Prologue

41 0 2
                                    



"Hoy ely! nasa bar tayo wala tayo sa sementeryo ano ka na d'yan?!" sigaw saken ni eli.

"Pagod lang ako, ang dami kaseng paperworks sa opisina" ani ko.

"Masyado mong sinusubsob sarili mo sa trabaho sis relax lang. By the way, parang nakita ko si miguel or na malikmata lang ako medyo tipsy na eh"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni eli saken para akong binuhasan ng malamig na tubig at nagising ako bigla.

Nagpaalam akong mag-cr at iniwan si eli sa table masyado akong na-tense sa binalita ng kaibigan ko sa'kin dahil sobrang imposible mangyare. 5 years na simula nung huli naming pagkikita.

Habang papunta ako sa restroom bigla akong na-estatwa dahil tama nga ang kaibigan ko nandito si miggy. Pupuntahan ko na sana siya pero biglang may lumapit sakanyang babae at hinalikan siya kaya napagdesisyunan kong hindi nalang ituloy.

Bumalik ako sa table para hilain si eli palabas ng bar gusto ko na umuwe dahil hindi ko inasahan ang pangyayaring nakita ko.

"Whatduh! gurl anong nangyare bakit mo naman ako kinaladkad sasama naman ako sa'yo!"

Sumakay na kame sa kotse at gusto ko na umuwe. Dahil hindi ko pwedeng iwan tong baliw na 'to dito dahil magkasama kame sa condo.

Pagdating namen sa condo naabutan namen si eka sa sala at busy sa ginagawa niya. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at bago ko pa malunok sumigaw si eka

"Girl nakita ko miguel mo nakauwe na pala siya pero may kasama eh"

Shuta gusto ko lang naman uminom ng tubig hindi para mabulunan. Kailangan ko umaktong hindi naaapektuhan dahil puro pangyayamot ang aabutin ko sa dalawa.

Bumalik ako sa sala para magpahinga pero walang hiya dinaldal lang ako nitong dalawa tungkol sa lalaking 'yon.

"ano balak mo"
"gagantihan mo ba?"
"back-up mo kame"
"pa-imbestigahan ko na ba yung babae?"

"Puwede ba tigilan niyo nga 'yan wala na akong pakialam sakaniya okay? tapos na 'yon, past na so please gusto ko magpahinga dahil ang dame nating paperworks sa opisina" singhal ko sa dalawa.

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana kaya napagdesisyunan ko na maghanda para pumasok. Paglabas ko ng kwarto tapos na din yung dalawa mag-ayos kaya dumiretso na kami sa parking lot at sumakay sa kaniya kaniyang sasakyan.

Pagdating ko sa opisina dumiretso agad sa'kin yung secretary ko.

"Ma'am may problema po tayo, nagback out si Engr. limjap nagkaroon daw po emergency"

"WHAT?! bakit ngayon pa?! saan ako hahanap ngayon para tumulong sa site" nastress ako sa mga nangyayare nag sabay-sabay pa shutanes.

"Ma'am may nahanap---"

Biglang pumasok yung dalawa sa opisina ko dahil saktong papalabas ako para kausapin sana sila.

"Relax may nahanap na kame ni eka at papunta na siya dito" ngising ulat saken ni eli.

"Oo si Engr. Renzo Miguel Cruz" -eka

"Ah oka-- ANO?! TAMA BA YUNG RINIG KO PAKI-ULET NGA!" tensyonadong sagot ko sa dalawa

"Huwag mo 'ko anuhin narinig mo" eli

"BAKIT SIYA?!"sigaw ko

"Bakit hindi?! at bakit sumisigaw ka?! apektado sis?" eka

"At sa pagkakaalam ko tatlo tayong owner ng company so majority wins" pang-aasar ni eli.

Hindi ko alam kung sasabunutan ko yung dalawa o iuuntog eh. Pinagti-tripan ako ng dalawang 'to at paniguradong may binabalak silang masama. Act normal ellaine past na diba? diba?

"Ma'am nandito na po si Engr. Cruz" nagmamadaling sabi ng secretary

Sinamaan ko ng tingin yung dalawa at umayos ako ng tayo hinihintay pumasok si miggy este Engr. Cruz.

"Good afternoon, uh excuse me?" rinig kong sabi ni miggy sa likod ko dahil nakaharang pala ako sa pinto.

Dahil sa gulat ko na out of balance ako at bumagsak yung katawan ko sa matigas niyang dibdib. Anong matigas?! fuck pinagsasabi mo ely?!

Narinig kong tumatawa yung dalawa kaya nagising yung diwa ko at umayos ako ng tayo. mamaya-kayo-saken-sa-bahay look.

"uh s-sorry" nautal pa nga hayop.

"it's okay" seryoso niyang sabi.

"So, hi miguel este Engr. Cruz"- eli na nakatingin pa saken halatang nang-aasar

"Long time no see Engr. how are you?" eka

"I'm good" tipid na sagot ni renzo.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon dahil nakita ko siya after 5 years na maayos at nakamit lahat ng pangarap niya...pangarap na pinagplanuhan naming dalawa.

Drowning in my TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon