NOTE: Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwento nina Andru at Aquano. Sobra po akong natutuwa kasi kahit na boy's love ang kwentong ito ay meron pa ring mga nagbabasa. Hehe... Actually, first time ko talagang magsulat ng ganitong klase ng story na mahaba. Dati kasi kapag boyXboy or boy's love ang sinusulat ko puro one shots lang siya, pero dahil sa 'Ang Asul Na Buntot Ni Aquano' napatunayan ko na kaya ko rin naman pala na magsulat ng ganito kahaba.
Ayun, nakakalungkot man pero kailangan na talagang magpaalam sa atin nina Andru at Aquano. Muli, salamat sa inyo. Sana po ay magustuhan niyo ang pagtatapos ng kwentong ito. God bless us all!
-----***-----
CHAPTER TEN
"HUWAG niyo pong ibibigay kay Amafura ang Talea, Haring Pirano!" sigaw ni Andru habang hawak pa siya ni Amafura sa leeg. "Ang isipin niyo po ay ang mangyayari sa Aquatika oras na mapasakamay muli ni Amafura ang Talea-"
Lalong diniinan ni Amafura ang pagkakasakal sa kanya. "Tumigil ka, taga-lupa! Talagang nais mo nang mamatay!"
"Itigil mo na ito, Amafura!" ani Haring Pirano.
"Hindi, Pirano! Napakatagal kong hinintay na ako ang mamuno sa Aquatika at hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito!"
"Amang Hari, iligtas po natin si Andru. Nakikiusap po ako..." lumuluhang sabi naman ni Aquano sa ama.
Nakita ni Andru ang pagtiim ng bagang ng hari. Tila nag-iisip ito ng tamang gagawin.
"Ano, Pirano?! Naiinip na ako! Wawasakin ko na ang Obus kapag napuno ako para mamatay na ang taga-lupang ito!" Naramdaman ni Andru ang lalong paghigpit ng pagkakahawak ni Amafura sa Obus.
"Amang Hari..." nagsusumamong pakiusap ulit ni Aquano.
Maya maya ay biglang nagsalita si Haring Pirano. "Oo na, Amafura. Ibabalik ko na sa iyo ang Talea basta huwag mo lang sasaktan ang taga-lupang iyan!"
Napailing si Andru sa naging desisyon ng hari. Siguradong mas lalo silang manganganib oras na mapasakamay muli ni Amafura ang makapangyarihang Talea.
Malakas na humalakhak si Amafura. "Kung gayon, ihagis mo sa akin ang Talea, Pirano. Bilisan mo!" utos nito.
Agad naman na sinunod ng hari si Amafura. Inihagis nito dito ang Talea na nasalo naman agad ng huli. Tuwang-tuwa si Amafura.
"Pakawalan mo na si Andru, Aer!" ani Aquano.
"'Wag kayong mag-alala dahil tumutupad ako sa usapan. Papakawalan ko ang taga-lupang ito!"
Ang buong akala ni Andru ay tutupad ito sa usapan ngunit nagkamali siya. Dahil hiniklas nito sa leeg niya ang Obus at dinurog nito iyon sa pamamagitan ng Talea. Itinulak siya ni Amafurat at napasubsob siya sa isang sulok. Nagliwanag ang kanyang buntot at nahati iyon sa dalawa. Hanggang sa naging paa na iyon ng tao.
"Iyan ang nararapat sa mga taga-lupang katulad mo!" tumatawang sabi pa ni Amafura.
"Hayop ka, Amafuraaa!!!" galit na galit na sigaw ni Haring Pirano.
"Andruuu!!!" sigaw naman ni Aquano nang makita siya nitong nahihirapang huminga.
Pakiramdam ni Andru ay sasabog na ang kanyang dibdib ng sandaling iyon. Hindi siya makahinga. Walang silbi kung lalangoy siya paibabaw dahil sa sobrang lalim ng kinaroroonan niya ay siguradong hindi rin siya aabot ng buhay doon.
Muli ay narinig niya ang tumatawang si Amafura. "Ngayon ay panoorin niyo ang unti-unting pagkatupok ng hininga ng taong iyan!"
"Hindi ako makakapayag na mangyari iyon! Pekeng reyna!" Bumangon ang pag-asa kay Andru nang makita niya si Tabalon sa likod ni Amafura.
BINABASA MO ANG
Ang Asul Na Buntot ni Aquano
Fantasy(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan. Habang si ANDRU naman ay isang pasaway na lalaki kaya ipinadala siya sa probinsiya ng kanyang momm...