Chapter 7

7 1 0
                                    

One of my greatest fear is showing that I am afraid.

Based naman sa mga nabasa kong libro, it is one of the bravest thing you could ever do. Admit to being afraid.

I suppressed my tears not to fall again dahil alam kong pag hinayaan kong tumulo ulit ang luha ko alam kong hindi na ko titigil.

Hindi ko halos maalala kung paano ako nakauwi. All I know is he walked me to our front door then he left.

Ang mas higit na iniisip ko ay bakit ako umiyak? I know it's not because of him. Dahil lang ito sa bigat ng nararamdaman ko.

I shrugged everything that is going on my mind. There's more important things to do instead of thinking about him and thinking what happened.

"Kakain na, Via!" Rinig kong sigaw ni Tita Mabel sa labas ng kwarto ko.

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nagkasalubong pa kami ni Tita ng maabutan ko siyang kinakatok din ang iba ko pang kapatid sa kani-kanilang kwarto.

Bumaba na ako kasabay silang lahat. I'm looking at everyone habang sabay sabay kaming kumakain. Masaya ako na lahat ng kapatid ko ay masaya rin. Alam ko makakaraos din kami at makakabalik sa dati naming buhay.

Hindi biro ang masunugan. Walang natira sa amin. Kahit mga papeles namin ay nawala ng dahil sa sunog.

Kailangan ko palang ipaalala kay Mama na kumuha ng panibagong birth certificate para makakuha ng bagong pasaporte.

I've been planning to study abroad. Naghihintay nalang ako ng sagot sa inaapplyan ko online.

It's my dream to pursue my study abroad. Maganda rin naman ang sistema ng mga paaralan dito sa Pilipinas, pero talagang pangarap ko ang makapag-aral sa ibang bansa.

"Kamusta naman sa eskwelahan, Via?" Tanong ni Tita Mabel habang nagliligpit ng mga kinainan.

"Ayos lang po, Tita. Mababait naman po ang mga prof and mga classmates ko po." Sabi ko habang tinutulungan si Tita sa pagligpit ng lamesa. Ako na ang nagpupunas habang pinagpapatong-patong niya ang mga plato.

"Mabuti naman. Akala ko mahihirapan ka kasi matagal ng nagsimula ang klase. Baka mahirapan kang sumabay." Ani Tita Mabel

"Actually, Tita, pwede po ba ako magpatulong sa inyo? Meron po kasi kaming research, and 'yong topic ko po kasi is to showcase San Ignacio's local products. Sinubukan ko pong magtingin sa books and according po sa history ng San Ignacio, either sakahan ng bigas or taniman ng Mangga ang makikita mo sa San Ignacio." Sabi ko kay Tita Mabel habang tinutulungan siyang maghugas.

Siya ang nagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw.

"Ay oo naman. Paano ba kita matutulungan?" Ani Tita.

"Gusto ko po sana mag-interview ng mga taga rito sa San Ignacio for reference lang po." Sabi ko habang nagpupunas ng kamay.

"Nako, ayun lang ba? Pwedeng pwede. Ang kaso lang ay kailan mo ba kailangan?" Ani Tita.

"Sa susunod na linggo pa naman po ang submission. Pwede po ba kaya sa weekends po  tayo mag-interview?" Nagsalin ako ng tubig sa baso na hawak ko, iaakyat ko nalang ito sa kwarto.

"Oo naman. Sabihan mo lang ako." Ani Tita at ngumiti.

Tumango nalang ako at pumanik na ako sa kwarto ko.

Hindi pa ako masyadong inaantok. Hindi ko din alam bakit pakiramdam ko ay hindi ako mapakali.

Bakit hindi ko makalimutan iyong nangyari kanina? Bakit nararamdaman ko pa din 'yong yakap niya?

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan, gusto kong sumigaw. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari.

Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko.

Para kong masaya na malungkot. Para kong sasabog.

I don't even know why I'm feeling this way.

Why am I keep thinking about his hug? Parang yakap lang. Masyado kong ginagawang big deal. If I know, hindi lang ako ang niyayakap non.

Siguro nadala lang siya dahil umiyak ako. Na-guilty. Tama, baka na-guilty lang siya kaya niyakap niya ako.

Ano ba 'tong mga iniisip ko?

Lilipas din ito.

Nagising ako sa tilaok ng tandang na manok sa labas ng bahay. Pagtingin ko sa orasan ay 5:30 palang ng umaga.

Hindi na din naman ako inaantok ay naisipan ko ng tumayo at magluto ng agahan. Nakakahiya na sila palagi ang nagluluto para sa amin.

Pagbaba ko ay nasa kusina na si Tita Mabel at nagkakape.

"Good morning, Tita." Sabi ko at dumerecho na rin sa may lamesa at nagtimpla ng sariling kape ko.

"Ang aga pa. Hindi ba't alas-nuebe pa ang pasok mo? Hindi pa din ako nakaluto." Ani Tita.

Umiling ako at ngumiti.

"Tita, ako na po magluluto. Nagising po ako sa tilaok ng tandang, hindi na rin naman po ako inaantok, bumaba po talaga ko para magluto." Sabi ko at ngumiti.

Napangiti rin si Tita at tumango.

"O siya, lalabas lang ako, titignan ko lang ang mga alaga. Ikaw na bahala diyan ah." Ani Tita at lumabas na.

Nagsaing nalang ako at nagprito ng itlog at corned beef. Ala-sais ko na ginising ang mga kapatid ko para kumain tinawag ko na din Lola at Tita.

Sabay sabay na kaming kumaen. Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa. Masaya ako na kahit paano ay sama-sama kami at ligtas.

Isa nalang ang hiling ako. Ang bumalik ang lahat sa dati.

I am choosing to be happy. Kahit ngayon lang.

Love And IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon