Naglalakad ako sa isang madilim na lugar na tila walang katao tao.
Tunog galing sa mga damo at maliliit na kahoy ang umaalingawngaw sa napakatahimik na lugar na 'to.
Lakad ako nang lakad..
Walang katapusang paglalakad..
Pabilis nang pabilis ang aking paglalakad dahil tila may isang uri ng halimaw ang humahabol sa akin.
Kaba..
Takot..
Panginginig..
Yan ang tanging nararamdaman ko. Nanlalamig ang buo kong katawan sa pangambang maabutan niya ako.
Hanggang sa madapa ako.
Daing ko ang sakit mula sa sugat na sanhi ng sangang nakaharang sa aking dinadaanan.
Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang makita ko ang halimaw na kanina pang sumusunod sa akin.
Papalapit siya nang papalapit.
Wala na akong nagawa kundi ang mariing ipikit ang mga mata ko..
Malakas na ihip ng hangin ang dumampi sa aking balat.
Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata.
Napatingin ako sa paligid ko. Ginala ko ang paningin ko.
Eh? Nasa loob ako ng kwarto ko?
Kinapa-kapa ko ang sarili ko. Nakahinga ako nang maluwag na malaman na panaginip lang pala.
Panaginip?
Nakakainis na panaginip
Paulit ulit lang ang panaginip kong yun hanggang ngayon. Pakiramdam ko totoo talaga dahil nararamdaman ko ang matinding takot sa panaginip ko.
Naglalakad ako sa isang lugar na maraming bahay. Madilim at walang katao-tao. Nililinga ko ang paligid ko, hanggang sa madapa ako.
Akala ko magigising na ko sa panaginip kong yun. Pero, hindi.
Pagkatayo ko, at pagkapagpag ko sa tuhod ko, napatingin ako sa di kalayuan sa'kin.
Hugis ng tao. Isang lalaking nakatayo at may dalawang pulang mata, tinatawag ako sa pangalang...
Liora.
***
A/N:
Hmm. Mukha bang seryoso? Haha. Paalala lang po, hindi po ito yung type na mala-suspense at mala-horror na vampire story. Maniwala po kayo o sa hindi, medyo may kaunting pagka-romcom po ito. Huehue.
♡♡♡
V
Written by: Shaaarin
BINABASA MO ANG
V
VampireWhat if mapadpad ka sa mundo ng mga Vampire? At ang susi lang para makabalik ka sa mundo mo.. Ay ang puso ng prinsipe nila? #SlightRomCom