Isinabay na ni Lance si Ava pauwi pagkatapos ng klase nila.
Hindi naman tumanggi pa si Ava dahil nanghihina pa rin siya. Nalalanghap pa rin niya kasi ang amoy ng kanyang sariling dugo."Pasensya ka na talaga sa abala Lance ha".
Taos puso niyang pagkasabi habang nasa byahe sila.
"K".
Maikling sagot nito. Hindi alam ni Ava kung galit ba ito o ano kasi pormal ang mukha nitong nagmaneho ni hindi manlang siya tinapunan ng tingin.
May pagka authistic din itong si Lance minsan. Moody daig pa ang may reglang babae. Paiba-iba ng mood.
Kaya hindi na lang nagsalita pa si Ava.Pagdating nila sa kastilyo nauna na itong bumaba ng sasakyan hindi niya inasahang pagbubuksan siya nito ng pinto sabay hila sa kanya papasok sa kastilyo.
"Oy Lance, dito na lang ako! Hoy".
Kung makahila naman kasi si Lance parang nakalimutan nitong bawal siyang dumaan sa front door.
"Tsk. Nevermind".
Ayun hinihila pa rin siya nito buti na lang walang katao-tao sa loob.
Pumanhik sila papunta sa silid nito. Nagpatianod na lang si Ava dahil kahit anong pilit niyang kumawala rito mas malakas pa rin ito sa kanya."Sit!".
Utos ni Lance sa kanya. Umupo naman siya couch na naroon.
Pagbalik ni Lance may dala na itong plaster. Pinalitan nito ang plaster niya kanina.
Tinitigan niya lang ito hanggang sa matapos ang lalaki.
May parang humaplos sa kanyang puso sa kinilos ng lalaki."Nagwapuhan ka na naman sakin no".
Binawi niya ang tingin saka tumingin na lang sa sahig.
Nag iinit ang pisngi niya dahil nahuli siya nitong nakatitig sa kanya."Di ah, sige mauna na ako. Salamat nga pala ulit".
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid nito.
Nang nakalabas na siya tumigil muna siya saglit ng dumako ang tingin niya sa katapat na pintuan.
Nadismaya siya dahil hindi manlang siya tinulungan ni Zion kanina. Buti na lang si Lance kahit di sila magkaklase sinaklolohan siya.
Di tulad ni Zion, siguro pinagtatawanan siya nito kanina.
Ganun ba talaga ka baba ang tingin nito sa kanya at di manlang nakuhang tumulong sa kanya?
May parte ng kanyang puso ang nasaktan dahil sa isiping yun.Zion
I was deeply in a thought when my gamma mindlink me about some rogues they spotted during patrolling in our borders.
"Copy that. Stay where you are. Papunta na ako at wag niyong galawin. Ako ang papatay sa kanila!"
He immediately shifts into his wolf form and vanished through the dark forest.
Good timing he needs pleasure to soothe and calm his chaotic mind and killing is his best remedy.
Nadatnan niya ang kanyang mga kawal at si Arthur pinalibutan nila ang apat na rogues.
Malakas ang loob ng apat na rogues dahil kahit alam nilang talo na sila lumalaban pa rin kahit walang pag asa.
Zion in his wolf form is famous of being ruthless and merciless. He kills without hesitation.
Sinugod niya agad agad ang mga nanlabang rogues.
Napatay niya ang tatlo at ang isa ay matindi ang sugat na natamo at agaw buhay na."Any last words?"
Lumapit dito si Zion na ngayon ay naka anyong tao na.
"M-mag b-ba-yad k-ka-yo!"
Ito ang huling sinabi ng rogue bago ito pinatay ni Zion gamit ang sariling mga kamay.
Inipon ng mga kasamahan ni Zion ang bangkay ng apat na rogues pagkatapos sinunog nila ito.
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
Hombres LoboHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.