duon sa mga my tambay at nag-iinuman.

hahh? sigurado ka? baka mapahamak tayo.

huwag ka mag- alala kong kilala pa ako ng mga ilan sa mga naging kapitbahay namin hindi tayo mapapahamak.

sige.. tiwala naman ako sayo dianne.

saglit nga kaming tumigil at huminto sa mga taong nag- iinuman sa kalye.

excuse me.... magtatanong lang....

dianne.. ikaw na ba yan?

aba laki ng pinagbago ni dianne ano mga pare?

aba't uo nga ang sexy niya, mas gumanda pa at mukhang pang mayaman na ang kutis..

mang kanor, mang brando, at mang carding itatanong ko lang po sana kong dito pa din nakatira sina inay at itay..? kumusta na po sila?

bakit dianne wala ka bang naging balita sa mga magulang mo? - si mang carding iyon.

hindi naman po ako magtatanong kong my alam po ako..

alam mo dianne ibili mo kami ng alak at sasabihin namin sayo.- sabat ni mang kanor.

mawalang galang na po pero hindi naman po yata tamang hingiin niyo pa ky perla ang pang inom ninyo ng alak. -naki alam na din si ally..

ally, huwag ka nang make alam bumalik ka na sa owner., sige po ibibili ko po kayo ng isang kahong red horse sabihin niyo lang po sa akin kong nasaan sila. aling mercy, kumusta po kayo? hanggang ngayon po pala ay nagtitinda pa din kayo dito, aling mercy bigyan niyo nga po sila ng isang kahong red horse at chit- chiria na pulutan nila.
-ka' agad akong lumapit sa tindahan at hindi maikaka-ilang my ilan pa din na hindi naka ahon sa buhay, gaya ni aling mercy na nagtitinda pa din.

aba ikaw pala iyan dianne? laki ng pinagbago mo ah kumusta ka na?

mabuti naman po.. heto po ang bayad, hindi po kasi ako puwedeng magtagal.

ganon ba ohh siya sige, ipakuha mo na lang dito ang alak..

sige po salamat keep the change na lang po aling mercy.
ohh ayan nag order na po ako ng isang kahong beer para sa inyo, ngayon mang kanor, mang brando puwede ko na po bang malaman kong nasaan sila?

matagal na silang wala dito dianne, mag mula nang magbalik sa abroad si elmer buwan buwan siyang nagpapadala ng pera at ginamit nila iyon para humanap ng maliit na apartment dito din sa pasay pero sa ibang bahagi naman, nandoon sila sa malibay pasay., meron din silang puwesto sa palengke. -si mang brando iyon.

kasama po ba nila ang dalawa kong anak na sina dess?

ang alam lang namin kasama nila ang bunso mong anak, pero ang panganay mo magmula nuong umalis ka dito ay hindi na tinapos ang pag- aaral at nag- asawa na din, nabalitaan lang namin na nabuntis na ito ng kaniyang nobyo. - si mang carding naman iyon.

alam mo dianne mabuti pa puntahan mo sila duon sa malibay pasay, puntahan mo ang palengke duon unang palengke, ipagtanong mo duon si elmer yung nag aabroad, my mga bagay ka pang dapat din na alamin.- si mang kanor naman iyon.

tulad po ng ano mang kanor?

mabuti pa ikaw na umalam, cge na magpunta ka na duon.- pagtataboy sa akin ni mang kanor, sa sinabi niyang iyon ay hindi ko malaman kong bakit kinakabahan ako.

ally narinig mo iyon diba? magpunta tayo duon sa malibay pasay sa my unang palengke, hindi ko alam kong bakit pero kinakabahan ako ng malakas.

sige pero bakit hindi perla ang tawag nila sa iyo? bakit dianne ang tawag nila dito?

ally, mamaya na ako magpapaliwanag puwede ba? bilisan na lang natin na pumunta duon.

sige.. sige...
-mabilis ngang pinaharurot ni ally ang owner papunta ng malibay pasay, hindi naman ito kalayuan sa estrella kaya kalahating oras lang ay nakarating din kami.

magandang umaga po, magtatanong lang po my kakilala po ba kayong pablito suarez dito?

my isang suarez kaming kasamahan dito sa palengke mag-ina sila pero hindi namin alam kong sila ba ang hinahanap mo.

ah saan ko po kaya sila puwedeng puntahan?

hindi namin alam ang saktong address nila ang pagkaka alam lang namin dito din sila sa malibay nakatira, hintay hintayin mo na lang sila maya maya ay magbubukas na din ulit sila, umuwi lang sila para kumain.
ohh ayan nariyan na pala sila e.

bakit po aling mering?

my naghahanap kasi sa pamilya ninyo.

sino po??

ayan itong nasa unahan mo.

ano pong kaila.. ?
bakit ka nandito? anong ginagawa mo dito at paano mo kami nahanap?

dess, anak..? anak kumusta ka na?

huwag mo ako hawakan... at huwag mo ako tawaging anak, matagal na kitang kinalimutan.

THE MISTRESS (SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon