↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❶❶ᙬ
༐
╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗"𝕬yan! Natapos din!" Pinagpagan niya na ang kamay niya matapos maikabit ang huling tali ng kulay pulang bandiritas malapit sa hardin nila maliban doon ay naisabit na rin ni Luirica kanina ang mga kableng may maliliit na bombilya rito kaya naman halos ayos na ang lahat.
"Napabilib mo ako Ms. Avinir para na talaga tayong may okasyon na gaganapin dito bukas." Nakangiting puna ni Luirica matapos nitong ilapag sa lamesa ang meriendang banana cue niya saka ito tumayo sa tabi niya.
"Talaga Luirica? Maganda? Buti naman kung ganu'n.." Nakangiti man siya halata naman sa mga mata niya ang lungkot kaya bahagyang umupo si Luirica para magpantay sila atsaka hinawakan ang ulo niya.
"Wag ka ng malungkot Ms. Avinir, mas bagay sayo kapag nakangiti." Pag-aalo nito sa kanya.
"Salamat Luirica." Tunay na ngiting tugon niya.
Sa ganitong pagkakataon ay talagang nagpapasalamat siya dahil laging nandyan si Luirica para pagaanin ang loob niya at dahil kita niya ng malapitan ang mukha nito syempre pansin niya ang kakaibang itsura nito na kahit kailan talaga ay ikinamamangha niya dahil hindi pa rin maikakaila ang angking kagwapuhang nitong taglay. Hindi kasi ikinukubli ni Luirica ang tunay nitong anyo kapag nasa loob sila ng mansyon.
[ ʟᴜɪʀɪᴄᴀ ᴋɪɴᴅᴀ ʟᴏᴏᴋ ʟɪᴋᴇ ᴛʜɪs.. ᴋᴜʟᴀɴɢ ʟᴀɴɢ sᴀ ᴛᴇɴɢᴀ ʜᴇʜʜᴇʜᴇ! ʜɪʀᴀᴘ ᴍᴀɢʜᴀɴᴀᴘ ɴɢ ᴋᴀᴍᴜᴋʜᴀ ɴɪʟᴀ ᴇʜ.. ]
Kungbaga nakalabas ang may kataasan at patulis nitong tenga sa kanyang uluhan, ang buhok nitong manipis ang gupit sa gilid pero mahaba naman ang likod na abot na sa kanyang balikat, ang matangos nitong ilong at pantay na maliit na nunal sa magkabilaang gilid nitong mata, at ang marka nito sa kaliwang leeg na aabot na rin sa panga niya pero kapag naman lumalabas ito ay sobrang kagalang-galang ang anyo nito (mala Dr. Jose Rizal ba ang buhok at ayos niya.) Napakalayo talaga kapag sila-sila lang ang magkakasama.
Gwapo rin talaga 'tong si Luirica... Pero kay Yuan pa rin ako! Napahawak siya sa magkabilang braso nito atsaka umiling-iling.
Tama. Dapat hindi ako magpapaligaw at magkagusto sa iba kapag naging dalaga na ko.. kailangan maging tapat lang ako kay Yuan kasi nga may Niryu na kami.. Hahhahah! ٩(^ᴗ^)۶ Tama. Tama. Napakautak ko talaga sabagay..
"Royal ata to! (•̀ᴗ•́)و " Napalakas na sabi niya na ipinagtaka naman ng kaharap niya dahil 'di naman kasi naintindihan ni Luirica kung para saan bigla 'yung sinabi niya.
"Oh wow.. This is nice, It's more beautiful in here now." Bigla na lang may nagsalita sa gilid nila kaya pareho silang napalingon dito.
"Mr. Vernon! ヾ(◕‿◕✿)ノ Saan po kayo galing?" Mabilis siyang lumapit dito.
BINABASA MO ANG
𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑
Fantasy𝐀𝐯𝐢𝐧𝐢𝐫 𝐢𝐬 𝐣𝐮𝐬𝐭 10 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐬𝐡𝐞 𝐝𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐞𝐝 𝐡𝐞𝐫 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐢𝐨𝐮𝐞𝐧, 𝐚 𝐃𝐚𝐫𝐤 𝐰𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐰𝐡𝐨'𝐬 𝐚 186 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝. 𝐒𝐡𝐞 𝐡𝐚𝐝 𝐧𝐨𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠- 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐡𝐢𝐦 𝐚𝐧𝐝 𝐟...