"Hoy!" Napalingon ako sa likod ko.
"Problema mo? Ley." Iritadong tanong ko. Paano ba naman kasi kung makasigaw, napatingin tuloy mga tao sa amin.
"Nagawa mo na ung pinapagawa nung professor natin?" Tanong niya sabay kuha ng kinakain kong chips. Tumabi siya sa katabi kong upuan.
"Kita mo naman na ginagawa ko na ah." Inirapan ko siya.
"Eto naman napakasungit, nagtatanong lang eh." She said.
Nandito kasi kami sa hallway ng school namin. May mga upuan naman kaya ayos lang gumawa ng mga project.
"Gutom na ako! Tara kain muna tayo." Aniya sabay tayo. "Kinakain mo na nga chips ko gutom ka pa rin?" Lagi nalang gutom ito eh. Buti nalang hindi nataba hahaha joke.
"Sige na! Chips lang naman ito." Pagpupumilit niya sa akin.
"Hay," Napabuntong hininga nalang ako. Inayos ko muna ung mga gamit at kalat ko saka tumayo.
Habang naglalakad kami ni Ley ay may nakita akong matangkad na lalaking papasok sa canteen. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na sa canteen.
"Order mo ako ng fries." Sabi ko kay Ley. "Wow naman! diet ka ghorl?" Napailing ako. Nakahanap na ako ng mauupuan at nilagay ang mga gamit ko sa tabi kong upuan.
While Ley is not around, I opened my phone and scrolled on Facebook. Sakto naman at dumating si Ley dala ang pagkain naming dalawa. "Oh." Abot sa akin ni Ley. "Thanks." Pagpapasalamat ko.
"Skye, may nakita akong gwapo dun." Napakunot ako ng noo. Syempre tuwing may nakikita itong kaibigan ko ng gwapo kinikilig. Napa facepalm nalang ako.
"Ayun oh." Napatingin ako sa nginunguso niya.
Uy gagi ang gwapo!
Di ko naman maitatanggi na gwapo 'yung lalaki.
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. Nauna na sa akin si Ley dahil tumawag sa kanya yung nanay niya.
Nagtaxi nalang ako papunta sa condo ko. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 4th floor.
The elevator door opened kaya naglakad na ako papunta sa pintuan.
Inilapag ko ang aking gamit sa sofa. Pumasok na ako sa kwarto at tinignan kung may sleeping pills pa ako.
"Fuck!" I cussed.
Urgh! Ngayon pa ako nawalan ng sleeping pills.
Hays, nakakainis kasi bakit ako nagka-insomnia. Ayan tuloy pahirapan ako matulog gabi-gabi.
Hindi na ako nagpalit ng damit at kinuha nalang ang pitaka ko para bumili ng sleeping pillls.
Lumabas uli ako ng condo para pumunta sa pharmacy store. Okay lang naman maglakad, may pharmacy store naman sa baba.
Nandito na ako sa pharmacy store at dumiretso sa cashier para magtanong ng sleeping pills.
"Sleeping pills po." Sabi ko sa cashier.
"Sleeping problems, huh?" The man beside me asked.
---
YOU ARE READING
Insomnia
Teen Fiction"I'm so glad that I have her, with her I'm at peace." - Skye, a girl who has sleeping problems (also known as insomnia) meets a guy who has the same sleeping disorder. They find it easier to sleep at ease when they are together. (ongoing)