"Mark, 2.75? Grabe. Pinagpuyatan mo lagi 'tong subject na to ah? Lagi ka namang nag rereview dito." Gulat na gulat si Jenna ng makita nya ang grades ni Mark ng 1st sem. " Tsk. Mark, feeling ko di ka talaga para sa Engineering eh."
"Shhh... Jenna, Bestfriend ba talaga kita? First and foremost, ikaw dapat ang sumusoporta sa mga pangarap ko sunod sa parents ko." Sambit ni Mark na medyo naiinis na. Halos itapon na nga nito ang kinakaing Burger sa sobrang inis. "Besides, sabi nila, talagang kuripot magbigay ng grades yung prof namin jan. Si Roxanne nga lang naka uno jan eh. 1.75 pa nga eh. Palibhasa kasi, crush nya."
"Hay naku Mark. I'm just concern. " Sambit ni Jenna habang busing busy nyang tinitignan ang grades ni Mark "Ayoko namang bigla kang magsisi at mag shift sa huli. Saka tigil-tigilan mo nga yang pag iisue mo sa Prof mo. Baka mamaya may makarinig sayo. By the way, sabi ni Lyka mag babakasyon kayo this Semester Break. San ba kayo pupunta? Mark?" Binatukan nya si Mark ng napansin nya na hindi na ito nakikinig sa kanya. "Hoy! Busy ka nanaman kakatingin jan sa Grace mo! Hay naku. Mga pangarap mo Mark!"
"Jenna! Please, you're losing my patience!" Sabi ni Mark na sobrang na pipikon na. "Diba nga, na kwento ko na sayo?"
"Fine."
Wala ng ibang nasabi si Jenna. Sobrang napipikon at nag sasawa na kasi ito sa paulit na kwento ni Mark tungkol kay Grace. Kung pa'no sila nagkakilala, kung bakit nya ito nagustuhan. Paulit ulit ngang kinukwento ni Mark yung first kiss nya na si Grace ang gumawa nung 7 years old pa sila. Nahulog kasi non ang favorite doll ni Grace sa putikan nung nasa park sila kasama ang Mommy nya. Gusto sanang pulutin ni grace ang nalaglag na paboritong laruan pero pinigilan ito ng kanyang Mommy. Sakto naman ng iniwan ito ng mag ina ay nakita ito ni Mark, pinulot at nilabhan. Kinabukasan ay binalik nya ito kay Grace at kapalit nuon, hinalikan sya ni Grace sa nuo.
"And anyway, kung iniisip mo na hindi ako gusto ni Grace, pwes nung 7 years old kami..."
" One Hundred Seventh." Bulong ni Jenna sa tenga ni Mark kahit di pa ito tapos mag salita.
"huh?" Nagtatakang bulong ni Mark. "Baliw ka na, Jen? Anong One Hundred Seventh ang pinagsasabi mo jan?"
"Sa apat na taon nating magkaibigan, One Hundred Seventh mo ng na Kwento yang 1st kiss mo na yan!" Sigaw ni Jenna Habang tumatawa.
"Eh? Bakit mo binibilang?" Sabi ni Mark na medyo ngumingiti na.
Bigla namang dumating si Roxanne, Blockmate ni Mark na patay na patay sa kanya. Naupo ito sa tabi ni Mark. Di ito napansin ni Jenna nung una. Pero ng umurong si mark sa bench na kinakauupuan nila, napalingon si Jenna kay Mark. Nanlaki ang mga mata ni Jenna dahil halos one inch na lang ang pagitan ng mga mukha nila ni Mark. Di alam ni Jenna kung bakit. Pero nagtagal ang titigan nilang dalawa.
"Ehem!" Umubo si Roxanne ng malakas. And obviously, sinadya nya yon para ma-interrupt ang dalawa. "Do you guys have a relationship?"
"Definitely none!" Sabi ni Jenna habang namumula
"Ikaw lang ata sa buong Campus ang di nakakaalam na she's my bestfriend." Sambat naman ni Mark.
"Good. Of course I know." Anya ni Roxanne. "I'm Just Clarifying. Anyway, Mark. Do you have any appointments at the 1st week of the semester break? My friends and I are going to Bora that week. Do you want to come?"
"I'm going out with my Family."
"That whole week?"
"Uhmm.. Yes."
"How about on the 2nd week? We can adjust it for you."
"Uhm... I'm going out with... with my cousins. Right. I'm going out with my cousins that week."
BINABASA MO ANG
The Best Thing I Never Had
Подростковая литератураIn this book, you’ll know the story of Grace, Mark and Jenna. One of them may portray who you are. Grace is a kind of person who has the bad impression to those people who don’t know her that much. People say that she’s a flirt, a brat, a party girl...