KINABUKASAN, mayroong mass sa school kaya kaming nasa second floor eh nag hakot ng mga chairs para may upuan naman kami sa baba,
“tulungan na kita shine” sabi ni mokong ng Makita niya akong nag bibitbit ng upuan . di ko siya pinansin at tuloy tuloy na bumaba kaya mabilis niyang hinawakan ang upuan at akmang kukunin ito sakin “kaya ko na nga ito, ano ba!”singhal ko sa kaniya , feeling close kasi eh, “no, ako na , ayoko kasing Makita na nahihirapan ka” maloko niyang sabi sakin at ang mga kaklase ko naman ayun tinukso na naman kami
“bibitawan mo? O ihahampas ko tu sayo” naiinis na ako huh ubos na pasensya ko sa taong tu kaya ayun ng hindi niya binitawan sumigaw ako, kaya sa takot siguro binitawan niya rin . hmmm pag ako nainis talaga hahampas ko tu sa kaniya eh.“PEACE be with you” sabi ng kaklase ko sakin at ng peace be with you na rin ako. “kiss be with you”nanindig ang balahibo ko sa bumulong nun sakin at ng lingunin ko ayun nga walang iba kundi ang hampas lupang si Justine. Inirapan ko siya at dali-daling umalis doon , bastos yun ah!
LUMIPAS ang mga araw at buwan, ayun pa rin wala pa ring tigil si Justine sa pangungulit sakin at feeling ko dumoble ang edad ko na 16 sa iritasyon sa kaniya.
“wala na kami lex” papasok na ako ng room ng marinig kong nagsalita si Justine kaya hindi muna ako pumasok at nakinig muna ako, yeah it’s bad to eavesdrop pero kasi curious lang ako, may girlfriend pala tung siraulo na tu?
“huh? Kailan lang? sagot naman ni alexa na kaklase rin namin pero close na sila ni Justine matagal na. “palagi kasi siyang nagseselos at nagdududa at saka napapagod na ako” wow ang kapal naman ng mukha neto kung mag emote pero teka?may girlfriend siya ?hahah ulit ulit reighn? Di ko na lang yun pinansin at pumasok na , nabigla pa siya ng Makita niya ako, duhh? Ano akala nito sakin? Multo? Hmmmp nag open na lang ako ng facebook ko at maya-maya lang may nag chat sakin,
“hi ate, kaklase mob a si Justine? Girlfriend niya tu” na shock namn ako kaya ng reply ako ng “oo bakit”
“ate, pakisabi naman sa kaniya sorry at I LOVE YOU” HUWAT??!! Seryoso ba tu? Ba’t ako?
“uhmmm wala ako sa posisyon para makisali sa relasyon nyu” lito kong sabi at hindi na siya ng reply pa. napatingin naman ako kay Justine dahil doon , ang kumag feeling naman masyado tu , ano ba nagustuhan ng girlfriend nito dito eh mukhang kasumpa sumpa naman ito?
Maya-maya lang nag reply yung gf niya sabi”ate sorry sa abala pero okay na” wow ang bilis naman kaya dahil mabait ako, nag reply na lang din ako ng walang anuman at ayun kinwento niya sakin kung bakit niya nagustuhan ang mukhang koto na si Justine, kesyo matalino daw, caring , sweet, at lhat na siguro ng adjectives sa mundo nabanggit niya at hindi pa yun, si Justine daw ay isang endangered species dahil bihira daw ang lalaking ganito ang ugali, oh well wala akong pakelam, maya-maya lang nag stop na rin kami sa pag cha chat, haays buti naman, .Haay nako biruin nyu si Justine na mukhang kolokoy eh may girlfriend pala. Haha.
