3. Lizl Soliman [Part 3]

16.9K 74 0
                                    

WARNING: THIS STORY IS "NOT EDITED" AND REPRODUCED EXPLICIT MATURE THEME! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!!

"READ AT YOUR OWN RISK!"

3. Lizl Soliman [Part 3]

"I am really really sorry Ms. Soliman--"

"Lizl. Lizl nalang."

"Sorry ulit, Lizl."

Hindi ko alam kung ilang beses pa dapat sabihin iyon ni Jude Cervantez. Ang lalaking bagong lipat sa subdivision na tinitirhan ko. He explain that he suddenly out of control because it's been a long time since the last time he rode a bike. Sinabi ko naman kanina na ayos nga lang iyon, pero pamilit siya at agad pa talaga na dumating ang driver nila.

Sobrang taranta niya ay tinawag niya at driver niya at nandito ako ngayon sa bahay niya. Habang may ice pack na nakalagay sa tuhod at patuloy niyang minamasahe ang paa ko.

"You know, I am okay and I still have a work today." ani ko at hila sa paa ko. He still look so worried but I tried to stand up to prove him that I am fine.

"T-Teka lang!"

"See.." pagmamalaki ko noong maglakad ako at ayos naman ako. I guess nabugbog lang ang tuhod ko sa pagkakabangga. But yeah I am definitely okay.

Kaya naman kalaunan ay wala ng nagawa si Jude ng magpaalam ako. Isang kanto lang naman ang pagitan namin kaya hindi na din ako nagpahatid pa. After that I took a bath and prepared for my work. Hindi na din ako nakapag breakfast dahil oras na.

Mommy still wearing her silk bathrobe when she walk downstairs. Paalis na ako kaya naman mukhang nagulat ito at agad nagtanong.

"I thought it's your off today hija?" she worriedly ask and I only kiss her cheeks. "Did you eat some breakfast?"

"Hindi na po Mom, I am getting late now." I answered and before she will say something. Mabilis na akong nagpaalam at nagmamadaling lumabas ng Bahay.  Nagkataon kasi na nasa auto shop ang kotse ni Mommy at iyong akin ang gamit niya. Ayos lang din naman dahil para sa akin ay hassle lang ang pagmamaneho.

Para akong nakikipagkarera habang naglalakad palabas ng subdivision. Suot ang simpleng floral off shoulder at black skirt. Mabilis akong nakarating sa gate. Binati pa ako ng guard at ngumiti naman akp bago dumiretso sa shed.

Fishing out my phone to take a grab car. May mabilis na kotse ang huminto sa harapan ko. It was a green BMW, two seaters lang ito at nakabukas pa ang bubong. Kitang-kita ko sa driver seat ang lalakeng nakasuot ng shades.

"Hey! Lizl." he called my name and went out from his car. Doon ko lang napansin na si Jude Cervantez pala ito. He looks so dashing in his all button polo. Nakasuot ito ng faded jeans at may white v-neck shirt na panloob. "Are you going to work now?"

Tanong niya at tumango ako. Oo nga pala! oras na.

"That's nice! sakto hatid na kita. Pambawi na din." alok niya at hindi na ako tumanggi. Kung tatawag pa ako ng grab panigurado late talaga ako nito. Itinuro ko nalang sa kanya ang daan papuntang opisina.

"Ano nga pala ang natapos mo?" tanong niya ng huminto sa isang stop light.

"ABM. Ikaw ba?" tanong ko din habang nakatingin sa suot niya.

"HRM, ako yung pagsamantalang hahawak ng branch namin dito sa Manila." he answered. Sabagay mukha naman siyang mayaman. Kotse pa lang niya halata na.

"So, may sariling business pala kayo." kunwari ay hindi interesado na komento ko.

He just smiled and continue driving. "Honestly, I don't really considered that as mine. So business iyon ng Daddy ko. But I am still planning to build my own. Masarap kasi kapag sariling sikap, hindi nakakahiya kahit ipagyabang ko."

He makes me suddenly feel amaze by his words. Iyon bang tipo ng tao na hindi mayabang dahil lang anak mayaman. Bigla tuloy akong may naalala sa kanya. I thought he's just a rich kid who accidentally bump me. At feeling niya ay kargo De konsensya ako. Pero habang nag-uusap kami. Unti-unti Kong nakikilala ang katauhan niya.

