Ano? Bakit ? Saan?
Kailan?
ang tanong ng iilan...
pero bago ko pa sisimulan
nais ko munang mag iwan ng isang katanungan
katanungang gumugulo sa aking isipanKung mawawala ba ako,
Ako kaya'y hahanap hanapin mo?
Kung aalis ba ako,
Ako kaya'y hahabulin mo?
Kung susuko ba ako?
Ako kaya'y ipaglalaban mo,?Ako'y sumulat ng isang tula
nagbaka sakaling iyong mabasa.
Mga tinig at salita,
Tila bay balewala.
Ang nais ko lang sinta,
Ako'y pakinggan at maintindihanKay daming tanong,
Na tila gumugulo sa akin
Pag sinabi ko ba?
Pakikingan mo?
Pag Sinigaw ko ba?
Maririnig mo ba?
At kung marinig mo ba?
Iintindihin mo?Puso ko'y nag aalinlangan
Utak ko'y puno ng katanungan
Noong sabihin mong,
Ako'y mahal mo na,
Paano nga ba ulit ako magtitiwala pa?
Ang ilang beses ng sinaktan at iniwang mag-isa.
Mahal naman kita,
Kaya wag kang mag-alala
Hindi ko nga lang alam,
Paano ulit mag umpisa.