“guys practice tayo mamaya sa p.e subject natin ah , kita na lang tayo sa park after class” anunsyu ng kaklase ko . kaya pagkatapos ng klase dun na lng kami dumeretso, nagpapractice kami ng may nag hanap kay Justine kaya ng excuse muna siya.. “uy reighn yun ba girlfriend ni Justine?”biglang sulpot ni kyle, “ewan ko, di ko alam.”tugon ko sa naiinis na paraan, hmmp di ko nga alam din kung bakit ako naiinis eh! “uyy may nag seselos” tukso nit ups sakin, inirapan ko lang siya, bakit ako mag seselos dun? Eh mas maganda naman ako, haha anudaw??
Ilang minuto na ang lumipas at di pa bumabalik si Justine kaya ng take a break muna kami, bumili kami ni alexa ng juice at pabalik na kami ng makita namin ang gf ni Justine na umiiyak, linapitan ito ni alexa at ianlo dahil mukhang close namn sila at nauna na akong naglakad pabalik at hinayaan sila, habang pabalik ako, nakita ko si Justine na parang naiinis, sinulyapan nya ako at di pinansin at umalis na,nainis ako sa kaniya dahil ang lakas ng loob nyang magpa iyak ng babae, .nagkukuwentuhan kami nina kaye ng bigla na lang nagsalita si Justine, “oh? Ano? Hindi na tayo mag papraktis at magkukwentuhan na lang kayo ?di sya nakatingin sa side naming pero alam ko na kami ang tinutukoy niya, “bakit ? umangal ba kami ng umalis ka at almost 20 minutes di nagpakita? Inis kong sagot sa kaniya, “may kinausap lang ako” suplado niya pa ring sagot. “kinausap? O pinaiyak? Hamon ko rin sa kaniya, tinitigan ko siya sa mata ng kasing talim din ng titig nya sakin. .”tssss” yun lang ang sinnabi nya at umiwas na. kakainis huh ano akala nya? Papatalo ako sa kaniya? Kung may problema siya, aba wag nya kami idamay nu. Pinagpatuloy na naming ang pag papraktis at nag decide na ituloy na lang bukas dahil mag gagabi na.PAGPASOK ko kinabukasan, nakita ko si Justine na nakaupo sa likuran, inirapan ko siya at nag tuloy tuloy na sa chair ko. Nagulat ako ng bigla siyang lumitaw sa harap ko at sabay poke sa forehead ko,”goodmorning shine, sorry kahapon,” sabi niya at umalis na, natulala naman ako dun, sinapian ba yun? Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Napaka unfamiliar nito para sakin eh. Kinikilig ba ako? Ay wag reighn dapat badtrip ka , pero hindi ko mapigilang ngumiti eh, hay ewan para naman akong timang nito.
“goodmorning class” napabalik lang ako sa katinuan ng marinig ko si miss . “you will be having a film making and you create your group” so as usual kumuha na ako ng papel at naglista ng mga parati kong kasama kabilang na si Justine, ewan ko ba pero parati kaming magka groupmates nito, “nalista mo na ako vave?”hirit naman ni Justine at imbis na mabadtrip ako eh parang gusto ko ngumiti , kaya imbis na mapangiti ako eh inirapan ko na lang siya. “tinignan naman niya ako ng matagal kaya hinampas ko sa kaniya ang papel , para naman kasing matutunaw na ako dun eh, haays ang init.
“so guys sa Saturday tayo mag sho --shoot sa lugar ng bestfriend ko huh , okay lang ba sa inyo?”tanong ko sa groupmates ko. “ayus lang sakin, basta kasama kita” malokong saad ni Justine sabay kindat sakin, haays ewan pero parang napapangiti ako na ewan ko kaya yumuko na lng ako.
Juskooolord wag naman sana ako mahulog sa taong ito🙄🙄
YOU ARE READING
Love You Until The Sun Set
Teen Fiction"Does opposite do attracts ?" "Yes" "No" Sabay na sabi ng dalawang tao . Magiging maganda ba ang kanilang kwento? Kung sa simpleng bagay hindi sila magkasundo?