Ang Liham
(December 04)Kahapon naging maayos na ang lahat.. natanggap na kahit papano si Fabricio sa coffee shop. At ilang beses na ako sinabihan ni Nathaniel na mag ingat daw kay Fabricio. Sa totoo lang binabalewala ko nalang yung mga ganito, ayoko nga manghusga ng tao.
Pag gising ko ay nagbihis, nag ayos, balik sa dating gawi. Papasok sa restaurant tapos sa school naman. Bakit simula ng mapunta ako sa Heratalya, biglang pakiramdam ko ang boring ng buhay ko?
Ganito nalang ba ako palagi?
Trabaho, pag aaral, trabaho, pag aaral at mas marami pang trabaho. Nagsasawa na ba ako sa mga nangyayari sakin? Bakit ba ganito nararamdaman ko?Pakiramdam ko may nagbago sakin.
Pagkauwi ko sa bahay galing sa school ay humiga na ako agad. Sobrang nakakapagod na, gusto ko nalang mag pahinga..Nakatanggap ako ng text mula kela Sir at Ma'am. Kung pwede ba daw na hindi muna ako pumasok sa sabado at linggo, dahil aalis na sila next week at gusto nila makasama si Arolf.
Sila lang buong pamilya..
Nakalimutan ko na kung ano yung pakiramdam na buo pa yung pamilya.
Parang may butas sa puso ko na hindi mapunan, kahit anong gawin ko ay hindi nadadagdagan.. kundi nababawasan.Dalawang araw na ang lumipas at napaka ordinaryo lang ng buhay ko. Nakakabored naman kasi wala akong gagawin. Kahit napapagod na ako ay hindi ako sanay na walang ginagawa.
Gusto ko may gawin ako.. pero ano kaya?"Hi Nathan.. Tulog ka naba?" nahihiyang tanong kopa. "Hindi pa naman, may problema ba? Bakit ka napatawag?" tanong niya. "Wala lang.. May gagawin kaba bukas? iniisip ko lang kung gusto mo ba na lumabas tayo bukas?" hala ano ba itong ginagawa ko?
"Bukas? Eh diba pupunta ka sa alaga mo?" tanong ulit nya..mukha ayaw ni Nathan. "Ah wala akong pasok bukas, pero kung busy ka okay lang naman." sagot ko. "Uy wala naman ako sinabi na busy ako.. Tinatanong ko lang. Basta para sayo palagi akong may oras" putek naman bakit ba ako kinikilig? Lakas ng effect sakin ni Nathan ah.
"Pero akala ko ba dapat manligaw muna ako sayo? Bakit magde-date agad tayo?" tanong ni Nathan at nagulat naman ako.. isip naman agad ako ng palusot. Teka ano ba sasabihin ko?!
"Ahh e-ehhh.. Hindi naman date yun ah, tsaka bukas kasama naman si Nathalie, si Hannah at Jae. Bonding nga tayo di ba? Paano naman naging date yun?" naku ang galing ko talaga magpalusot. "Haha biro lang.. Sige ba ako na magsasabi sa kanila, pero yung sa martes ah." sagot naman niya.
Bakit ano ba meron sa martes? Birthday ko ba? Sa 31 pa naman birthday ko ah..
"Wag mo sabihin na nakalimutan mo na agad? Day off natin sa martes, Hindi ba lalabas tayo? Tayong dalawa lang...nakalimutan mo?" tanong ni Nathan at nakalimutan ko nga kakainis "Ay sorry nawala lang sa isip ko. Oo naman sige, kita nalang tayo bukas" sagot ko naman
.
"Bakit bukas pa? Eh makikita naman kita mamaya lang" nagtataka naman ako, bakit mamaya agad? "Mamaya sa panaginip ko magkikita tayo" dagdag pa ni Nathan.. at wala na hindi na ako nakapagsalita. Kinikilig na si inday.. Pero di dapat magpapahalata, nag goodnight nalang ako at pinutol na yung tawag.Bago naman ako matulog ay nakita ko sa loob ng bag ko yung liham ni Tatiana sakin. Naisip ko na basahin..
"Isang kaibigan na tunay, sayo ay walang makakapantay.
Mga mata mo ang kasagutan, sa pusong sugatan at duguan.
Bawat oras na ikaw ay kasama ay hindi na ipagpapalit pa. Ang magkaroon ng isang tulad mo sa buhay ko ay isang biyaya. Lahat ng iyong mga pinagdaanan at pagdadaanan ay may gantimpala.
Ang mahanap mo ang iyong tunay na kasiyahan ay ang aking kahilingan, kung ako ang papapiliin ay hindi ko na babaguhin ang aking kapalaran.
Hahayaan na ang may kapal na ang humusga at bahala sa akin, dahil lahat ng mga alaala na kasama ka ay hindi maaangkin..
Maraming Salamat Toradel, patuloy parin akong magdarasal para sayo."
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...