One bed, different covers.
Byul POV
"Goodmorning, love." nakangiting bati nito sakanyang girlfriend nang magising.
Dahil sa sama ng loob ni Ryujin kagabi, umuwi silang hindi naguusap at mabilis na tinulugan lang si Byul.
"Grabe, love." pinilit niyang ngitian si Byul sa kabila ng lahat ng nangyari sakanila kahapon.
"Ang lapit mo lang, pero bakit parang ang layo layo mo?" diretso itong tumingin kay Byul na kasalukuyang nakatingin din naman sakanya.
Byul sighed deeply at mas lalong lumapit kay Ryujin para yakapin ito ng mahigpit. "I didn't mean to make you feel that way. I'm sorry." malungkot na pagkakasabi ni Byul.
Ryujin looked to the ceiling. Nakatulala lang itong nakatingin sa taas bago muling sagutin si Byul.
"Hindi naman ito yung unang beses na pumunta ka ng kwarto ko. Pero this time, it felt different. I didn't mean the other way though, pero iba talaga yung nararamdaman ko ngayon." Ryujin smiled sadly.
Kung noon, sa tuwing tatambay sila sa kwarto ni Ryujin ay wala ibang ginawa ang dalawa kundi tumawa ng malakas at ngumiti sa isa't isa.
Ngayon naman, ay para bang tila naubusan na sila ng sasabihin sa isa't isa at tanging katahimikan ang bumabalot sa dalawa.
"Tara na, love. Ipagluluto kita ng favorite food mo. Malapit na dumating parents mo, oh." pagyaya ni Byul to dodge the situation.
Kahit walang gana si Ryujin ay tinulungan itong tumayo ni Byul atsaka pinasampa sa likod niya.
"Piggyback ride? Katulad nung dati?" Byul smiled widely at Ryujin to lessen her lover's pain.
At hindi nga siya nagkamali, dahil kahit paano ay ngumiti si Ryujin even if it didn't reached her eyes.
Nagsimula na itong sumampa sa likod ni Byul at mabilis namang tumakbo si Byul pababa sa kusina habang sakay sakay si Ryujin sa likod niya.
"Hahahaha. Ang cute mo, love. Para ka paring bata." natatawang sabi ni Byul nang bumaba na si Ryujin sa likod niya.
Hindi ito sumagot pabalik kay Byul at umupo lang sa table na malapit sa kusina para hintayin ang ihahandang pagkain ni Byul sakanya.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...