Rochete's POV
Tinawanan niya ako.
"Hindi bukas ang third eye ko, okay? Pero tutulungan ka naming hanapin siya." sabi niya.
"Teka, sino bang hahanapin?" tanong ni Lisa.
"Yung multong nakikita niya. Si YuRyeong." sabi ni Yuri at tiningnan ko ang reaksyon ng tatlo na di man lang nagulat. So I guess nabanggit na ni Yuri sa kanila ang pangalan ng multong nakikita ko.
"Ahh syempre, tutulong kami." nakangiting sabi ni Lisa.
"T-teka, naniniwala na kayo?" di makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Magkakaibigan tayo, diba?" sabi ni Criselda at ngumiti ako at niyakap sila.
"Salamat!" masayang sabi ko.
______Nasa may backstage kaming lima.
"Teka, paano nyo ko tutulungan eh hindi nyo naman siya nakikita?" tanong ko.
"Roch, hindi lang namin siya nakikita. Pero pwede namang nararamdaman? Diba malamig ang mga multo? Edi pag naramdaman naming malamig pero di naman nahangin, edi tatawagin ka namin." nakangiting sabi ni Yuri.
"Tss." umiirap na sabi ko at bahagya lang silang tumawa.
"Hindi siya malamig." sabi ko bago sila humakbang at natigilan sila."Huh? Multo siya diba?" tanong ni Yuri at tumango ako.
"Ohh edi malamig siya. Kasi diba ang mga patay, malamig na?" tanong naman ni Criselda.
Sasabihin ko ba... na hindi pa siya patay at naging multo?
"Uhmm.."
Pero dadami pa ang tanong nila kapag sinabi ko yon..
"O-oo nga haha. Sige sige, maghahanap ako sa building ng senior high." sabi ko.
"Sige, ako naman sa lahat ng cr ng boys." sabi ni Reg.
"Ako naman sa lahat ng cr ng girls." sabi naman ni Lisa.
"Ako sa every classrooms, pathways, and hallways." sabi ni Criselda.
"Ganun rin ako. Every classrooms, pati na rin yung library." sabi ni Yuri.
"Sige, salamat. Kita-kita na lang ulit tayo dito sa backstage." sabi ko at saka kami naghiwa-hiwalay.
_________"Hayyy.. Ano? May naramdaman ba kayo?" tanong ni Lisa pagkarating nina Yuri at Criselda.
"Wala eh." sagot ni Criselda at umiling naman si Yuri.
"Ayos lang." sabi ko habang nakaupo sa sahig ng backstage katabi nina Lisa at Reg.
"Tara na." anyaya ko sa kanila at tumayo na.
________
"Anak.. san ka ba nanggaling? Naku, maraming salamat sa inyo mga hijo, mga hija." sabi ni mama nang ihatid ako nina Yuri, Criselda, Lisa, at Reg sa hospital.
_________Muli akong sinaksakan ng dextrose sa kamay.
"Hanggang kailan ba 'to?" tanong ko."Hanggang maging okay ka na." sagot ni papa.
"Ba't ba ako nakaganto? Okay na okay naman po ang pakiramdam ko eh." sabi ko.
"Nang nahimatay ka kahapon, walang kalaman laman ang tiyan mo at umiyak ka raw ng umiyak. Kaya naman dinala ka rito at naconfine. Ano bang nangyari anak?" tanong ni mama.
"Ahmm.." sabi ko habang nag-iisip dahil di ko alam kung anong sasabihin ko.
Dapat ko bang sabihin ang totoo? O dapat akong mag-imbento ng kwento?
"M...may hinahanap po kasi ako." panimula ko.
"Ano yun?" kuryosong tanong ni mama.
"Kaibigan ko pong multo." sabi ko at nagulat ako dahil di man lang sila nag-react gaya nung una.
"Nakwento na sa'min ni Yuri lahat. Dahil don magpapakamatay ka?" tanong ni papa.
"Hindi po.. Pa... gusto ko lang na magpakita siya sa'kin pero hindi naman po talaga ako tatalon don." paliwanag ko.
At kung magpapakamatay ako, sa 4th floor o kaya sa rooftop na ako tatalon."Ikwento mo nga kung paano kayo nagkakilala nang maniwala na akong tuluyan sa kabaliwang to." sabi ni papa at kinwento ko na dahil sa pagtatama ng aming mga mata, kami'y nagkita.
______
"Oh.. ikaw si Miss tago diba? Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ni Daniel Sebastian Catangay."San mo nakuha yang miss tago? Ako si Rochete. Here, I brought fruits for him..." sabi ko sabay abot ng basket ng prutas sa kanya at pinatong niya ito sa sidetable.
Siya lang ang bantay dito ngayon.
"Do you know him?" tanong niya."Di ako sigurado. Baka kamukha lang or... siya nga siguro." sagot ko habang nakatulala sa lalaking nakahiga sa hospital bed at walang malay.
"Kamukha nino? Ng ex mo? Kaya pala umiiyak ka nung--"
"Hindi. Wala akong ex." sagot ko bago pa man niya maituloy ang mga sinasabi niya.
"Ahh.. ehh kamukha nino?" tanong niya nang pumasok ang isang magandang babae ngunit matamlay siya. Bata pa siya, siguro'y senior high school student.
Kasunod niyang pumasok ay ang dalawang lalaking nakilala ko rin noon, na sina Kiko Malabanan at Dexter Gomez, na gulat na gulat ng makita ako.
"Sino siya?" matamlay at walang emosyong tanong ng babae at umupo sa upuan katabi ng hospital bed.
"Ahh di mo nga pala nakita dahil nakaub-ob ka jan lagi. Siya si Rochete... kaibigan. Tama. Kaibigan.... ko siya." palusot pa ni Daniel.
"What is she doing here?" tanong ni girl nang nakatitig lang sa lalaking nakahiga sa hospital bed at di nag-abalang lingunin ako.
"Binibisita ko lang si..a--ano nga bang pangalan niya?" tanong ko.
"Zai. Zai Adrian Corpus Ignacio." pakilala ni Dexter sa lalaking walang malay na nakahiga sa hospital bed, na siya namang ikinagulat ko.
T-that's his full name?
"Zai...?" nagbabadyang pumatak ang luha ko habang binabanggit ang pangalan niya.
"Oo. Zai. Ako ay pinsan niya, etong dalawa naman ay kaibigan niya na kaibigan ko rin." paliwanag ni Kiko at itinuro sina Dexter at Daniel.
"Eh siya? G-girlfriend niya?" tanong ko at itinuro ang babaeng nakaupo sa tabi ni..Zai.
"Ahh siya ay----"
Di natapos ni Daniel ang sasabihin niya nang biglang may pumasok na mga nurse at doctor kasama ang isang babaeng matanda na kung di ako nagkakamali ay lola ni Zai.
"A-ano na naman 'to?" tanong ni Kiko sa matandang babae.
"Patanggal na po ng mga aparato." sabi ng babae na agad kong ikinabahala.
BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
ФэнтезиNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...