".. and our Ms. and Mr. Intramurals 2020 is candidate no. 3 congratulations!",kinuha ng emcee ang bouquet at sash na ilalagay sa amin
Oo, kami ang panalo ni estevan. Sobrang saya sa pakiramdam na makatanggap ng pagka-panalo.
Pinicture-an kami ni estevan sa stage kasama ang prizes namin.
"Congrats",bati ni estevan sa'kin
"Wow hindi na suplado, congrats din", bati ko sakanya
Hindi pa man kami tapos ni estevan mag-usap ay agad sumugod si aira para batiin ako
"Portiaaaaaaaaaaa!", malayo palang dinig ko na ang sigaw niya
"Oh siya estevan mauna na ako ah", nginitian ko siya at agad din siyang tumango at ngumite
Ang gwapo niya....
"Congratulations beshieeee!!", niyakap ako ni aira habang nagtatatalon
"Thank you so much beshie", niyakap ko din siya
"Congrats portia", napadilat ako bigla at nakita ko si drake sa harap ko
Hindi ko siya kayang tignan ng matagal dahil sa nangyare kanina, nahihiya ako.
"Thank you drake", matipid kong sagot
"Ah sige iwan ko muna kayong dalawa, sa canteen nalang tayo magkita-kita ah ayusin ko lang mga make up ko sa backstage", aniya ni aira
Naiwan kaming dalawa ni drake at agad akong naglakad para mag-palit ng damit.Kinuha niya ang bouquet ko at binitbit ito at sumabay sa'kin sa paglalakad.
"Galit pa din ang bb?",tanong niya sa malambing na boses
"Sorry drake sa nasabi ko kanina,alam kong wala akong karapatan pag-salitaan ka ng ganun dahil wala namang tayo", hindi ko pa din siya tinitignan dahil nahihiya ako ng sobra
"No portia may karapatan ka, nililigawan na kita", hinawakan niya ako sa braso
tinignan ko lang siya at hindi umimik
"I'm sorry portia, kung hindi mo pa ako mapapatawad ngayon handa naman akong mag-hintay",pumupungay ang kaniyang mata habang sinasabi ito
Hindi ko alam pero agad lumambot ang puso ko at niyakap ko siya.
"Apology accepted", mahina kong sinabi.
Pag ka-punta ko sa dressing room ay agad akong nag-bihis at nagtanggal ng make up. Mas sanay ako sa walang make up dahil dun mas komportable ang mukha ko.
"Congratulations portia", bati sa'kin ni cassandra na halatang sarcastic ang pagkasabi
"Thanks",sarcastic ko ding sinabi
Lumapit siya sa'kin at agad ngumiti
"Portia huwag basta basta magtitiwala baka masaktan ka, bye", sabay kindat at umalis na sa dressing room
Wala naman akong pakealam sa sinabi niya pero bakit lumakas ang tibok ng puso ko.Bakit niya sinabi sa'kin iyon?
Lumabas ako at nakita ko si drake naghihintay sa labas ng dressing room
"Kanina ka pa?", tanong ko
"Kaka-palit ko lang din", sambit niya at agad akong inakbayan at nag-tungo sa canteen para puntahan si aira.
Pero bakit sinabi sa'kin ni cassandra iyon?, anong rason?.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...