Amore 8

7 1 0
                                    

Hayden's POV

It's almost 4pm ng natapos akong maglibot sa bahay at chinicheck ko kung ano ang dapat baguhin at ang dapat ibalik sa dati nitong puwesto.

Dumating na rin kanina yung sinabi ni ate.

Umupo ako sa couch dito sa sala to have some rest. Ilang minuto rin akong nakaupo doon nang maisipan kong magjog dahil hapon na naman.

I went upstairs to my room to change my clothes. When im good to go bumaba na ako at lumabas nang bahay.

"Magjo-jogging lang po ako kuya." I told the guard.

"Okay po" he said at pinagbuksan ako nang gate.

Nang makalabas ako nang gate, I saw a girl looking at our house specifically in the terrace. Siya yung babaeng nakita ko kanina na nakita ko rin sa school kahapon.

Lumakad ako papunta sa kaniya. Dahil nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.

"Are you looking for me miss?" I said nang makalapit na ako sa kaniyang kinatatayuan. Ang sarap niya talagang inisin.

"What are you doing here?! Are you really following me?" Galit na sabi niya sa akin. Hahaha ang feeling talaga ng babaeng ito.

"Ooops teka lang miss i'm not following you. Kahapon mo pa ako inaaccuse niyan ha." I said at tinaas ko ang dalawa kong kamay as a sign of surrender.

"Then why are you here?" She asked angrily na konti nalang at mananakit na talaga to.

"Simple because that's my house." I said while pointing at the house near us.

Bigla siyang namutla na parang nakakakita nang multo. Pinigilan ko ang tawa ko dahil baka ano pang gawin sa akin ng babaeng to.

"Fine. I have to go. Bye" bigla niyang sabi at mabilis na tumakbo paalis.

"Nice to see you miss tanga" I shouted. I have to know her name next time na makikita ko siya.

I look at her until sa wala na akong nakita saka ako tumalikod at sinimulan na ang pagjo-jogging.

Mae's POV

"Nice to see you miss tanga" he shouted nang makalayo-layo na ako pero hindi ko na pinansin.

Nakakabwisit talaga ang lalaking yun.

Nang makarating na ako sa bahay pumasok ako agad. Nakita ko si manang sa may sala na naglilinis.

"Manang nandito na sina mommy?" I asked her.

"Wala pa iha." She answered.

"Ah ganun po bah. Akyat na po ako." pagpapaalam ko kay manang at umakyat na ako.

Pagkadating ko sa room ko nagshower ako agad at nagbihis.

Nang matapos na ako ay humiga ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko and open my messenger. Inisip ko kung sasabihin ko ba sa mga kaibigan ko ang tungkol sa nangyari kanina.

I opened our group chat na maraming messages na hindi ko na binasa dahil nakakatamad. I was typing nang naisip kong 'wag nalang sabihin tutal hindi naman yun importante.

I close my messenger and inopen ko ang facebook ko at nagscroll- scroll doon nang biglang may kumatok.

"Hindi po yan nakalock." I shouted para marinig nang kumatok.

The door open and Yaya Linda showed.

"Dinner na po." she said.

"Ok yaya susunod na po."I said at bumangon na.

Nang marating ko na ang dining area nandoon na sina mommy at daddy.

"Goodevening po. Andito na pala kayo." I said as I kissed their cheeks bago umupo sa harapan ni mommy.

Kumukuha na ako ng makakain nang biglang magsalita si dad.

"How was your day? " He asked.

"It's good dad. I enjoyed Jade's company. " I said at sumubo na.

"You'll always enjoy anyone's company kapag paglalakwatsa na ang pag-uusapan." Biglang sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kaniya. She's looking at me nang may galit sa mga mata kaya tumingin nalang ako sa aking pagkain. May sasabihin pa sana siya but dad cut her off.

"Hon, stop it, we already talk about this." He said.

After nang sinabi ni dad wala nang niisa sa amin ang nagsalita. Ngayon lang si mommy nagalit sa akin nang ganyan but I don't know what to do hindi ko rin naman kayang gawin ang sinasabi ni Jade kanina.

Nang matapos na akong kumain tumayo na ako.

"Im done, sa kwarto lang po ako." I told them. Tumango lang si dad.

Nang makarating ako sa room ko nagtoothbrush ako at pagkatapos humiga na sa kama.

Pagkahiga ko naisip ko ang sinabi ni Jade kanina. She has a point too. Pero ngayon nga na ganoon lang ang galit na pinapakita ni mommy hindi ko na kaya, paano pa kaya kung mas galit pa.

Biglang tumulo ang mga luha ko kaya pinunasan ko agad.

May biglang kumatok kaya napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at iniluwa si daddy.

"Dad." Mahinang sabi ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama.

Umupo si daddy sa tabi ko and he gave me his usual smile.

"I know nasaktan ka sa sinabi nang mommy mo." He said.

"Okay lang yun dad." I said at yumuko ako para hindi niya mabasa ang emosyong pilit tumatakas.

"Alam mo kasi, gusto lang niya na mapabuti ka kaya siya ganun. Pagpasensyahan mo na ang mommy mo okay? Don't worry we already talked about it." He said.

I look at him and said "Thank you dad." And I hug him. When he hug me back hindi ko na napigilan ang luhang nais kumawala kanina pa at napahagulhol ako.

Hinayaan lang ako ni daddy sa ganong posisyon.

Nang tumigil nang umagos ang mga luha ko, ako na mismo ang kumalas sa yakap ni dad.

"You okay now?" He asked. I just nodded at humiga na ako.

"Huwag ka nang umiyak ha, dadating yung mga pinsan mo bukas they'll be staying here for a week." He said habang kinumutan ako.

"Sinong pinsan dad?" I ask him.

"Sina kuya Joseph mo." He answered. Matagal nang hindi umuuwi sina kuya ah buti't naisipang umuwi rito sa Pinas, nasa California kasi sila ngayon doon na sila nakatira.

"Ah okay dad. Goodnight po." I said.

He kissed my forehead and said "Goodnight too my princess, i love you."

"I love you too dad." I said nang papikit na.

Siguro dahil sa pagod at pag- iyak kaya nakatulog ako agad.

We Were Once EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon