9

993 37 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nung okasyong naganap sa kastilyo.
Bumalik na sa dati ang lahat.

Isang linggo na rin mula nung eksena sa kanila ni Zion.

Isang linggo na rin mula ng huling kita ko kay Lance.
Aaminin kong na miss ko ang presensya nito kahit minsan binubwesit ako.

Nakakalungkot talaga pag wala kang makausap.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong nag uusap at nagtatawanan samantalang ako andito lang sa sulok napapanisan ng laway.
Hindi pa kasi dumating ang professor namin.

Para pampatanggal bagot nilaru-laro ko na lang ang hawak kong ballpen gamit ang kaliwang kamay. Kunti na lang talaga mababaliw na ako dito.
Pero wag naman sana.

Naramdaman kong may tumama sa ulo kaya sinapo ko ang sumasakit na parte dun nang may nakapa akong basa. Pagtingin ko sa aking kamay may dugo ito. Shit! Ang sakit nun ah.

Imbes na tumulong, pinagtatawanan lang nila ako.

Kung pwede lang sana.... Kung pwede ko lang gamitin..,..

Gusto kong maiyak sa nangyari sakin.
Takot pa naman ako sa dugo. Ayoko kasi ng amoy ng dugo. Nakakasuka at nakakahilo.
Gayunpaman, pinilit kong tulungan ang aking sarili. Kinuha ko ang first aid kit sa loob ng aking bag pero bago ko yun nakuha nanghihina na ako. Sobrang nanlalabo na kasi ang paningin ko anumang oras kakainin na ako ng dilim. Nawalan na rin ako ng lakas.
Bago ako panawan ng ulirat naramdaman kong may kamay na umalalay sakin. Hindi ko na natingnan kung sino.















Nagising ako sa isang silid. Puting kisame ang agad kong nakita. Pagtingin ko sa paligid alam kong nasa clinic ako dahil agad akong dinaluhan ang nurse.
Medyo kumirot pa ng kunti ang sugat ko sa ulo buti na lang nilagyan na pala ito ng plaster.

Bumukas ang pinto iniluwa nito si Lance na may bitbit na supot.
Alam kong pagkain ito base sa amoy nito.
Nakaramdam tuloy ako ng pagkagutom.

"Gising ka na pala sleeping beauty".

Hindi ko na lang pinansin ang pang iinis niya.
Nakita kong inilagay nito ang mga dala sa isang maliit na mesa na iniusod niya sa kinahigaan ko.
Inalalayan niya pa ako para makaupo sa headboard ng kama.

"Ang tagal mo namang nakatulog".

Tiningnan ko ang suot kong relo. Tatlong oras pala akong walang malay alas dose na kasi ng tanghali.


"Salamat Lance ha?"

Hindi ko alam ang gagawin kung wala ito. Malaki na ang utang na loob ko sa kanya.

"Don't mention it! Kain ka na".

Lance is one of a kind. Napaka thoughtful nito. Iniisip ko na ngayon kung paano ako makakabayad ng utang na loob dito.

"Ikaw? Kumain ka na?"

Baka kasi hindi pa siya kumakain.

"I'm done eating. Kain ka na diyan. Aalis muna ako saglit. Babalikan kita mamaya".

Bakit kaya parang may something ngayon sa kanya?
Sobrang seryoso kasi ng mukha niya ngayon. Ano bang nakain ng lalaking yun?





















Lance

Iniwan niya saglit si Ava dun sa clinic may importante pa kasi siyang gagawin.

Nagtungo siya sa isang lumang building ng Academy na bihira lang estudyante ang magagawi.
Pagpasok niya dun nakita niya ang nakagapos na estudyante sa gitna ng malaki at lumang silid na yun.

Sa galit niya tinadyakan niya ito sanhi nagpilipit nito sa sakit.
Sisipain na naman niya sana ito pero pinigilan siya ni Percival.

"Enough Lance!!! Tuturuan lang natin siya ng leksyon".


Dumagundong ang maotoridad na boses ni Zion.
Si Zion ang bumuhat kay Ava papuntang clinic na tyempo namang sa mga oras na yun nakasalubong niya ito kaya sumunod siya papuntang clinic.

Nagtimpi na lang siya kahit sobrang gigil na siyang baliin ang leeg ng estudyanteng yun.
Binato lang naman kasi nito ng dagger si Ava. Lumihis kaya nadaplis sa ulo nito.
Kung hindi tiyak na napapahamak na si Ava ngayon.
Galit siya dahil alam niyang walang ginawang masama si Ava sa estudyanteng ito kahit may pagkapalpak minsan ang babae alam niyang sa konteng panahon pa nilang nagkakilala, mabuting puso ito.

Gumilid siya ng naglakad palapit sa nakagapos na lalaki si Zion.
Marahas nitong hinawakan sa mukha ang estudyante.

"Take this as a warning. Do not touch that human again or else as an alpha, i will kill you. Understood?!!!".

Pagbabanta nito sa estudyante na nanginig naman sa takot sa kanilang alpha.

Pagkatapos nun pinakawalan na ito. Nagmamadali naman itong umalis sa lugar na yun habang si Zion ay walang emosyong naglakad paalis. The same old Zion...


ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon