Dedicated to Dioreena Badel dahil pinaramdam nya ulit sa akin ang feeling ng isang bata. XD
************************************************************************************************************
Mabilis lumipas ang panahon at ang oras. Sa isang maikling sandali, hindi mo namalayan na tumanda ka na pala. Pero kung babalikan natin ang nakaraan, matatawa ka na lang sa mga pinaggagagawa mo noon. Pero dahil nga sa ikaw ay isang musmos na bata, inosente at malayang gawin ang mga bagay-bagay, ang mga ito ay nagsilbing magagandang ala-ala, na minsan gusto nating balikan.
Masarap maging bata kung nalaro mo ang Patintero, luksong baka, follow the leader na siguradong babalian ka ng buto, bato-bola, tumbang preso, piko, amagan, step no, Chinese garter, ten twenty, mataya-taya, tagu-taguan, doctor kwak-kwak, kabilugan ng buwan atbp. At ang pamatay na time pers pag pagod na.
Eh yung larong “pass the message” na di mo namalayan na tapos na pala? Yung “Concentration needs the rhythm concentration now begin” at saka yung “we gonna kick, open, side by side”
Tanda mo pa ba yung mga paper dolls mo at bahay-bahayan na minsan yung iba gawa pa sa sako? Eh yung mga pato mo? Yung teks mo at tau-tauhan? Isama mo pa yung pogs at laste o goma. Yari paba yung tirador mo at pakboom? Ilang papel ba ang sinira at binasa mo pangbala lang sa bolpen mo? Syempre yung mga saranggola at guryon na ginawa mo na minsan gumegewang pa kaya tatalian mo din ng plastic yung isang dulo…
Syempre mawawala ba naman ang mga larong Sarah-sarah prinsesa Lavinia-lavinia inggitera, Loti-Loti iyakin, Ermengard-Ermengard bobohin, Ms. Amelia mapagmahal, Miss Minchin, mukhang pera. Wansapanatym is a valentine tell me the letter of your crush. Sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak dadaan ang reyna kekembot kembot pa, abum tiyayabum tiyayabum yehey, boom! Penpen desarapen de kutsilyo de almasen, how how de karabaw de batutin, sipit namimilipit, gintot pilak namumulaklak sa tabi ng dagat, saya kong pula tatlong pera, saya kong puti tatlong salapi, singsing wa, singsing wa miss Philippines tatlo ang ngipin. Langit lupa, impiyerno,im-im-impiyerno, ang langit ay syang mabait, ang lupa ay syang masama, alis bisaya, alis! O kaya saksak puso tulo ang dugo, patay-buhay. Syempre ang infamous, LondonBridge is falling down, falling down, falling down, LondonBridge is falling down, my fair lady (my first lady pa nga yung iba) pagkatapos maghihilahan na kayo.
At ang pambansang kanta, bahay kubo na may ibat-ibang version pa, tapos may papalo-palo ng kamay, change partner at may paupo-upo pa.
Eh yung mga kalokohang kanta? Gaya ng Voltes five lima silang, nagnakaw ng papaya… nahuli ni mang tsuper, napautot, napatae, kontra bulate…
Eugene, Taguro, Jeremiah, Jerico, Lupin III minahal si Fujiko. Saludo kami kay Son Goku pati na kay tito Piccolong pogi/nemic
Teeny Weeny, dipsy, lala, Poo-**
Syempre, iba-iba ang version ka da lugar pero pag nilaro nyo nayan, hindi bat masaya ulit maging bata?
(Pustahan tayo, napakanta kayo! Ahahhaha)
Masarap maging bata kung ginawa mo ang kumanta sa harap ng electric fan at feel na feel mo pa. Binuksan-sara mo ang ref para makita kung namamatay ba talaga ang ilaw pag sinara ito (napatunayan mo na ba?). Bumili ka ng maraming chichiria, chocolate at candy tapos gumawa ka ng cake o pinagsama-sama mo sila. Syempre kasabay nun, ginawa mong alak ang softdrinks at sigarilyo ang mikmik o pulbo… Ginawa mong pera ang balat ng candy at kwintas o singsing ang dahon ng kamote at ginawa mong mantika ang gumamela. Syempre ang paborito sa kainan, eh ang pagkain ng nectar ng santan.
