Chapter 37

5.9K 173 20
                                    

Chapter 37 of Manyak kong Jowa

Shamyka's POV:

Nagising ako dahil sa ingay at usapan mula sa labas. Gusto kong tumayo at tumakas pero hindi ko magawa dahil nakatali ang kamay at paa ko.
Hindi rin ako makasigaw dahil sa tape na bumalot aking bibig.

Pinilit kong alalahanin, kung paano ako nakarating dito.

Kaso base sa naalala ko, si Tyler ang dahilan kung bakit ako napunta sa ganitong lugar.

Oo, si Tyler nga!

Si Tyler na akala ko, kilala ko na.
Na akala ko, totoo ang pagmamahal niya.

But I was wrong.

Dahil siya mismo ang dahilan kung bakit nararanasan ko 'to.

Flashback:

Matapos akong ipakilala ni Tito sa harapan ng mga estudyante bilang fiance ni Tyler, sa roof top kami tumungo ng binata.

Nagawa pa naming makausap si Steven pero masyadong seloso ang lalaki, kaya agad kaming nakarating do'n.

I feel so happy and bless to meet a man like him.
Talagang pinaramdam nito kung gaano niya ako kamahal.

"Alam mo, feeling ko, nasa magandang panaginip ako.", saad ko nang isanday ko ang aking likod sa dingding.

Dito namin napag-isipan na i-celebrate ang party na kaming dalawa lang.

"Akalain mo, nagsimula lang tayo sa text message, tapos hahantong tayo sa ganitong relasyon.", pagpapatuloy ko na may ngiti sa labi.

Tumabi si Tyler sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Maging ako rin, hindi makapaniwala na mamahalin kita.", saad niya at hinalikan ang palad ko.

"--Siguro nga't, destiny nga tayo. We're meant for each other, babe. At nagpapasalamat ako, dahil nakilala kita.", muli nitong turan.

Ewan ko ba, pero sa tuwing sinasabi niya ang katagang ito, naiihi ako.

Naiihi ako sa kilig dahil sa banat ni Tyler.

"I love you, Shamyka.", wika niya ulit.

This time, he faced me.
Nagawa niya na rin na ihaplos ang palad nito sa aking pisngi.

Unti-unti na rin nagdampi ang labi namin sa isat-isa.

Pero yung matamis na halik, biglang naudlot dahil sa isang tawag mula sa cellphone ng binata.

"Wait lang babe, I need to answer this call.", paalam nito kaya marahan akong tumango.

Lumayo siya ng konti at hindi ko narinig ang pinag-usapan nila.

But one thing I know, mukhang seryoso ang pag-uusap ng dalawa.

"Shamyka, dito ka lang. May kailangan lang ako ayusin.", bigkas ni Tyler nang harapin ako.

"Sasama ako.", I insist.

"Mabilis lang ako, babe. Promise, wait me for ten minutes here.", pagtugon niya.

So I don't have choice kundi ang pumayag at piniling maghintay sa roof top.

Kaso, lumipas ang sampung minuto, wala pa rin si Tyler. Hindi pa rin siya bumalik.

Naiinip na tuloy ako sa kakahintay.

Kaya ang ginawa ko, bumaba ako para hanapin siya.

At sa second floor ako napadpad.
Sa second floor, kung saan kausap niya si Anton. Ang kaibigan at ka-miyembro niya sa gang.

I was about to call him, pero dahil sa salitang binitawan niya, nagkaroon ng kaba ang damdamin ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Alam nating lahat na hindi ko gusto si Shamyka.", sambit ni Tyler.

Sa katagang 'yon, kumirot ang puso ko.

Kaya tumago ako para pakinggan sila.

"So taste of the month mo talaga siya?", tanong ng kausap niya.

"Oo. She's my taste of the month. At 'yon ang pakay ko, simula sa umpisa palang.", diretsa nitong sagot.

"Kung sabagay, nabanggit mo pala sa amin na kakamahin mo siya. Minsan talaga, iba ang karismang dala mo.",

My tears slowly fell on my cheeks, because of what I've heard.

Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya noon sa akin, pero yung narinig ko ngayon.

Mukhang pinaglalaruan niya ako.

Pinaglalaruan ako ni Tyler para kamahin lang.

Shit! Ang tanga ko pala!
Ang tanga ko dahil naniwala agad ako sa matamis n'yang salita.

Akma na sana akong aalis para umalis na sa lugar, kaso may panyong tumakip sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.

At alam ko, na kagagawan 'to ng binata para makuha ang katawan ko.
____
End of Flashback
____

Sa mga oras na 'to, malinaw pa rin sa isipan ko ang mga salitang sinabi ni Tyler.

Demonyo siya!
Literal na demonyo siya para gawin 'to sa akin!

Mahina akong napaiyak habang pinipilit kong alisin ang tali sa kamay ko.

But in the middle of the night, nakarinig ako ng tawanan mula sa labas.

Sayang-saya sila na tila may ipagdidiwang na espesyal sa araw na 'to.

"Sabi ni Boss Tyler, pakatapos n'ya raw kamahin si Shamyka, tayo na raw ang bahala sa babae.", bigkas ng isa.

Kinilabutan ako bigla.
Kasabay no'n, ang bilis ng pintig ng puso ko.

"Wooaah! Gusto ko 'yan! Minsan talaga, masyadong mapagbigay si Boss.", wika ng lalaki.

I can't control my tears. Tuloy-tuloy ito sa pag-agos.

Binabalot na rin ng takot ang aking sarili.

All this time, naka-plano na pala ang lahat.

Kinuha lang ni Tyler ang loob ko para pagpiyestahan ako ng mga ka-gang niya.

"Hoy, tama na ang chismisan!",
"--Kunin niyo na ang dilag sa loob dahil kanina pa naghihintay si Tyler. Bilisan niyo, kung gusto niyo ring matikman si Shamyka.", sigaw ni Anton.

Oo, si Anton nga.

Yung kausap niya kanina sa second floor.

Isang malakas na kalampag ang bumukas ng pinto.

Hindi ko makilala ang pagmumukha nila dahil natatakpan ito ng itim na bonet.

Palapit sila ng palapit sa gawi ko, kaya hindi ako mapakali.

Tanging pag-iling ang nagagawa ko dahil hindi ko magawang manlaban.

At ngayon, buhat-buhat na nila ako.

Konting hakbang na lang siguro at ipapasok nila ako sa kwarto.

Pero buti na lang, may isang tao ang s'yang lumigtas sa akin.

Pinalo n'ya ng tubo ang tatlong kalalakihan kaya nakawala ako sa kamay nito.

"Shamyka, are you okay? Sinaktan ka ba nila?", tanong ni Steven na may pag-aalala sa boses.

Hindi ako sumagot, dahil mabilis ko siyang niyakap.

"T-thank you, Steven. Thank you dahil dumating ka.", naiiyak kong turan.

Kung sino pa ang pinag-isipan ko ng masama, siya pa 'tong magliligtas ng buhay ko.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon