Habang nasa biyahe papunta sa bahay ni Delfin ay iritang-irita naman si Sarah dahil totoo pala na wala sa modernong sibilisasyon ang lugar nang kanyang ama. Pinagmamasdan niya ang lugar at mga tao mula sa bintana ng kotse. “Anong meron sa lugar na ito kung bakit hindi maiwanan nung lalaking yun?!? Dahil sa lugar na ito, nasira ang pamilya namin!!!!” galit na galit ngayon ang utak ni Sarah. Pinagmamasdan naman siya ni Gerald sa salamin. Pa-sulyap sulyap habang nagdadrive at napansin naman ito ni Sarah.
“Anong tinitingin-tingin mo dyan?” pagsusungit na sabi ni Sarah.
“Wala ho Mam. Napansin ko lang na malalim ata ang iniisip ninyo.” ang tanging nasabi ni Gerald.
“Ganto ba talaga dito?!? Ang init init!!!” hinubad ni Sarah ang vest na kanyang suot.
“Eh Mam summer ho kasi diba?” totoo at mejo pilosopong sagot ni Gerald.
“Oo nga naman. Pahiya ako dun ha!!! Hmmm….” sabi ni Sarah sa kanyang sarili at iniba ang usapan. Kinuha niya ang kanyang cellphone. “Ano ba yan!! Walang signal!!! Ano bang klaseng lugar ‘to?!? Old school!!!”
“Dun po sa hasyenda, malakas ang signal. Panigurado po yan Mam! Tsaka pagpasensiyahan niyo na po itong lugar namin. Masaya naman dito!” pagmamalaking sabi ni Gerald. “Ay Mam, kung hindi niyo po mamasamain, pwede ho bang magtanong?”
“Hindi tayo close! Tsaka, I want to sleep. Paki-tapat naman yung aircon. Ano…” hindi alam ni Sarah ang pangalan ni Gerald.
“Gerald po, Mam Sarah. Sorry po. Sige, hindi na po ako magtatanong.” sabi ni Gerald at itinapat ang aircon kay Sarah. “Hay!! Ang sungit naman talaga nito!!! Sayang maganda ka pa naman!!! Crush na sana kita eh!!!” itatanong sana ni Gerald kung bakit ngayon lang sila ulit magkikita ni Sir Delfin.
Nagpatuloy ang kanilang byahe. Mahaba-haba pa ang kanilang dapat lakbayin. Mahimbing din ang tulog ni Sarah at maya’t maya at sumusulyap sulyap si Gerald para tingnan si Sarah na natutulog. “Mukhang anghel. Ang ganda niya pala talaga. Sana natutulog nalang siya palagi.” ito ang mga naglalaro sa isip ni Gerald. Natigilan siya sa pagtitig nang tumunog ang cellphone ni Sarah at nagising ito para sagutin.
“Hello Mom!!! I miss you!!!” sabi ni Sarah habang kausap si Divine at nakikinig naman nang bahagya si Gerald.
“I miss you too baby. Nasan ka na?”
“Well I’m still on the road. Ano bang klaseng lugar ‘to!! Malayong malayo sa Manila and of course sa states!!!”
“Pag-tiisan mo nalang Sarah. Ito na rin siguro ang right time para makapag-bonding kayo ng Daddy mo.”
“No way!!! Please!!!”
“Sarah, remember kung ano ang bilin ko sayo? Wag na wag mong sasagut-sagutin ang Daddy mo ha? Daddy mo pa rin siya.”
“Okay. Mommy, could I call you later kapag andun na ko? I just have to do something. Hindi ko na kaya.”
“Okay baby.”
“Could you please stop?” sabi ni Sarah dahil naiihi siya hindi na niya kaya.
“Nako Mam delikado! Nasa highway po tayo!!!” sabi ni Gerald.
“I don’t care!!! Just stop!!! I need to pee!!!!!!!”
“Pee?? Ano po yun Mam???”
“Oh my God Gerald!!! Naiihi ako kaya itabi mo na!!!!!!! Bago pa sumabog ang pantog ko!!”
“Yun naman pala eh. Pwede namang mag-tagalog. Ini-english english mo pa ko dyan!” sabi ni Gerald sa kanyang isip. “Teka lang ho Mam itatabi ko na!”
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)
FanfictionIt is a summer that you won't ever forget. A summer that can last forever. Join Sarah and Gerald in their road to love as they met and be in love in an unexpected time and place. How can love go wrong and be so powerful?