Naaalala mo pa ba nung bata ka kung papaano ka magpunas ng sipon? Kung hindi sa damit sisinga eh papahirin lang ito mismo sa mukha. Mas gusto mong maligo sa ilog o poso tapos magdadala ka ng madaming plastic at gagawa ka ng tinatawag na shower (pupunuin ng tubig ang plastic at pagkatapos ay bubutasan) o di naman kaya ay tatanggalin nyo ang pagkakasabit ng bunganga ng poso saka nyo bobombahin ng malakas para sumabog o kumalat ang tubig nito.
Masarap maging bata kung naniwala ka na lalabasan ng kalabaw ang sugat mo. Di ka na lalaki kapag di ka natulog sa tanghali o kaya naman kapag nalakdangan ka. Ihahalo ang dugo mo sa ginagawang tulay kaya huwag kang lalabas. Pero ang isa pa sa nakakatuwa, eh yung bawal kang magpula kapag Mahal na Araw (Semana Santa) dahil paniguradong hahabulin ka ng mga hampas (Yung mga walang damit tapos puro dugo yung likod kasi hinahampas nila minsan ng kadena o kahoy bilang panata).
p.s. kanino ka nga pala nakipagpalit ng ngipin?
daga daga palit tayo ng ngipin, sayo maliit, akin malaki, sayo bulok, akin matibay/malaki!
Masarap maging bata kung napanuod mo ang trending na Teletabis, si Teeny Weeny. Dipsy, Lala at Poo. Aba, baka may costume ka pa nyan. Eh si B1 at B2 ng Bananas in Pajamas, kasama pa si Amy, Lulu, Morgan at Doding daga. Eh yung mga Pinoy na palabas gaya ng Hirayamanawarin, Sineskwela, Bayani, Wansapanatym, naaalala mo pa ba?
Sikat din ang mga anime noon, gaya ng Bioman, Voltes 5, Blueblink, Akasuki Chacha, Zenki, BTX, Mask Rider Black, Time Quest, at iba pa.
Syempre yung mga kanta sa mga anime at cartoons gaya ng Heidi, Heidi… at saka, oh oh oh Charlotte, tanglaw kang maniningning oh oh oh Charlotte… mahal kong ina, mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina. At sino ba naman ang di makakakilala kay Daddy Long Legs, Sarah ang munting prinsesa at Cedie, ang munting prinsipe?
Minsan nga, hindi bat ginagaya pa natin yung mga character gaya ni Goku. Tapos maglalaban-laban kayo parang nagkakarate lang, may mga nalalaman pang super powers at Kame Hame Wave na gagayahin natin tapos kunyari tatalsik yung kalaban.
At ang malupet?.... kinabisado mo ang mga dragon ni Recca…
Masarap maging bata kung pinapak mo ang Milo o Ovaltine sa halip na timplahin, ginawang lipstick ang Pintura (yung bubblegum), at alam mo yung kantang “isa pa… isa pa… isa pang chicken joy” tapos nakataas pa yung hintuturo mo habang kumekembot. Yung daliri mo, pinuno mo ng pritos ring, bumili ka nga maraming Smacku dahil nagbabaka sakali ka na makakuha ng 5 piso dito. Inilagay mo sa ngipin mo ang foil ng chocolate...
Masarap maging bata kung tutuusin… bukod sa hindi pa pinoproblema ang problema ng mundo, nararanasan mo ang magandang side ng buhay. Sana ganun din ang mga bata ngayon at hindi lang puro gadgets ang hawak. Turuan natin silang maranasan ang mga bagay na naranasan din natin at sigurado ako, pagdating ng panahon, sila naman ang tatawa sa tuwing maaalala nila kung gaano naging kasaya maging bata.