Oh di ba? Magkasunod na araw ang aking update! Hahaha! Dapat matuwa kayo sa akin! ahahaha!
PS: Huwag niyong batuhin ng patatas si Mervin. Balatan niyo na lang. Hahaha!
-L
----------------------------------------------------------------------------------
Despite of all the things na nangyari, I still can't believe that I'm able to put up with the player.
Surely hindi siya yung pag sinabing playboy eh kung ilang babae na ang makikita mong inaakbayan niya sa inaraw araw. Yung tipong tinatawag na casanova or perhaps a womanizer at may terminology pang nalalaman na flavor of the week dahil wala naman akong nakikitang sinasabayan niya lagi or perhaps pini-PDA niya.
Sa tingin ko eh masasabing player siya kasi inientertain niya yung mga babaeng lumalapit sa kanya. He's sweet to them and he makes them feel na pwedeng pwede nila siyang lapitan any time at natutuwa siya pag nilalandi siya ng mga babae.
Like I care right??
Pero yun lang, wala akong alam sa life style niya so who am I to even judge him? But that doesn't mean na wala na akong karapatan para magbigay ng sarili kong opinyon.
It's the end of the day. Uwian na naman at dalawang araw na lang bago ang hinihintay nilang student ball. Busing busy ang mga estudyante at hindi na naman magkandaugaga sa topic nilang 'What to wear?', 'What should I do with my hair?', at ang pinakamatindi, 'Who am I going to date??'. Akala mo naman kung andaming nagtatanong sa kanila para makadate nila sa pesteng student ball na yun?
Try nilang magpakalbo para hindi nila problemahin yung gagawin nila sa buhok nila o magpagawa ng gown na gawa sa sako para naman may pagkacreative ang ball at hindi na masyadong gasgas sa ball gowns. Why not gather indigenous materials tapos ipagtagpi tagpi nila para makagawa ng isusuot nila? At least di ba? Nakakatulong pa sila sa pagpigil sa global warming. If I'm even making sense.
That's funny if you think about it.
"Tara uwi na tayo." lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Tommy na nakatayo na sa tabi ko. Tatango na sana ako ng maramdaman kong may humila sa akin at akbayan ako.
"Sorry, may kasama na siyang uuwi eh." napatunghay ako at nakita ang mukha ni Mervin.
Last time na nakasama ko to ay pinag-awayan lang namin ang tungkol sa co-existence ng babae at lalaki and that was old news at hindi niya na ako inasar nung maubos niya lahat yung binili niyang pagkain. Can you believe that? Ano kayang klaseng tyan meron ang lalaking to? May pinapakain atang halimaw sa loob ng katawan eh. As for me, yung ice cream lang ang kinain ko dahil nabusog na ako sa hinain sa akin ni Tommy na cake.
That was yesterday and he didn't bother me sa araw na ito dahil busy siyang nakikipaglandian sa ibang estudyante. Not that I care. Okay nga yun eh nakapagpahinga ako. Yun nga lang nung akala kong matatapos na ang araw na hindi niya ako pakikialaman eh ngayon naman bigla bigla na lang sumusulpot.
"Ah ganun ba? Sige kita na lang tayo bukas." sabi ni Tommy bago tumalikod at maglakad palayo.
Tinanggal ko naman agad ang pagkakaakbay ni Mervin bago siya harapin. "Ano bang problema mo ha?"
"Wala. Bakit may dapat ba akong problemahin?" Tanong niya na parang napakainosente niya at wala siyang nakikitang mali sa ginagawa niya.
"Ginagawa mo ang mga bagay na alam mong ikaw lang ang makikinabang." sabi ko sa kanya. I don't know where this is coming from basta lumalabas lang sa bibig ko.