Chapter 7

5 1 0
                                    

HINDI ako sanay na hindi ako kinukulit ni Justine kasi simula ng pumasok siya kanina ang tahimik niya lang, hinayaan ko na lang kasi mas mabuti na tu kesa naman mahulog pa ako sa kaniya, oo inaamin ko na mahal ko siya pero hindi niya na kelangan malaman. Besides, bawal pa naman akong mag boyfriend kaya siguro mas mabuti na rin ito.

“Uyy reighn nagkatampuhan ba kayo ni Justine”

usisa ni jane sakin, kaya kinwento ko sa kaniya ang nangyari,

“ayy best baka na hurt mo yung feelings niya”

   malungkot na saad ni jane, ewan ko ba pero na gi-guilty rin ako sa ginawa ko.

Buong araw na iniiwasan ako ni Justine kaya ayun,   hindi ko na rin siya kinausap, naiilang kasi ako eh,

Harsh na ba ako kagabi?
ba’t ganun?
Hindi ko naman sinabing layuan niya ako ah. Pero parang ganun na rin yun kasi ba naman ba’t ako nag goodbye?                    
.   Pinupokpok ko ng kamay ko ang ulo ko habang nakaupo ako sa hagdan sa school. Haayssssss.
  Kailangan humingi ako ng tawad sa kaniya at kailangan kausapin ko na siya.
  Pupuntahan ko na sana siya pero saktong pagharap ko muntikan ko na siyang mabunggo kaya na out balance ako, pinikit ko ang mga mata ko at hinanda na ang sarili ko na mahulog sa hagdan......
..... pero mga 5 segundo na ako nakapikit hindi ko naman naramdaman na bumgsak ako kaya unti-unti na akong nagmulat ng mata

attttttt oh my gosshhh .

juskolord ang lapit ng mukha ko sa
mukha ni Justine, kaya pala hindi ako bumagsak kasi hawak niya ako.

      Feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Natulala pa rin ako sa kaniya kaya hindi agad ako nakagalaw.

  “Sa susunod mag ingat ka.”

Sabi niya at umalis na. haays ba’t ang suplado nun? Haays namimiss ko na yung makulit na Justine eh, tapos wala ng tumatawag sakin na shine, ewan ko ba, pero bakit ang sakit nung pagtrato nya sakin? Parang iba siya eh. Habulin ko kaya? Tama! Dali-dali akong bumaba sa hagdan at hinabol ko siya kaya lang pagbaba ko eh wala namn na siya, asan kaya yun? At saktong paglingon ko nakita ko siya papuntang canteen kaya sumunod agad ako.

“just, binusted ka ni shine Nu?”

narinig kong tanong ni tups kay just,

“tsss”

yun lang ang reaksyun niya sa sinabi ni tups,

Mukhang busy naman siya sa pakikipag usap sa mga kaibigan niya kaya umalis na lang ako dun, pero teka ,,
    binusted ko daw siya? Eh hindi naman siya nanligaw ah! Ay ewan, ang gulo-gulo hindi ko maintindihan.

BUONG klase panay ang tingin ko kay just pero siya tulala lang, mukhang malalim ang iniisip, kaya nung mag dismiss na yung teacher naming eh dali-dali ko siyang pinuntahan.

“Justine wait,” papalabas na siya nung pigilan ko.

“bakit?”

“pwede ba tayong mag-usap”

“busy ako reighn at may pupuntahan pa ako”

“ah ganun ba? Sige ingat”   Tiningnan niya lang ako at umalis na siya. 

UYY Best ba’t ka tulala diyan? Naku iniisip mo si Justine nu? Intriga ni jane sakin,

“di nu!”

“wait bess si Justine yun oh diba ? ayy, may ibang kasama”

nakita ko siya malapit sa park at may kasamang babae, tumalikod ako dun agad at umalis na, ba’t parang iiyak ako? Bakit parang ang sikip sa dibdib?
  
*screeeeeeechhhhh*

“REEEIGHHN!!!!”




malakas na sigaw sakin ni jane kasi tatawid na sana ako pero di ko napansin ang paparating na bus.

“huyy miss magpapakamatay ka ba” sigaw ni mamang driver sakin.

Yumuko na lang ako at aalis na sana ng may humawak sa braso ko.

“okay ka lang ba?” nilingon ko ang nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Justine,

“a-anong ginagawa mo ditto? Umalis ka na nga puntahan mon a yung kasama mo.”

“ayos ka lang ba? Ano ang masakit sayo?”

  tinitigan ko lang si Justine at ang mga mata niya ay puno ng pag aalala.

“bitiwan mo ako!!” galit na inagaw ko ang kamay ko sa kaniya.

“busy ka diba? Ayaw mo nga ako kausapin eh, kaya anong ginagawa mo ditto ngayun? Umalis ka na nga, dun ka na oh, sa kasama mo,!” hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kaniya at sa kasama niya.

“nagseselos kaba shine?”

“di nu! Bakit naman ako magseselos? At saka tigilan mo nga yan ang pag ngiti mo. “ inirapan ko siya.

“kaibigan ko lang si krystal at nagkataon lang na nagkita kami.

“eh ba’t ka nag eexplain? Tss mamatay na nagtanong”

“HAHAHAHAH hay naku shine, akala ko baa yaw mo sakin?”

“sinabi ko bang ayaw ko sayo?”

“so gusto mo ako?”

“oo”

HALAAA?!
   Ano yung nasabi ko! Wala sa sarili akong napatakip sa bibig ko.

“talaga? Gusto mo ako?” nangingiting tanong niya sakin,

“a-ah a-no oo ayaw ko sayo” pilit  na agaw ko sa sinabi ko.

Nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Justine kaya nakonsensya naman ako agad. Panu ba tu? Aamin na kaya ako?

“di naman kita binusted ah, at saka di ka naman nanligaw eh,” mahinang sabi ko sa kaniya.

    “sino naman ang nagsabi na binusted mo ako”

“si  tups, narinig ko kayong nag uusap sa canteen kanina, balak sana kitang kausapin pero naduduwag ako at kanina naman tinanggihan mo ako may busy-busy ka pang nalalaman eh may date ka lang naman at saka di ko naman sinabing layuan mo ako ah, bakit hindi mo na ako kinukulit? Sabi mo gusto mo ako eh bakit may ka date ka nga--------hindi ko natapos ang sasabihin ko sana ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.





“na miss kita shine”. 

Love You Until The Sun SetWhere stories live. Discover now