* Thank you for the cover @lipatpahina! The best talaga, e! *
~
Michelle
“Go! Go! Kaya niyo yan! Wooooh! Tambak na kalaban niyo, wa wenta!” ayan ang sinisigaw ko bawat oras na nakakapuntos ang seniors’ basketball team.
“Ahm, excuse me ate. Diba po Juniors ka? E, bakit parang suportadong suportado mo pa Seniors kaysa sa sarili mong team?” tanong sa’kin ng isang pakielamerang Sophomore. Ano bang pake neto?
“Hmm, eh ikaw? Bakit mo ako kinakausap? Kilala ba kita?” ayan, tinarayan ko tuloy, ayun walkout. HAHAHA. Bait ko talaga.
Syempre, suportado ko ang Senoirs kasi.. kasi..
“Uy Michelle!” rinig kong sigaw ni Safy, bestfriend ko.
“Oh bakit? Bakit parang dismayadong dismayado itsura mo diyan?”
“E, talo na tayo dyan sa basketball boys e. Ang gagaling kaya ng Seniors,”
“Aba’y syempre, andyan si Jojo at…,” di ko alam kung itutuloy ko pa ba tong balak kong sabihin.
“At?”
“At yung mga ka-teammates niya! HAHA. Oo, lahat sila magagaling,”
“Naku naku. Osige, sabe mo eh,”
Last minute na ng 4th quarter at tambak na tambak na ang Juniors. Kawawang mga nilalang. Bago ituloy ang 30 seconds remaining na time ng game, nag-time out muna. Nagulat ako ng sabay na palapit sa’kin si Jojo.. at si.. at..
Bigla nalang hinablot ni Jojo, boyfriend ko, ang hawak kong tubig. Hay, kahit wet look napakapgwapo pa din talaga oh.
Nakita ko naming pawisan ng sobra si.. si.. si ano…
“Uy, Michelle! Bakit tulala ka dyan?” tanong ni Jojo sakin.
“Ah, eh, wala. Uy galingan niyo na ah! Kaya niyo yan. Kayo pa!” at bigla naman niya akong hinalikan ng bahagya sa aking kanang pisngi. At tapos na ang time out nila. Balik na ulit sa game.
Sayang lang, hindi ko man lang naabutan ng bimpo si… si… Antony.
Nagulat kaming lahat ng madulas sa court si Antony. Lahat ng Seniors ay nagtakbuhan sa gitna ng court para tulungan siya. Kahit na gustong gusto ko siyang puntahan, hindi ko magawa, nakakahiya kasi sa mga Seniors kung ako lang ang Juniors doon.
Pero kahit nangyare iyon, naituloy pa din ang laro. At sa huli, ang Seniors ang nanalo.
Pagkatapos ay agad na lumapit sa’kin si Jojo. At.. talagang naghubad pa ng jersey sa harap ko?! Nagpalit na siya ng shirt at saka ako hinawakan sa kamay.
“Ano? Ayos ba?”
“Ah..eh, oo galing niyo nga eh! Hm, Jojo tara puntahan natin si Antony sa clinic,”
Bigla siyang napatingin sa’kin.
“E, bakit parang namumutla ka masyado dyan?”
Gusto ko mang sabihin na sobra akong kinabahan sa nangyare kay Antony, di ko naman magawa.
“Ah, wala lang. Pagod siguro kaka-cheer. Hahaha!”
Hindi ko nalang pinahalata sa kanya yon. At agad na kaming nagtungo sa clinic kung san andun si Antony.
Habang papalapit kami ng papalapit sa clinic, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan. Daig ko pa nanay netong si Antony, e.
Hanggang ngayon nga e, dala dala ko pa din yung bimpo na sana iaabot ko sa kanya kanina. Nung Makita ko na si Antony, nakahinga na ako ng maluwag. Buti’t walang masyadong nangyareng masama sa kanya bukod sa sugat sa tuhod niya.
BINABASA MO ANG
MVP | oneshotstory
RomanceAn extraordinary basketball lovestory. Paano kung may mahal ka pero hindi mo naman pinapahalagahan? Paano kung may mahal ka pero hindi niya naman alam? Paano kung all this time, nakakulong kayo sa isa't isa? Anong ng mangyayare sa inyo? Nganga nalan...