17: Doubt
LUMABAS NA ako sa banyo. Nahimasmasan na ako. Naabutan kong magkatabi sina Auntie Faith at Tita Rashana. Naririnig kong nagpapaalam na si Auntie na uuwi na siya dahil may aasikasuhin pa siya. Lumabas na siya ng k'warto. Nagkatinginan kami ni Tita, umiwas ako ng tingin. Pinagsisisihan ko na talaga ang mga nasabi ko. Kasi kahit sigawan ko si Tita, hindi naman nakatutulong 'yon para magising si Lola. Nangyari na kasi at walang may gusto. Nagagalit lang talaga ako dahil sa nakita kong ginawa niya sa Lola ko.
"Sorry po sa mga nasabi ko kanina, Tita. 'Yong kalagayan kasi ng Lola-"
"Ayos lang. Naiintindihan ko kung bakit ka nagkaganoon. Hinayaan kong ilabas mo ang lahat. Alam ko naman galit ka sa 'kin kasi sa mga tingin mo noong bata ka pa."
"Pero mali pa rin na nawalan po ako ng respeto sa inyo. Sorry po talaga." Nilapitan ko siya at niyakap. Hindi ko alam bakit ko niyakap ang isang taong malaki ang galit ko. Nakikita ko naman ngayon na sobra siyang nagsisisi. May pagkakamali rin kasi akong nagawa. Marespeto kasi ako sa mga nakakatanda tapos kanina, nawala iyon dahil sa galit. Ginagawa akong ibang tao ng emosyon. Nangako ako na wala akong tatapakan na tao- gaya ng mawawalan ng respeto. Nasira ko ang pangako na iyon.
"Ayos lang 'yon, Carmiah. May natutunan ako sa mga sinabi mo." Nagkalas na kami ng yakap.
"Pasensiya na po talaga. Pero kailan magigising si Lola?" malungkot kong tanong.
"H-Hindi raw alam. Huwag kang mag-alala, patuloy akong mananalangin para sa Lola mo, sa Tita ko." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mo may napagtanto ako sa sinabi mo habang nagagalit ka kanina."
"Ano po iyon?" taka kong tanong.
May masasabi bang makabuluhan kapag galit ang isang tao? Alam ko, wala.
"May pagkakataon na magkakasala ang isang Kristiyano. Pero ang mga bumitaw na salita mula sa 'yo, napagtanto ko na nabigo ako sa pagiging halimbawa sa iba. Nakalimutan ko ang 1 Timoteo 4:12," malungkot niyang paliwanag. "Sikapin maging halimbawa. H-Hindi ko nagawa. Makababawi pa ba ako sa inyo?"
Ibang-iba na Rashana ang kaharap ko ngayon.
"Oo naman po."
Magmamatigas pa ba ako? Hindi ko rin alam bakit ako ganito. Naalala ko si Mariam kasi. Kung siya binigyan ko ng chance, si Tita pa na kamag-anak ko?
"Tutulong ako financially sa pag-aaral mo. Balita ko nasa honors ka palagi. Alam kong hindi mababayaran ang anumang naging kasalanan ko." I smiled. Nagpasalamat ako. Hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang nangyayari.
"Tita, do you really believe in prayers?" pag-iiba ko ng usapan.
"Oo naman. Naniniwala akong nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng tao."
"Pero bakit po may mga hindi natutupad na dinadasal?" Hindi ko talaga naiintindihan ang sarili ko bakit patuloy pa rin ako nagtatanong ukol sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos.
Hindi ka nag-se-settle pa rin sa belief, Miah. You're still in doubt. You're searching for truth.
"Basta ang alam ko lang, lahat ng nangyayari ay ayon sa kalooban ng Diyos."
"Kalooban Niya?"
"Oo. All things work together for our good." Napatango na lang ako kahit hindi ko ganoong naiintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Gusto mo ba sabay tayong umuwi? Magbabantay sa Lola mo ang katulong ko sa bahay. Magdala ka ng mga gamit mo rito kasi masiyadong malayo ang hospital na 'to mula sa 'tin. Ito lang kasi ang pinakamalapit," alok sa 'kin ni Tita. Pumayag ako para hindi ko kailangan mag-uwian para kumuha ng mga gamit. Mas mababantayan ko si Lola.
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
EspiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...