Sharpton POV
"aaahhh!!uggh!"sigaw ko habang dinidiinan nya ang ginagawa nya saakin
"ano ba!ang ingay mo!"sigaw ni tanasia saakin
Lumayo naman ako sakanya at pumunta sa sulok
"ang sakit mo naman maglagay ng betadine galit na galit kaba sa sugat ko?"sabi ko dito
"OA kalang talaga ang dahan dahan lang ng pag lagay ko dyan"sabi nito saakin
Hinila nya ako paalis sa sulok at pinaupo nya ako sa kama, tinignan ko sya sa mata at halata nga ang pag ingat nito sa paglagay ng betadine
Grabe! ayun na ang maingat sakanya? Halos pisilin na para bang pinipisil ang pimples sa noo...
"ayan tapos na...wag kang oa lalagyan ko na ng gasa"sabi nito at nilagyan ng gasa ang sugat ko
"pwede ka munang hindi pumasok bukas tutal kasalanan ko naman ang lahat ng ito kung bakit ka nag ka ganyan"sabi nito na nakatingin saakin ng seryoso
Tumango lang ako at inayos ang mga pinaggamitan nyang bulak
"paalam na sharpton mag pahinga ka muna dyan..."sabi ni tanasia at tinapik ang balikat ko
Lumabas na ito at agad ko naman ni lock ang pintuan
"hays!!sa wakas umalis na si santanasia..."sabi ko at malakas na bumuntong hininga
KNOCK!!KNOCK!!KNOCK!!
nagulat ako ng biglang may kumatok ng sobrang lakas kaya nanlumo ako
"sorry!!!hindi na mauulit!!"sigaw ko dto dahil alam ko na narinig ni tanasia
Humiga muna ako para mag pahinga at naramdaman ko ang pagod sa buong katawan ko
Tanasia POV
Hindi ko alam kung lampa ang lalaking iyon o sadyang hindi lang siya nakailag...
Pinindot ko ang elevator at nag hintay ako na bumukas ito
Nang bumukas ito ay nagulat ako kung sino ang nandito
"Tanasia!!"malakas na sigaw nito at hinila ako sa loob ng elevator
"anong ginagawa mo dito?!"malakas na tanong ko kay margo
"cheren!!!"sabi nito at pinakita ang yelo nito na isang plastik at syempre ang mga alak
"lasingera ka talaga!"sabi ko dito at natawa naman ito
"anong ginagawa mo dyaan sa 4 floor eh sa taas pa naman ang apartment mo"sabi nito
Sasabihin ko kaya kung nandito kasi nakatira si sharpton o wag nalang dahil bibisitahin nya ito at dadaldalin ng walang katapusan...
"pake mo ba??trip kong mag lakbay ngayon..."sabi ko dto
"imposible naman yun??kasi diba ayaw mo ng elevator tapos maglalakbay ka pa ng ganito?"sabi nito saakin
"dami mong satsat wag kang papasok ng apartment ko ah"sabi ko dito
"ayy ito naman hindi mabiro...hehehe"sabi ni margo at nag kamot ng ulo
Pumasok kami ng apartment ko at tinambak nya ang yelo sa ref at nag ayos na kami para dito
"let's goo!!"sigaw nito ng maayos na namin ang lahat
Hinayaan ko lang ito mag picture ng mag picture at inayos ko naman ang tv para nanonood lang kami ng movie habang nag iinuman
"mauuna na ko ahh!"sabi ni margo at kumuha na ng alak
"sige lang...."pabulong kong sabi habang nakatingin sa labas
"bat parang ang dami mong iniisip??ilabas mo na yan!!"sabi ni margo
"wala akong iniisip..."sabi ko at uminom narin
"ang galing mo ah nahuli nyo ang clave monales nayan at grabe naman gusto ka pang patayin"sabi ni margo
Sandali naman akong natigilan dahil naalala ko ng dahil doon ay napahamak si sharpton
Tss...ang lalaking yun...
"hmm!"tumango lang ako
"grabe wala kanang sinagot saakin na matino"sabi nito at medyo natawa naman ako sa sinabi nito
"naboboring kasi ako dito iniisip ko kung saan pwedeng puntahan o maglakbay..."sabi ko dito dahil totoo namang boring na boring na talaga ako at maslalo na bukas ay friday at kinabukasan ng friday ay saturday na
"may alam akong puntahan at alam kong interesado ka dito!"sabi nito at pansamantala munang itinigil ang pag inom
"ano?"sabi ko dito at umaasa ako na matino ang isasagot niya
"may na discover akong abandonadong building!!"sabi nito saakin proud nitong sabi
"oh anong gagawin?"sabi ko dito na halatang walang paki sa sinabi nya
"puntahan natin syempre tapos mag video video tayo"sabi nito saakin
Dahil sa sinabi niya ay namimiss ko si clarc dahil siya ang takot na takot pumunta sa mga ganyan at minsan pag pinapakita namin ang video sakanya ay nag papanic ito na kala mo ay mangangain ang video...
Napabuntong hininga ako at tumango tango bilang sangayon sa sinabi ni margo
"aayusin ko na ang camera para ready na sa saturday at mga 6:00 tayo umalis at pumunta doon para madilim..."sabi nito at sinundot sundot pa ang tagiliran ko sa sobrang excited
"bala kana oo pupunta ako pero pumunta ka muna dito sa apartment ko para ihatid ako gamitin na natin ang kotse mo para hindi ko magamit ang gasolina ko..."
"ay nako naman!!gamitin na natin iyang kotse mo sayang naman pagiging jeepney niyan kung hindi mo gagamitin...."sabi nito humalukipkip
Tumango tango lang ako
"sige na sige na.....at tama na itong inuman natin inaantok na ako..."sabi ko dito at humiga
"at wag mong kakalimutan wag malate bukas kung hindi yari ka saakin hindi tayo matutuloy..."sabi ko dito at pumikit
Naramdaman ko naman itong nag ayos ng mga pinaginuman namin
Sana bumalik kana...
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.