"RRRRRRRRRRRIIINNNNNNNNGGGG! RIIIIIIIIINNNGGGGGGGGGG!"
Dalawang mahabang ring ng telepono ang sumabay sa paghihiwa ko ng bawang at sibuyas.
Walang sumasagot. Siguro abala ang ibang katulong para sa paghahanda sa Donation Drive bukas.
"RRRRIIINNNNNNGGG!" isa pang mahabang tunog ng telepono.
"Okey sasagutin ko na po." Itinigil ko ang paghihiwa at lumapit ako sa telepono na malapit sa intercom.
"Good evening! Gallagher's residence."
"Good evening! "bati ng tao sa kabila.
"I would like to talk to Sedney.Is he there? Nandiyan ba siya?"
"Wow redundant."Mahinang bulong ko sa sarili.
"Were you saying something." Nag-English na naman yung tumawag. Napagtanto ko isang babae ang nasa kabilang linya.
"Wala po mam. Saglit lang po ichecheck ko si Sir..."
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko sa babaeng iyon.
Lumitaw kasi na parang multo si Sed si tabi ko.
Marahang kinuha ni si Sed ang telepono mula sa akin at ibinaba ang telepono.
Hindi siya umimik.
Sino kaya yung tumawag?
Prank caller ba yon?
"Tapos ka na sa hinihiwa mo?" ngumiti siyang nagtanong sa akin. Pansin ko parang malungkot siya.
Ako naman pabalik na sa chopping board.
"Hmm patapos na po. Nagugutom ka na ba?" Alam kong kailangan kong magmadali.
"Hindi naman ako nagmamadali. " mabilis niyang sagot.
"Huwag ka nang magluto. I will just eat salad."
"Uh ok. Masusunod po sir."
Pinaghanda ko ng tanghalian si Sed at mabilis niyang inubos yung cold chicken salad na ginawa ko.
Sumilip -silip ako mula sa kusina dahil hindi ako mapakali. Bakas sa mukha ni Sed ang isang kalungkutan.
Nagdodoble-check na lang ako ng listahan ng mga pagkain sa pantry namin.
Ito yung pantry na hindi ata nauubusan ng pagkain. Nakakatuwang tingnan ang iba't-ibang kulay ng mga pagkain mula cereal, pasta, oats,beans,
at isama mo na ang mga mamahaling spices cinnamon, clove, saffron, cardamon at iba pa.
"Okey so meron pa kaming bell pepper, pipino, check. Ay wala nang iceberg lettuce at olive oil. Okey..."
Lumapat nang mabuti ang bawat check na ginawa ko dahil na rin sa matinta ang gelpen na gamit ko.
"I am sorry about earlier. " Pamilyar na boses. Si Sed.
"Alin po yun sir?"Hininto ko ang pagsusulat. Humarap sa kanya at nagtanong.
"The one who called earlier was my ex." Isang sagot sa isang tanong.
Wala naman talaga siyang trabaho sa pantry roomn pero nararamdaman ko naghahanap siya ng
kausap. Kumuha siya ng isang piraso ng mansanas at kinagatan ito.
"Wala yon. Kaya lang baka nagalit yun kasi binabaan ko siya."
"Hahahaha! Hindi yon." Tumatawa siya humagikgik siya. "She is not important anymore." Dagdag niya.
"Sir naman, ay ano hindi naman po sa nakikialam ako. Syempre minahal rin po ninyo siya di ba?"
Isang tanong na mukhang hindi ko na dapat tinanong.
Alam ko na hindi maganda ang tanong ko. Oooppppsss.
Patay na ang madaldal kong bibig. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang maliit na notebook.
Papalapit na si Sed. May sasabihin siya sa akin.
Ayoko pang mawalan ng trabaho. Pakiusap ko kay San Pedro.
Lumapit siya sa akin.
Tiningnan niya ako sa mga mata. OMG. Ang brown niyang mga bilugang mata.
Nagsimulang gumalaw ang kanang kamay niya paakyat sa buhok ko.
Tapos papunta na sa mga pisngi ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Anong ginagawa mo? Tanong kong walang tinig.
"May dumi ka sa mukha." sabi niya.
"Ohhh" umungol ako nang sobrang hina at sarap-sarap sa paglapat ng kamay niya . Hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Amira, may dumi ka sa mukha."
Tinatanggal na pala niya yung dumi na mula sa tinta ng gelpen.
"Hahahaha!Hahahaha!"Malakas niyang tawa na umalingawngaw sa pantry room.
Ngayon ko lang siya nakitang sobrang saya. Yung saya niyang ngayon lang ulit nangyari.
---------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Good morning My sunshine! (Tagalog-English Romantic Comedy)
RomanceIsang masikap na dalaga. Mataas ang pangarap. Medyo mataas. Nakatira ako sa isang mansyon.Anim na araw sa isang linggo kong pinagsisilbihan ang dalawang binata o bachelor na mga anak- mayaman. Sina Sir Sed at Sir Dave; parehong gwapo, laging maban...