Chapter 3

14 6 0
                                    

You and Me

Panda POV

Si Lucky, mahilig siyang mangolekta ng mga pictures. Nilalagay niya sa photo album. Nandito siya ngayon sa bahay. May dalang ice cream at dalawang photo albums.

Habang kumakain kami ng ice cream, pinapakita niya ang mga pictures sa akin.

Ang nakalagay nga pala sa harap ng photo album ay "You and Me".

"You and Me" ang nakasulat dahil mga pictures lang namin dalawa ang nasa photo album na ito.

Binuklat na ni Lucky.

Natawa kaming dalawa dahil todo ngiti kaming dalawa sa picture. Pareho kaming kulang kulang ang mga ngipin sa harap. May nakalagay na chocolate na chubby sa mga ngipin namin kaya parang mga bungal kami.

Sa pagkatanda ko si Tita Lorna ang kumuha ng picture sa amin ni Lucky. Birthday ni Lucky kasi ang background eh poster ni Batman na may nakasulat na "Happy 7th Birthday Lucky.

Katabing picture naman ang tiningnan namin. May hawak akong salbabida na hugis swan. Si Lucky naman nakasuot ng jersey na short na may number 14.

Nasa likod namin ang malaking pool ns pambata. May dalawang slide. Namumula na ang mga pisngi namin. Ayaw pa naming umahon sa pool. Kaya kinabukasan nagkasunburn kami.

Next page.

Umiiyak ako sa picture. Pinupunasan ni Lucky pisngi ko. May sugat ako sa  magkabilang tuhod. Nagasgas sa semento. Nasa likod na bahay namin ito kinuha. Hinabol ako ng tuta ni Lucky kaya nadapa ako. Inalis niya kasi yung tali. Takot ako sa tuta niya. Nagsorry naman siya sa akin. Namatay na pala si Blackie. Nakakain ng palaka. Nawalan ng ganang kumain kaya namatay.

Sa pangatlong pahina.

Nakasuot kami ng yoga. Kulay orange. Graduation namin nong kinder.  Parehas kaming may medal at may hawak na mga regalo.

Sa stage ng school ang background namin. Damit ang regalo ko sa kanya. Hello Kitty na  relo naman ang regalo niya sa akin.

Sa pang-apat na pahina.

Christmas party namin noong elementary. Hindi kami pinayagan na umattend dahil pagaling palang mga chicken fox namin. Binulutong kami noong 2010. Kaya sa bahay na lang kami nagstay.

Nsgluto si Inay ng spaghetti at sopas na may hotdog. Ang sarap ng kain namin sa picture. Puro amos pa kami. Pinadala na lang sa bahay mga regalo namin. Bolang pangbasketball ang natanggap ni Lucky. Ang natanggap ko naman ay bag na Barbie.

Sa ibaba, picture ko na may kalong na tuta. Binigyan ako ni Lucky. Nanganak kasi yung sso nila. Hindi na ako takot. Nagpasalamat ako ka Lucky dahil tinuruan niya akong magpaamo ng tuta. Gray ang pinangalan namin dahil color gray ang msaa ng tuta.

Sa panglimang pahina.

Parehas kaming nakauniform. High school na kami. First day ng school noong 2nd year kami. Sinuot na namin agad ang uniform para gayahin kami ng mga kaschool mate namin.

Sa harap ng room namin ang background. Kulay dilang yung pader na may nakasulat na honesty is the best policy.

Sa katabing picture naman, nakasuot si Lucky ng barong style pero gawa sa recycle na basura. Panalo sila ni Katy sa pageant. Nagtulong tulong kami sa paggawa ng barong at saya nila. Bumili pa kami sa junk shop. Nasugat palad ko noon kaya nagpaturok ako ng anti tetano sa center. Worth it namam pinaghirapan namin nanalo sila.

Sa pang-anim na pahina.

Nasa Intramuros kaming dalawa. Tour namin nong 3rd year high school kami. Nagpapicture kami sa mga gamit ni Jose Rizal,. Sobrang ganda sa Intramuros parang nasa sinaunang panahon kami. May malaking painting, pinapakita doon kung paanobinaril si Rizal.

Sa ibabang picture naman. Nasa Star City kami. Nakasakay kami sa roller coaster. First time ko sa star city. Si Lucky pangatlo na. Lagi silang pumupunta sa star city pagchristmas at pagbirthday ng kapatid niya si James.

Sa pangpitong pahina.

Prom Night.

Gabi ng February 13, 2015. Kami ni Lucky ang magpartner. First dance namin ang isa't isa. Nakahawak ako sa balikat niya. Si Lucky nakahawak sa bewang ko. Todo ngiti kami sa picture. Nakacolor royal blue ako na gown. Siya nakapang amerikana na suit.

Medyo tipsy si Lucky nong umuwi kami. Tinawagan ko si Tito Ozcar para sunduin na si Lucky. Dumating naman  agad si Tito. Pinasabay na ako para hindi na ako maglakad. Malapit lang kasi ang bahay namin sa school. Sila Lucky sa katabing Brgy. pa kaya napagpasyahan kong tawagan si Tito Ozcar.

Tahimik na sa bahay pagdatinh ko. Si Inay na lang ang gising. Kinamusta niya ako.

Sobrang saya po Inay. Medyo tipsy na si Lucky kaya tinawagan ko na si Tito Ozscar. Hindi po ako  uminom. Alam ko naman na ayaw na ayaw niyo ako painomimn ng alak or wine.

Oh siya sige na. Pumunta ka na sa kwarto mo. Mag-alis ka na ng make up mo. Gamitan mo ng baby oil. Mas madali maaalis yang make up mo.

Opo. Good night po.

Sa kwarto.

Naligo muna ako at nagbihis na ng pantulog. Nagtext si Lucky.

Lucky: Good night. Sorry kanina hindi kits naihatid sabloob ng bahay niyo.

Me: Ok lang. Dami mo kasing ininom. Good nigt din.

Sa pang pitong pahina.

Graduation pictorial namin nong high school. May hawak ako na mga wattpad books. Si Lucky naman may hawak na gitara.

Talikuran pose. Magkadikit ang likod namin. Pero bigls niya akong inskbayan. Sabay sabing sa college dapat magkaklase pa rin tayo hah?

Oo naman.

Sa ibaba ng picture. Wala na kaming suot na puting toga. May hawak kaming bond paper. May nakasulat na "Sabay na gagraduate kahit pasaway".

Sa pangwalong pahina.
Summer 2015.

Pumunta kami sa Sabang beach. Bukang-liwayway. Labing pitong kaarawan ko. Magkaakbay kaming dalawa. Dalawa lang kaming pumunta sa dagat dahil doon kami na tulog sa tabing dagat. Sumunod na lang sila Tita Lorna at sila Inay. May dala na silang sopas, pansit, puto at pipino salad.

Masaya kaming nagcelebrate ng kaarawan ko. Maraming pictures sa camera ni Lucky. Tiningnan ulit namin ni Lucky sa dala niyang camera.

Haaay ang bilis na panahon. Ngayon grafuate na tayo. Adulting problems at responsibilities na ang ating haharapin.

Pagnakapasa tayo sa board exam. Magtatrabaho ako para makaipon ako ng pangkasal natin. At pag nangyarri na ang dream weddinh nstin ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.

Siyempre ikaw ang magiging tatay ng mga anak ko. Swerte ka talaga sa buhay ko.

Itutuloy..

A P.A.N.D.A. & L.O.V.E. StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon