"Hello! Gallagher's Residence." Napa-Ingles ako na wala sa oras.
Isang pangkaraniwang gabi para sa lahat ng tao sa mansion.
"Yes...ate Jenna. Napatawag po kayo.....Hhmmm ganon po ba. Okey po. Sasabihin ko po sa kanya. May iba pa kayong bilin?
Nauunawaan ko po. Ingat kayo dyan. Regards po kay Mam Rosey ."
Pagbaba ko ng telepono agad akong taumakbo upang i-dial ang silid-tulugan ni Sed. Nasa tabi ng pintuan ng malaking kusina ang isang intercom.Napapadali nito ang pagtawag sa mga tao na nakatira sa mansyon.High -tech dito. Wala akong masasabi sa mansyon lahat na ata nandito na; high tech na gate, self-cleaning swimming pool, automatic locking doors, may anti-burglar alarm system in short anti-akyat bahay, may mga CCTVs, may solar panels, meron ding 24 hr.security, at may tatlong dobberman na umiilaw ang mga mata! Wala silang aso o kahit anong alagang hayop. Allergic ata sila sa rabies o anu mang hayop.
Pinindot ko ang access number 3 sa intercom . Access number ito sa silid-tulugan ni Sir Sed.Nagriring sa kabila.
Naririnig ko tumutunog lang pero walang sumasagot. Nasa first floor ang kusina at kainan. Bago makarating sa pool side at garden ng mansyon aabutin ka ng 2 minuto. Hindi naman ito tatawaging mansyon kung maliit ito di ba.Kaya isang dosena ang intercom dito sa mansyon dahil aabutin ka ng isang buong araw bago mo maihatid ang sasabihin mo sa isang taong nakatira dito.
May tig-isang intercom ang limang kwarto dito. May tig-isang intercom naman sa sala, sa library, sa gym, malapit sa pool, sa theater room, sa kusina, at sa labas sa may guard house.
Wala akong masabi sa bahay.
Dream house ito nang marami.
Nasaan kaya iyon si Sir Sed. Pati cellphone ko hindi ko pa rin mahanap.
Umakyat ako papunta sa library baka andun siya. Sana andun siya.
Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya.
Kakatok sana ako sa library ngunit bukas ang pinto. Nakita ko siyang nagbabasa.
"Sir Sed, busy po ba kayo?" medyo nilakasan ko na lang ang boses ko.
"Oh Amira. Yes. Come in." alok niya sa akin. Seryoso siya ngayon.
"Sir Sed..." sasabihin ko pa lang yung susunod nang sumabat siya.
"Just call me Sed. Sed na lang. Nakakailang naman yung Sir. Matanda na ba talaga ako para sa iyo."
Tumayo siya mula sa isang luxury couch na ilang libo ata ang halaga nun.
Natawa ako sa sinabi niya sa akin.
Pumasok ako sa library. Manghang-mangha pa rin ako sa maliit na aklatan na iyon.
Kahit linggu-linggo akong naglilinis dito hindi ako magsasawang bumalik -balik dito.
Maraming bagong aklat dito buwan-buwan. Yung mga lumang libro dinodonate sa local public school.
May mga larawan din ng sikat na scientist na nasa picture frames.
Sana dito na lang yung silid ko.
"Amira...hey are you ok?" ang lamig talaga ng boses ni Sir Sed.
"Kanina pa kita tinatawag. " dagdag niya. Lumapit na ako agad sa kanya para sabihin yung bilin ni ate Jenna.
"May pinapasabi po si ate Jenna...Sir..."
Bigla niya akong hinila. Hinawakan sa baywang at nakadikit na ang mukha ko sa pantaas niya.
Naamoy ko ang amoy alak sa kanyang tshirt.Mabango ngunit amoy alcohol.
Hindi ko na namalayan bigla akong niyakap ni Sir Sed.
"Sir Sed...aahh.. yos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya sinagot agad.
Napuno kami ng katahimikan.
Biglang humigpit ang yakap niya sa akin. Gusto kong gumanti sa mga yakap niya.
May naramdaman akong pumatak sa noo ko.
"Sir , sir...sir Sed."
"Amira... Amira..."
"Sir ...Sed..."
"Amira."
"Sir ...hindi po ako makahinga."
"Ahhmira. Sorry, sorry."
Nakawala ako sa yakap niya. Ano tong naramdaman ko mula kay Sir Sed. Parang sobrang lungkot.
"I am sorry. Ayos ka lang ba. I am really sorry.Galit ka ba?Please tell me."
Binilang ko yung sorry niya. Umabot ng isang-daan.
"Ayos lang sir. Hindi po ako galit.Hahaha." Tumawa ako nang kaunti.
Oo hindi talaga ako galit. Pero pwede kaya itong maulit bulong ko sa isip ko.
"Bakit ka natatawa?" tanong niya sa akin pagkabalik ng ulirat niya.
"Wala sir Sed...humihingi po ako ng paumanhin."
"Please do not be so formal. Hindi ako sanay diyan.Come on. Ano ba yon?"
"... kasi madrama po pala kayo."
Para siyang namula sa sinabi ko.
Mula sa pagkakaharap namin ay tumalikod siya at humarap sa malaking glass door ng mansyon. Nakatitig siya sa paglubog ng araw.
"Tumawag po si ate Jenna. Nagbilin po ako daddy ninyo. Direcho po sila sa Ascott Makati dahil sumakit po ang ulo ng mommy ninyo.
Si Ate Jenna at kuya Johnny po ang sasama sa Palawan. Kasama naman po natin dito sa mansion si Butler Noel at ang iba pang katulong."
Mabilis kong ipinaabot ang mahabang speech ni ate Jenna.
"Got it." Dalawang salita lang.Yun lang yun.Yun lang yung sagot niya.
"Sir Sed." Hindi na siya lumingon. "Ihahanda ko na po ang hapunan ninyo.Bababa na po ako."
Imbis na mainis ako sa ginawa ni Sed ibang klaseng pakiramdam ang humihimlay sa dibdib ko.
Umiibig na ba ako ulit? Hindi naman siguro masama kung sa kanya ako maiin-love.
Ang susunod na tanong ay kung mamahalin kaya ako ng taong ito?
Katulong lang ako.Amo ko siya.
Mahirap lang ako. Mayaman sila.
-------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Good morning My sunshine! (Tagalog-English Romantic Comedy)
RomanceIsang masikap na dalaga. Mataas ang pangarap. Medyo mataas. Nakatira ako sa isang mansyon.Anim na araw sa isang linggo kong pinagsisilbihan ang dalawang binata o bachelor na mga anak- mayaman. Sina Sir Sed at Sir Dave; parehong gwapo, laging maban...