"Ang ganda ng Paris no?" bulong ko sa katabi kong lalaki sa bar.
Umalis siya kaagad, natakot ata sa akin.
"Kath, nasa Paris ka pero tinatagalog mo ang mga tao. Wala ka sa Yangdon!" patawa kong sinabi sa sarili ko.
Ilang araw na rin akong ganito. Yung tipong hindi naman malungkot, pero hindi rin masaya. Ang relationship ng kasiyahan at kalungkutan ay hindi maihahalintulad sa relationship ng liwanag at dilim. Kapag walang liwanag, automatic na merong kadiliman. Pero ang tao pag hindi malungkot, hindi mo agad-agad masasabi na masaya siya.
Sa tingin ko hindi naman ako malungkot. Wala namang nangyaring masama sa akin, o sa mga taong mahal ko. Wala akong sakit, at hindi ako nagdurusa.
"Eh bakit ka andito?" may bumulong sa akin. Lumingon-lingon ako. That's odd, wala naman akong katabi. "Bakit ka nakatunganga dyan? Nakakarami ka na, first time mo pa ngang uminom," narinig ko ulit. Ganito na ba talaga ako kalasing at naririnig ko na ang sarili kong konsyensya? Oo admittedly first time ko pa lang uminom ng alak. I just turned 18 last March, and where else could I better enjoy my first alcoholic drink than here in Paris, the city of love?
"Love," patawa kong binulong sa sarili ko. Napatigil ako at napaisip.
"Andito ka dahil sa love na iyan," biniro ako ng konsyensya ko. Tumawa ako ng malakas. Siguro inisip ng mga tao sa bar na nababaliw na ako.
"One more shot, please." Kailangan ko pa ng isang shot.
Siguro nalilito lang talaga ako.
"Sir, I ordered only one shot!" pagalit kong sinigaw sa bartender nang binigyan niya ako ng dalawang baso.
"Oh, wait," bulong ko sa sarili.
Tinitigan ko ang baso.
Hahaha! Isa lang pala.
Nakailang shot pa nga lang ako ng alcohol, naduduling na ako.Tinawanan ako ng bartender.
"Is it your first time to drink?" tanong niya sa akin in a very distinct french accent.
Hindi ko napansin noon kung nasagot ko ba siya ng matino. Muntik ko nang maitanong kung kambal ba ng bartender yung nakikita kong katabi niya, so maybe beyond tipsy na siguro ako.
"Baka hindi magandang idea ito," sabi ko sa sarili ko. First time ko pa ito pero padalus-dalos na ako. Feeling ko alam na alam ko na ito pero baka sa pagiging reckless ko, baka ako pa ang masaktan.
Kasalanan ko bang pumiling sumubok? Ginusto ko to. Oo, ginusto ko to. Ang inumin ba ang matapang, o sadyang ako ang mahina?
Ang pag-ibig ba ang mahirap, o sadyang ako ang madaling sumuko?
Umiiyak na pala ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tinapik ang mga pisngi ko. "Maging matapang ka, Kath. You deserve to be happy. Everybody deserves to be happy," litanya ko sa mga katabi kong bar-goers.
Nang biglang may lalaking nilapitan ako at hinawakan ang kamay ko.
"Bonjour mademoiselle," bulong niya sa akin.
Tinitigan ko siya ng 5 seconds, hanggang sa maging iisang tao nalang siya.
Hindi naman kagwapuhan. Malaki ang katawan. Namumula na ang mukha, lasing na ata ang lalaking to.
Malaki ang katawan pero hindi kagwapuhan. Napatawa ako. Total opposite eto ng isang kakilala ko.
"Voulez-vous un peu de compagnie?” bulong niya ulit sakin.
Eww. Tinakpan ko ang ilong ko. Nasusuka ako sa amoy ng hininga niya. Ano ba ang kinakain ng French people?
"I don't speak French," sinabi ko sa kanya na parang bingi yung kausap ko. "Please speak in English!"
Hinalikan niya ako sa pisngi.
"GET OFF!" tinulak ko siya ng malakas. How dare him! Di porket lasing ako, makaka-take advantage na siya sa akin!
Hindi pa ako tapos, nilapitan ko siya at sinuntok straight to the face.
Iba rin pala pag nakainom ako. Confident. Matapang. Fearless.
"Bastos ka ah! Yan ang bagay sa'yo!" sinigawan ko siya. Angsarap sa feeling ng ganitong tapang. I feel empowered. First time kong ma-feel ito buong buhay ko.
Pero nawala bigla ang tapang ko nang tumayo ang lalaki. Galit na galit siya.
Galit na lasing.
Putek.
Naging blur na ang mga sumunod na nangyari sa akin. Tumayo yung isa pang lasing na lalaki na nabangga niya at sinuntok rin siya sa mukha. Nakisuntukan na rin yung dalawa pang lalaki sa bar. In 3 minutes, ang tahimik na bar ay umingay nang dahil sa riot.
Oh no. Kasalanan ko to.
Bakit hinayaan ko ang kalasingan ko get the better of me? Naging fearless ba ako, or reckless? Sana hindi nalang ako lumabas mag-isa at naglasing. Sana hindi nalang ako sumubok para hindi masaktan.
Dalawang lalaki sa aking harap ang may masamang tingin sa akin. Palapit sila sa akin.
Umiiyak na ako at nanginginig ang tuhod.
Ilang hakbang nalang, maaabot na ako ng mga lalaking ito na parang may mga masasamang loob.
Gusto kong tumakbo palabas pero hindi ko magalaw ang mga paa ko sa takot.
"Miss!" may lalaking sumigaw sa may likuran ko.
Hindi na ako nakalingon.
Niyakap niya ako sa likod at hinila ako papalabas ng bar.
Nawalan ako ng malay sa bango ng perfume niya.
- - -
BINABASA MO ANG
Hello Again
Fanfiction3 words. A second chance. Your first love. Kathryn escapes to the city of love to try to find what she feels is missing all her life. What she finds is a second encounter with the guy who once made her almost decide to let go of it all.