Pagdating sa tapat ng office ay mabilis akong bumaba sa kotse ni Jude. "Salamat!" I said and wave at him.

"No prob." he wink and I laugh.

"Sige, ingat." sambit ko at pumasok na sa loob. Bahagya pa akong inasar ng front desk dahil kita kami sa loob.

Natawa na lang ako at mabilis dumiretso sa elevator. Habang nasa loob ay hindi ko mapigilan mapangisi. Ano bang nangyayari sa akin? Trying to act normal. Lumabas ako sa floor namin at mabilis umupo sa table ko. Mukhang maaga pa dahil iilan palang kami.

After logging in my password. Nag time in na ako at sinimulan ng basahin ang ilang emails. Dahil may five minutes pa naman, bigla kong naisip buksan ang facebook messenger ko. I check Ken's name if he already seen my message.

Kagaya ng palaging nangyayari. Dismayado  ako dahil hindi pa niya na-seen iyon. I don't know what to do anymore. Dalawang buwan na akong walang balita sa kanya. Paano kung may nangyari na pala? Oh God, I hope he's fine.

Naisip ko na muling tawagan ang kapatid niya. Si Kianna, she's working in Pasay as a Call center. Free stay in at may allowance kaya doon siya pagsamantala. Iyon ang sabi ni Ken, but I never tried to visit her. Maybe I will try to call her later. Masyado na kasi akong nababahala para kay Ken. Hindi ko kayang isipin na may mangyari sa kanya na hindi maganda.

My work finish peacefully today. Not because Athena is not so talkative dahil wala ang iba namin mga katrabaho. Naalala ko na ngayon pala ang simula ng project nila Lucas sa Del Real company. I don't really have an idea about their project. But it seems like they are really busy. Tatlo lang kaming nag lunch nila Athena at Bryce.

Nauna na nga lang ako sa kanilang nag out. After I finish my paper works and pass it. I decided to go out early.

"Lizl!"

Dialling Kianna's number. Nasa labas na ako ng building ng may tumawag sa pangalan ko.

"Hey! Lizl!" paglingon sa right side. Nakita ko ang pamilyar na green BMW.

"Jude?" hindi makapaniwalang usal ko. I walk towards him when I saw him talking to the security guard.

Mukhang pinapagalitan siya?

"Oo nga po Sir---"

"Lizl! see I told you Manong Guard I know her." ani Jude ng mabilis akong makalapit sa kanila.

"Kuya Bart." tawag ko sa security guard na naka assign para mag rounds. Mukha itong nahihiya na ngumiti sa akin.

"Good evening Ma'am Lizl, eh kasi po itong kaibigan niyo daw po. Dalawang oras na dito at pinagsabihan na namin na bawal po mag parking sa area na ito, pero makulit po si Sir." he explained and I apologized to him.

"Sige Kuya Bart, pasensya kana. Sinabi ko kasi na maaga akong lalabas pero nagkaroon ng emergency kaya nag OT ako." I lied while looking at Jude. "Nakakahiya naman po kasi kung pauuwiin ko pa si Jude eh ang layo pa ng byahe niya. Promise hindi na mauulit."

"Naku, ayos lang po Ma'am Lizl. Basta huwag lang sobrang tagal kasi kami po talaga napapagalitan." he said before finally leave.

I smile and nod at him. Pagkaalis niya ay agad akong bumaling kay Jude. He made a peace of sign and I only glared at him.

"Sorry na, nakalimutan ko kasing itanong ang out mo kaya naghintay nalang ako." aniya at napakunot noo ako.

"Naghintay? Bakit?" takang tanong ko.

He exhaled dramatically. Umikot muna siya sa passenger at binuksan iyon. "Kung pwede sana ay yayain kitang kumain sa labas."

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Napansin niya iyon at nahihiyang kumamot sa batok.

"Don't worry, peace offering atsaka pambawi na din. Sagot ko." I don't really know what to say.

But I appreciate it. I can't imagine that he wait for freaking two hours. Bahagya tuloy akong nakonsensya. Pero kasi paano si Kianna? I want to talk with her. Nagri-ring ang number niya pero walang sumasagot.

"Pleaseeeee.." Jude blink twice and I can't help but to laugh.

"Okay. Okay." sa huli. Nagpasya ako na pumayag nalang sa kanya. Kawawa naman ang tagal niyang naghintay. Besides libre naman niya.

Tatawagan ko nalang mamaya si Kianna.

Caging Fire (R-18 COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon