The Search
Written by MarYanJ
PROLOGUE
"SEAN PARIN?!" Pagtataray ng bestfriend ko.
"Wala na kong magagawa, Jen. Nasa kanya na yung puso ko eh. Hahahaha" Pati ako natatawa sa kakornihan ko.
"Alam kong hindi kayo at maliit ang posilidad na magkaroon ng 'kayo' pero mag move on ka na dun, girl. Masakit umasa." Alam ko. "Mamaya hintay ka ng hintay tapos may iba na pala siya." Tignan mo 'tong babaeng to. Gusto talaga sa iba mapunta yung atensyon ko. Tinuturuan akong lumandi at magtaksil!
"Dakilang epal ka talaga sa buhay ko. Ako naman ang umaasa ah! Bat mas effected ka?"
"Kasi friend kita?" She said in sarcastic way. "Wag ka ngang tanga, Chrissy."
"Whatever." I rolled my eyes. "Mag gra-grade 10 pa lang naman tayo - bata pa tayo. Hindi pa naman ako ganun ka hopeless. At confident akong hindi ako tatandang dalaga." Kinuha ko ang pusa kong si Scarlett at nilambing.
Binuksan niya yung T.V at nilipat ang channel sa cartoon network.
"Sana may gwapong transferee this school year." Bigla kong nasabi. Nakakasawa na kasi yung mga mukha ng kaklase kong puro pa-gwapo.
"Ewan ko sayo! Akala ko ba Sean ka lang? Asa ka lang sakanya basta wag kang lalapit sakin at iiyak iyak na masakit." Ang taray talaga nito. Naaalala ko nung una sobrang supportive nito sa kalandian ko. Pero ngayon, basher na ng love story ko.
Grade 4 ako nung naging magkaklase kami ni Sean at grade 5 ako nagkagusto sakanya. Lagi akong nagsusulat ng letter kahit ayaw ko nun dahil ang korni, pero talagang pinu'push ako nito ni Jen at sobrang suportado ang maagang paglandi ko. Kaso nung mag gra'grade 6 na kami, lumipat si Sean ng school. Nagkikita parin naman kami, pero nung lumipat na sila ng bahay nawalan na kaming tuluyan ng komunikasyon. Di ko alam kung nasaan na siya - anong school, buhay pa ba siya, may nagustuhan na ba siya - wala akong alam at di pa naman ganun ka-uso ang Facebook. Iniisip ko na lang na LDR kami kahit ako lang naman talaga ang nag a'assume na mutual ang feelings namin.
I am Chrissy Flores, and yes, I want him desperately that after all these years; I'm still searching him.
(A/N)
Hey guys. This is not my first story. Pero ito "siguro" and "sana" yung unang story na hindi ma-istustuck lang sa prologue and chapter 1 hahahahaha. Anyways, don't forget to vote and comment. ;)
BINABASA MO ANG
The Search
Teen FictionMeet Chrissy Flores na umaasa parin sa 5-year crush niyang si Sean De Guzman na halos apat na taon na niyang hindi nakikita. Hindi niya alam kung saan ba ulit siya matatagpuan pagkatapos lumipat ng paaralan bago sila mag Grade 6. Habang tumatagal at...